Thursday, September 14, 2006

Sacrilege

“Nuclear launch detected. Nuclear launch detected”

Hindi na siya nahiya. Inulit nya pa rin ang paglapastangan sa aking ikalawang tahanan dito sa Mapua.

Tila may fetish talaga siya sa mga digicam… may balak ba siyang magtayo ng photoshop? At bakit ang lakas naman ata ng radar niya…alam nya kung saan nakatago?! Grrr. T******a mo! Gago ka.

Hindi mo ba alam ang repercussions ng mga ginagawa mo … … lahat kami dito naghihinala sa isa’t isa. Dahil lang hindi mo makontrol ang pangangati ng mga sinumpa mong palad.

Palibhasa wala kang pakialam. Sana mabulok yang mga kamay mo habang nakakabit pa diyan sa katawan mo. Hindi ka na nahiya. Umaasa pa rin ako na sana hindi ka builder.


SANA HINDI KA BUILDER…

Palagay ko tagalabas pa rin ang kumuha nun gaya nung sinabi ni sir ray…kasi yung mga digicam nawawala na may interval sa pagitan ng gabi at umaga…. Mas malamang sa hindi may pumapasok sa office kapag gabi na…

Atsaka kahit buksan nya lahat ng cabinet para maghanap ng camera, hindi naman natin malalaman... nalalaman lang natin ng binubuksan nya yung particular cabinet kasi may nawawala dun. Pero assuming na hindi nya alam kung saan nakalagay, tapos inisa-isa nya yung mga cabinets...di ba pwede ring mangyari yun?

Parang mas plausible pa yun kaysa sa isiping taga-tnb mismo ang nangunguha di ba?

Haay. Inulit mo pa kasi ng inulit…pinagmumukha mo kaming mga tanga dito samantalang wala naman kaming ginagawang masama sa’yo. Masaya ka na ba? Kulang pa ba yung dalawang digicam? Ilan ba talaga ang kailangan mo? Bwisit!

Ang ikinaiinis ko ay idinamay mo pa kaming lahat sa kalokohan mo! lalo na yung mga bagong staff. Hindi mo ba alam na maiinit kami sa mata dahil sa iyo. Sana mahuli ka, gag^! Nakakahiya ka! Grrr…

1 comment:

  1. Alam mo Sir I am beginning to think na taga-builder ang kumuha. Ewan ko ba. You know that like the majority of the bodega pipol I dont like to entertain that thought.. pero parang napagkokonek ko na yung mga dots..

    Or maybe naimpluwensyahan lang ako ng mga naririnig ko..

    Sana lang hindi talaga sya Builder.. for his own sake.

    ReplyDelete