Dahil sa sobrang pagkatoxic ng nakaraang hell week, lalo na nung biyernes at sabado, napag-isip-isip ko na maglakwatsa naman pagkatapos ng huling exam ko nung sabado. Tutal wala naman klase dun sa isang subject ko, alas tres pa lang pwede na ako umuwi.
Medyo badtrip pa nga ako pagkagaling ko dun sa huli kong exam. Dun kay Ma’am Mali-mali. Ewan ko ba kung ano na naman ang nakain nya at napakainit na naman ng ulo nya pagpasok sa klase namin. Baka naman nag-away sila ni “bestfriend”, ewan ko lang. pero walangjo naman, kami na naman ang napagbuntunan.
At yung exam nya? Anak ng baka. No comment.
Kaya alam ko kailangan kong magsaya. Kung hindi, mabuburo na naman ako sa pagkabwisit sa mga nilalang na tila walang ibang hinangad sa buhay kundi ang gawing impyerno ang mga silid-aralan kapag bwisit sila sa sari-sarili nilang buhay! Tsk tsk.
Narinig ko sa radyo nung isang araw na sale daw sa Mall of Asia. September 16-18. Matagal na rin yata akong di nakikipag-bonding sa alter ego ko habang nasa mall kaya naisipan naming tunguhin ang asia mall.
Nakarating ako sa SM mga bandang 4:30 na. Naglakad-lakad. Medyo may mga alam na akong lugar kasi pangatlong beses ko na doon…pero mukhang mas marami na ngang stores ngayon ah. Kasi nung june pa ako huling nagpunta nun. Nung may susunduin sana ako sa San Juan de Dios…hmmm…
Pero sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa mga damit…o kaya mga sapatos. Kung bibigyan mo ako ng P1000 pocket money at papakawalan mo ako sa isang sale sa mall, malamang sa hindi, libro lang ang bibilhin ko...o kaya laro sa PC. Kaya naman kahit lampas raw sa 700 ang mga stores sa Mall of Asia, bookhunting lang talaga ang ginawa ko dun.
Sa totoo lang nakakalungkot din mamasyal sa mall kapag mag-isa ka lang. Pero ok lang, hindi naman lahat ng tao makakasabay sa trip kong pagbu-book hunting e. Saka maganda ang view ng manila bay mula sa Mall of Asia. May orchestra pang tumutugtog sa background… Astig.
Masakit sa paa ang paglalakad, pero ang daming mabibili ng mga taong mahilig magshopping…
Napadaan ako sa comic alley, sale ng mga vcd at dvd ng mga anime. P20 daw ang isang cd. May GTO, Full Metal Alchemist, Samurai 7, Bleach, Fruits Basket, blah blah blah… Kung hindi siguro ako TNB, bumili na ako. Pero dahil alam ko na konting tiyaga at tiis lang sa paghihintay sa download, P6.00 lang talaga ang bawat cd…hindi man lang nangati ang kamay ko na bumili.
Dumaan ako sa powerbooks. Mahal ang mga libro dito, pero nakakatuwa sila kapag may SALE, kasi laging meron akong nabibili na ikatutuwa ko talaga.
At meron nga. Isang WOT Book 8: The Path of Daggers ni Robert Jordan. Ito ang isa sa mga kinaadikan kong basahin na book series sa ngayon. Ang normal price ng libro sa national bookstore ay P375.
Pero yung librong nakuha ko, kahit medyo tattered (pero kayang kaya ko irestore) ay nagkakahalaga lamang ng P75.00! Nung nakita ko nga yung libro e dinampot ko kaagad, baka may mauna pa sa akin…nag-iisa lang kasi yun.
Bukod diyan, may nabili rin akong libro sa Fully Booked. Talismans of Shanarra ni Terry Brooks. Maganda pa ang condition nung libro, mukhang bago pa. ang original price nito sa national bookstore ay P350. Nabili ko ng P50. Hehe.
Kaya naman kahit mag-isa ako sa mall of asia…masaya pa rin. Fin.
No comments:
Post a Comment