I don’t hate change. I just don’t want to be there when it happens.
-Monk
Mukhang ito na po ang aking huling post para sa taong 2006… dahil kung di mo pa napapansin, kung kelan may internet, dun pa tinamad si ninong magpost sa blog nya…
lagi siyang nawiwili manggulo sa ownage…at sa mga conference sa YM…kasi ambilis magreply ng mga tao dun…samantalang dito…umm…hmm…matipid mga tao sa comment…matipid talaga…
Gusto ko pasalamatan yung mga nagtyatyagang magcomment kahit sa CBOX lang…at least nagkakaideya ako kung sino-sino ba ung mga naliligaw dito…yung mga “loyal” kumbaga, hehe…sina sir armand, sir ray, ate yunisee…si nico, fritz…si erwin…si tannix…si sir ean, si sir namre…sabi nung iba nakakatuwa raw mga blog posts ko… may nagsabing madrama…napagtyagaan nyo lang ito e masaya na ako…
Umikot ang buong 2006 ko sa loob ng The New Builder. Pagkadating sa Mapúa, derecho akong ofis…pagkatinamad sa klase, lalabas at didiretsong ofis…pagkagaling sa klase, ofis pa rin…feeling ko empleyado akong may opisina… pero lagi kong gusto pumasok sa trabaho…
hindi ako masyadong nakagala ngayong taon…kasi yung mga kasama ko sa pagpunta sa malayo ay di ko na kasama…
Nakita ko na ang pangalan ko sa dyaryo. Di lang sa The New Builder kundi pati na rin sa
Nakalampas sa ilang silent terrors…30 units na lang ako…graduate na…ayoko pa siguro grumaduate…medyo kinakabahan sa paghahanap ng trabaho…ewan ko…di pa rin kasi ako nag-iimprove sa interview…bali-baliktarin man natin…laging palpak pa rin ang aking interview…hmmm…need to do something about that…
Nakapanood na ako ng mga laro sa NCAA…naranasan ko ang kapangyarihan ng mga ID at kung bakit may punto ang slogan ng Libre na “the best things in life are free”.
Nagkatigdas na ako at nalaman kong may astigmatism na rin ako…nadagdagan na naman ang mga libro ko nang mahigit dalawampu…palagay ko nasa 400 na sila…
Naranasan ko na ang feeling ng may “sweldo”…nakabili ako ng MP3 player sa pamamagitan ng pagtitipid…nakapag-“pundar” na rin ako ng DVD-CD Writer at sandamakmak na DVD…ibig sabihin hindi na lang puro libro ang binibili ko…
Inabot na ako ng past 11 sa Mapúa…sa bilyaran…at nakaganti na rin ako sa mga gusto maging builder nung Qualifying Exams nila…n_n peace. Nanalo na ako sa piso pisong pusta sa basketball, sa bayad mesa sa bilyar at pusoy dos…natalo rin naman ako…
Natuklasan ko na pwede ko pa rin palang mapanood yung mga tv series na gusto ko panoorin sa pamamagitan ng torrent…at ng mga dvd sa carriedo…di na ako nahilig maglaro ng mga PC games…feeling ko kulang na ang oras ko para dun…
Nakapunta na ako sa Mapúa
Nakapunta na ako sa Pagudpud…kung saan magkadikit ang dagat at ang silong ng langit…kung saan malalakas ang alon at libre ang manghuli ng hermit crab…kung saan nakatikim ako ng octopus at muntik nang malaglag sa bangin para lang mapuntahan ang maliit na falls, na sobrang ubod ng ganda at napakalamig ang tubig… kung saan may daan sa gilid ng bundok at ang mga tanawin ay tila imposibleng ikahon sa isang magandang painting…
Wala pa rin akong girlfriend. Sinubukan ko ulit…pero dammit talaga... mission failed na naman.
_______________________
Wala lang…nakakalungkot lang… Some things are not meant to be. And wanting something will not cause it to happen. Kasi kung “wanting” lang naman ang usapan, e dapat matagal na yang natupad yung wish ko…
Naasar lang ako kasi sayang…nanggagalaiti ako dahil nanghihinayang talaga ako…I would have had a story that would rival jed’s sa ownage…would have…kung di lang ako tanga…siguro nanggigigil ako dahil may mga mali na di na pwedeng itama…I still hoped na maitatama ko ang mali…pero gaya ng sinabi ko sa friendster…ayaw ng mga mali ko na itama ko sila…ayaw nila…
Minsan nakakadiscourage lang…nakakadepresss…na may mga bagay na di natin mabago… at may mga bagay na ayaw man natin magbago…nagbabago…
_________________________
I would not end this post on a sad note…dahil ang sagwa naman nun…naging maganda naman ang taong ito para sa akin…at masaya naman ako sa mga nangyayari… and if my lovelife would have to suffer for it…ok na rin siguro… I’m quite happy…and thankful.
And I am looking forward to next year…
HAPPY NEW YEAR!