If you try to do everything, you end up finishing nothing.
Ang dami-daming gagawin...at lahat sila patong-patong na lang lagi tuwing last two weeks ng bawat term. Siguro dapat ring sisihin ang mga prof dahil nagkakaroon ng conspiracy ang mga ito na pagsabay-sabayin ang lahat ng mga requirements. Parang hobby na nila ang papiliin ang mga estudyante nila kung ano ang subject na mas pipiliin nilang ipasa.
Asar.
Lima ang lecture ko ngayong term, at nung Friday at Saturday, lahat sila may exam. At yung mga topic tungkol sa compiler, mem/io saka ang “paborito” kong controls hindi ko naman gets...
Kaya kinakabahan na naman ako...parang ang hirap hirap hirap hirap hirap hirap na talaga ipasa ng mga subjects ko sa higher years...lagi akong napapaisip kung makakahanap pa ba ako ng trabaho nito pagka-graduate samantalang ang bababa ng grades ko?
Siguro. Pero baka bilang callboy. Ehem. Este call center boy pala.
Wala naman akong nakikitang masama sa pagtratrabaho sa call center...kung tutuusin, pabor sa akin yung sked dahil lagi rin naman akong puyat. Saka feeling ko naman marunong naman akong mag-ingles. Yun nga lang hindi ako masyadong slang saka parang hindi naman maganda ang boses ko sa telepono...
Pero sayang naman yung “pinag-aralan” ko dito sa Mapua. Sana pala kung magko-call center ako, nagcallboy na ako ng maaga. Baka mayaman na ako…hehe. Baka lang.
Pero sa totoo lang nakaka-discourage talaga ang pagkakaroon ng 5.00. kapag hindi na ako na-discourage, mas dapat na akong kabahan siguro. Kasi ibig sabihin wala na akong pakialam...ibig sabihin, para sa akin, wala na talagang kwenta itong mga ginagawa ko.
Wala pa naman ako sa ganoong point…wala pa.
I don’t like being measured against other people’s standards. I am what I am, and up to now, I still like what I am, one way or another. I don’t care if I don’t measure up to your standards of what you think I should be. But it would do us a lot of good if you would stop patronizing me.
No comments:
Post a Comment