“I still catch myself feeling sad about things that don’t matter anymore.”
— Kurt Vonnegut
Mag-iisang buwan na rin nung ginawa mo yung ginawa mo. At wala naman akong narinig na kahit anong paliwanag o ano mula sayo. Isang araw, wala na lang lahat. Baka nga ganun na lang natin hayaan matapos. Yun ang gusto mo e. Sayang nga lang. Ewan ko. Nalulungkot lang din ako. Pero ganun talaga.
Mga mga bagay na natatapos na lang bigla.
Sana lang siguro di na kita nakikita sa opisina. Na kung malalamon ako nang lupa sana kaysa makasalubong kita, baka mas pipiliin ko pa. Wag naman sanang pahintulutan na magkasabay tayo sa elevator. Ewan ko na lang kung ano ang mangyayari.
Nanawa ako sayo, aaminin ko. Asar pa din ako sa ginawa mo. Di na kita gusto siguro.
Pero siguro nakaka-alangan lang pag nakikita kita. Napapatigil pa rin ako. May ganun ka pa ring epekto sa akin. Baka di pa rin ako tuluyang magaling. Di ko alam kung ano dapat ang reaksyon ko.
Pero di mo rin naman ako pinapansin. E di ganun na lang nga din. Di ko rin alam kung anong gagawin ko kung sakaling pansinin mo man ako. Baka mabara kita ng di sinasadya, baka sadyaing di pansinin kahit pagsisisihan ko mamaya.
Pano nagkaganito. Nakakasuya naman. Wala akong ibang magagawa kundi mapabuntong hininga.

No comments:
Post a Comment