Hmmm. Labag na labag na sa loob kong mag-weekend work. Ika-apat ko nang Linggo na nasa opisina at di ko na alam ang gagawin ko pag sa susunod na Linggo ay kailangan na namang pumasok. Anak ng baka. Linsyak na project to, sobra nyong atat ah. Namamatay ba lahat ng pasyente sa Amerika pag di namin naituloy ang migration project na to. Hindi naman kasama sa elapsed days ang weekend ah. Etong onshore naman namin masyadong pushover, konti ngalngal lang ng client, wala nang palag. Hiningan lang ng org chart pati gusto ata nilang kulay ng boxes sa chart gusto itanong. Kala mo naman ang laki ng hirap nya e utos lang sya ng utos. Ni wala sya naintindihan dito, parang pipitik lang sya ng kamay gusto nya tapos agad. Kala mo kung sino maka-escalate.
Porke ba pangkat pinuno ako e wala na akong choice? Letsugas. Bakit yung ibang tao ko pwedeng di pumasok. Puro dahilan. Hay naku, sirang sira ang non-existent social life ko dahil sa opisina. Puro trabaho buong linggo. Pakiramdam ko na naman ay isang patpat na pinipilit itupi, konting pilit pa, mababali na. Tama pa ba ang trabahong ito kung inuubos na nito ang buhay ko?
Kelangan ko na naman ng break. Naiinis na ako e. Mainit na ulo ko. Pag nagka-issue pa yung ginagawa ko o yung ginagawa ng tao ko nahahalata ko nang lumalabas ang galit ko. Hindi ko pa naman naibubunton sa kanila, pero minsan nahihirapan na akong pigilan ang sarili kong mainis kapag di nila makuha yung sinasabi ko.
Tapos ang mahihita ko lang sa lahat ng ito ay MEETS EXPECTATION. Walangjo. Barat pa sa increase. Andami-daming trabaho, anlaki-laki ng kita, di man lang namin maramdaman pagdating ng appraisal. Sayang kasi maraming empleyado dito ang handa magbigay ng sobrang effort pero tiyak ko pagkatapos ng appraisal nila para last year, di na sila magbibigay ng ganung effort ulit, at yun ay kung magstay pa sila.
Minsan gusto ko na lang iwan lahat to. Hmmm. Pero pano kung andami nakasalalay. Andaming bayarin. Paano na ang bahay na 2 oras ang byahe bago ko marating galing opisina. Halos apat na oras ang ginugugol ko sa byahe papunta pabalik. Pero sila ang bumili nun, malapit sa trabaho nila, di ko naman pwedeng di sila tulungan dahil pangarap nila yun e. Kaso nakakapagod lang minsan. Parang wala akong choice...

No comments:
Post a Comment