Monday, May 13, 2013

Obligatory Birthday Post

Birthday ko na naman. Nahuli lang ng konti si PNOY kaya di nya na-declare na holiday ngayon. Pero di bale, holiday naman kahapon para sa inyo. Walang anuman, Pilipinas.

3 hours ata kami sa presinto kahapon, parang hinuli na rin kami imbis na bumoto sa tagal ng proseso ng botohan. Buti na lang at gumagana yung PCOS sa cluster namin. Yung sa kabila kasi nag-iinarte. Ang init, para na rin akong nag-exercise sa tinagaktak kong pawis. Dapat may priority lane din kapag malapit na ang birthday. O kaya express lane kung konti lang iboboto mo, parang sa supermarket. 8 senators or less.

May mga binoto akong pasok sa pagka-senador sa huling bilang, meron ding hindi. Iniisip ko na lang, at least yung ibang ayaw ko di rin pasok sa magic 12. haay... marami pa rin talagang hindi informed na Pilipino, ang masakit, mas marami sila sa mga informed. Hindi magandang pangitain para sa susunod na halalan.

Pero teka, araw ko ngayon kaya tama na ang tungkol sa kanila...

Salamat sa Facebook at maraming nakaalala at bumati. Hehe. Nasa 30+ na ata sila. Salamat.

Lahat ng na-wish ko nung 2007, nakuha ko naman na at lampas pa kaya masaya ako pag naalala ko. Akalain mo. Kung magka-time machine lang ako, sasabihan ko yung 21 year old na ako at sasabihin kong makukuha mo din yang mga yan. Magkakatrabaho ka rin kahit akala mo sa mga panahon na yan e bagsakin ka at wala nang kukuha sayo. Magiging ok rin ang lahat kahit paano.

Kung magkatimemachine sana yung 28 year old na ako at balikan ako ngayon. Sana sabihin naman nya, "di mo aakalain pero magkaka-girlfriend ka na bago ka magbirthday ulit". Hehe. Yun na lang siguro ang wish ko ngayon lol. Di naman ako nagmamadali. Pero wth, antagal naman...

Sunday, April 7, 2013

What If

“It is a risk to love.
What if it doesn't work out?
Ah, but what if it does.” ― Peter McWilliams

I felt a compulsion to blog today and I gave in, although I'm not sure if I'll have a lot to talk about. Weekend work is over for two Sundays now and hopefully until the end of this month. I'm not sure on May since there's another project approaching a strict deadline. Oh well, such is life. It's not like there are no deadlines in other jobs anyway.

I removed the cbox on the blog because it's just spam everyday. I don't know those "people" and they keep saying the same annoying things. Also, there's no sense to keep it there when I can't even track its updates like I used to when it felt like everyone was blogging and we felt that it would somehow last.

So I was in a team outing yesterday and I noticed how the times had changed. I remember back during my first team outing at work and there were only two of us new hires. Now, I'm one of the oldest in the team and a team lead at that. I feel old. Sometimes I forget my age for a fleeting moment and think I am in my early 20s. But it is not so.

I'm having a continuous correspondence through FB with one of my college friends and we have noticed that a lot of the people we know are getting married and / or having a baby. What happened? We did felt being left behind somehow, although I can blame her for that somewhat (which is water under the bridge). At least she's in a relationship (although on a rocky road for a while) while I am yet to find myself in one.

Sunday, March 24, 2013

Unrest Day

Hmmm. Labag na labag na sa loob kong mag-weekend work. Ika-apat ko nang Linggo na nasa opisina at di ko na alam ang gagawin ko pag sa susunod na Linggo ay kailangan na namang pumasok. Anak ng baka. Linsyak na project to, sobra nyong atat ah. Namamatay ba lahat ng pasyente sa Amerika pag di namin naituloy ang migration project na to. Hindi naman kasama sa elapsed days ang weekend ah. Etong onshore naman namin masyadong pushover, konti ngalngal lang ng client, wala nang palag. Hiningan lang ng org chart pati gusto ata nilang kulay ng boxes sa chart gusto itanong. Kala mo naman ang laki ng hirap nya e utos lang sya ng utos. Ni wala sya naintindihan dito, parang pipitik lang sya ng kamay gusto nya tapos agad. Kala mo kung sino maka-escalate.

Porke ba pangkat pinuno ako e wala na akong choice? Letsugas. Bakit yung ibang tao ko pwedeng di pumasok. Puro dahilan. Hay naku, sirang sira ang non-existent social life ko dahil sa opisina. Puro trabaho buong linggo. Pakiramdam ko na naman ay isang patpat na pinipilit itupi, konting pilit pa, mababali na. Tama pa ba ang trabahong ito kung inuubos na nito ang buhay ko?

Sunday, March 10, 2013

Mission Abort?

I did the jump. It sort of succeeded... and then it did not. Really out of this kind of thing for a long long time. I did not know what to do. Ugh. Can you hit me with a proverbial bat to the head? Probably hesitated too long. But what can I do, there are a lot of things to do at work and there's not just enough time to think about it. But maybe I am over-thinking it, and i think it shows. Probably need to hold until some kind of light shines through or until I could find another way to proceed.

Monday, February 25, 2013

Jump

"If you want something you've never had, you must be willing to do something you've never done" - Thomas Jefferson

February pa rin naman at kahit pano aabot naman ako ng 1 post kada isang buwan. siguro naman improvement na rin yung maituturing, di ba?

Ok, so update muna tungkol sa trabaho. tingin ko kahit pano nakapag-adjust naman na ako sa pagiging pangkat pinuno. hindi ko siguro mapapansin yun kung di ko nakita yung mga lumang conversation namin nung manager ko, nung una nya pa lang inalok yung position. wala akong ka-alam alam kung ano ang gagawin. pano ba hahawak ng tao. pano ba magpa-meeting? pano magtraining? anong sasabihin ko sa kanila? pano ko sila sasawayin kung pasaway sila?

Monday, January 14, 2013

sh*t lang

inabot na ako ng a-kinse... di pa rin nakapagpost.
akala ko pa naman magbabago na ako. nye.

Monday, December 31, 2012

Boom!

"Cheers to a new year and another chance to get it right."

Bagong taon na naman. Susubukan ko ulit ibalik ang blog ko. Tutal, di naman natuloy ang end of the world, life goes on, ika nga nila. Pinagsama-sama ko na naman ang hiwa-hiwalay kong post na nilipat-lipat ko ng blog at eto na ulit sila ngayon sa iisang blog. 8 years of blogging pero parang wala pa atang two years kung pagsasama-samahin ang mga buwan na aktibo pa akong nagsusulat (nagtatype) sa blog. Nakalimutan ko na rin siguro kung paano.

Karamihan ng mga kasabayan ko ay nawala na. Masyadong time-consuming ang blogging kung tutuusin. Pag nagsusulat ka at nababasa ng ibang tao, kung gusto mong balikan nila ang kwento mo, di naman laging basura ang ipapabasa mo sa kanila. O at least kung basura man dapat kahit pano natutuwa sila. Mahirap lang siguro din ituloy nung nagkaroon ako ng mga bagay na mahirap ikwento sa madla. At tumahimik si ninong... namatay ang blog.

Pinilit kong buhayin pero ewan ko ba, sadyang wala na lang ba talaga akong gana talaga at lagi lang din napupunta sa kawalan ang mga effort kong magbalik. Pero eto. Bagong taon, tamang tama para magsimula muli.