Monday, March 25, 2013

Unrest Day

Hmmm. Labag na labag na sa loob kong mag-weekend work. Ika-apat ko nang Linggo na nasa opisina at di ko na alam ang gagawin ko pag sa susunod na Linggo ay kailangan na namang pumasok. Anak ng baka. Linsyak na project to, sobra nyong atat ah. Namamatay ba lahat ng pasyente sa Amerika pag di namin naituloy ang migration project na to. Hindi naman kasama sa elapsed days ang weekend ah. Etong onshore naman namin masyadong pushover, konti ngalngal lang ng client, wala nang palag. Hiningan lang ng org chart pati gusto ata nilang kulay ng boxes sa chart gusto itanong. Kala mo naman ang laki ng hirap nya e utos lang sya ng utos. Ni wala sya naintindihan dito, parang pipitik lang sya ng kamay gusto nya tapos agad. Kala mo kung sino maka-escalate.

Porke ba pangkat pinuno ako e wala na akong choice? Letsugas. Bakit yung ibang tao ko pwedeng di pumasok. Puro dahilan. Hay naku, sirang sira ang non-existent social life ko dahil sa opisina. Puro trabaho buong linggo. Pakiramdam ko na naman ay isang patpat na pinipilit itupi, konting pilit pa, mababali na. Tama pa ba ang trabahong ito kung inuubos na nito ang buhay ko?

Monday, March 11, 2013

Mission Abort?

I did the jump. It sort of succeeded... and then it did not. Really out of this kind of thing for a long long time. I did not know what to do. Ugh. Can you hit me with a proverbial bat to the head? Probably hesitated too long. But what can I do, there are a lot of things to do at work and there's not just enough time to think about it. But maybe I am over-thinking it, and i think it shows. Probably need to hold until some kind of light shines through or until I could find another way to proceed.

UPDATE: 11.23.2013
- kaya naman pala, mukhang may bf na sya nung mga panahon na yun. nagpropose na nga ngayong buwan e. akalain mo. wala naman kasing nakalagay sa status nya. tapos wala rin namang mga picture. kung wala pa syang bf nun, baka may prospect na... kaya di na nag-entertain... pero kung wala pa talaga, waw, ambilis naman kasal agad. e maka-dyos naman sila pareho. pastor pa yung lalaki. mas bagay nga naman sila. ok na din siguro at di natuloy.