Tuesday, September 19, 2006

Waah...Nagpapanggap si Ninong

"oh yes, I'm the great pretender"

Tuesday na ngayon, at nandito ako sa bahay ng kaklase ko. bakit? gumagawa ng project na due rin ngayong araw na ito...dahil may topak sa ma'm mali-mali...at kung kulang pang pahirap yun, exam rin namin sa kanya bukas...

powerpoint presentation ang ipinapagawa nya sa amin. at syempre last week nya pa ibinigay. pero dahil kagaya ko ang mga groupmates ko, andito kami ngayon, nagpupuyat. i mean, dalawa lang pala kaming nagpupuyat. ung dalawa hindi sumama...nasa mga bahay nila at naghihilik ang mga puwit...pero marami naman silang nagawa nung linggo kaya ok lang...

ay, hindi pala ok.

ung isa, sya yung may may-ari ng bahay. e babae, atsaka boyfriend rin nya yung kagrupo namin na kasama ko ngayon, kaya may privilege siguro siya na matulog...at tulog na sya. nagpapagising daw, pero nasa kabilang kwarto naman...e pano naman kaya namin gigisingin yun?

yung isa dito na gumagawa, tulog naman sya nung linggo habang gumagawa yung iba. siya na raw ang bahala sa powerpoint...ayos lang. sya na nagpresenta e...fine. atsaka napakacomplikado nya gumawa ng presentation...napakaubod ng sobra sa dami ng effects...parang flash na nga e.

ok naman. ang ganda nga e. ang problema matrabaho...samantalang pitong oras na lang bago kami umalis dito sa bahay nung kagrupo namin...kasi may exam yung babae ng 8:00.

si ninong gising pa...pero wala talaga syang ginagawa. walang nagsasabi kung anong gagawin nya... hindi naman siya makakagawa ng powerpoint kasi ginagawa na nung isa lahat...sa laptop.... pero may desktop pa dito...itong gamit ko oh...

haay... pano kaya ako makakatulong sa mga hindi humihingi ng tulong?

kaya eto nagreresearch na lang si ninong ng tungkol sa irereport namin...copy paste ng copy paste saka konting edit...pero malamang sa hindi, hindi rin naman ito gagamitin...what a waste

nagpapanggap si ninong...

2 comments:

  1. Hahaha! Marami narin akong naexperience na ganyan. Pero minsan ako nalang ung umaako ng gawain, mas lalo na pag tungkol sa docu o kaya mga presentation. hehehe. Ayun ay kung may enough sleep me at kung ginaganahan me. ^^

    Although, may time din na parang nagpapanggap din ako. hahaha

    Nagpapanggap si Namre

    Anyways, goodluck nalng dyan! ^^

    ReplyDelete
  2. Ninong! Ilang beses ko kaya na experience yan. Last term and this term. Masaya talaga ang mga overnight. Hehe...

    Kaya lang malungkot din... kasi ang last overnight ko is nung tinulungan ko si she-who-must-not-be-named sa logic prototype nila. Hindi ko naman sila kagrupo pero tinulungan ko pa rin. pero malungkot kasi hindi ko na siya pwedeng makasama next term. Sariling desisyon ko na rin yun. Haay.

    Stupid Love!

    BTW, congrats sa editorship! Hehe... Pagandahin natin ang locker natin!

    ReplyDelete