“The eye is the window of the soul.”
Tunog ronibats ang post na ito. Medikal.
Ang pamagat ng post na ito ay hindi tumutukoy sa scientific name ng fluorescent lamp, o kaya sa isang makabagong species ng bulaklak mula sa Mars… ang fluorescein angiography ay isang medical procedure kung saan ini-xray ang mga blood vessels para makita kung may mga hemorrhage ba dito or something…
Yun ang meaning ng angiography. Ang fluorescein ay isang crystalline compound (C20 H12 O5) na parang dye at isinaksak sa ugat para kapag ginamitan na nung scanner, mas makikita ng malinaw yung mga ugat sa mata.
Ngayon, lalo kong napagtanto kung bakit hindi ako nagmedicine. Dumudugo na nga ilong ko habang tina-type pa lang yung meaning ng title. At medyo hindi stable ang sikmura ko sa mga ganyang bagay.
Kahapon kasi, sinamahan ko ang nanay ko sa Eye Referral Center dun sa may T.M. Kalaw, Manila. Papatingin po siya ng mata. Si nanay kasi matigas ang ulo (mana ata ako sa kanya), hindi nagpapatingin kahit may nararamdaman na...
E diabetic sya…type II. Yung diabetes miletus. Hereditary kasi mayroon ang mga tita ko saka si lola. E may nararamdaman na sya sa mga mata niya…ayun, nung hindi na kayang tiisin saka nagpatingin sa doctor. Tsk tsk. Hirap talaga magpalaki ng magulang minsan. Hehe.
Maraming komplikasyon ang mga taong may diabetes. Lalo na yung mga hindi mahilig magpatingin. Isa na rito ay yung pagkabulag ng mata. Kapag lagi raw kasing mataas ang asukal mo sa dugo (blood sugar), pumuputok yung mga maliliit na ugat mo sa katawan. At dahil karamihan ng maliliit na ugat ay matatagpuan sa mata…kailangan talaga mapanatiling mababa ang blood sugar mo…
(Sandali, dumudugo na naman ata ilong ko…)
Anyway, gumising ako ng six ng umaga para samahan si nanay sa Manila. Dapat dadalhin ko na yung bag ko, para diretso na akong pupunta ng skul. Pero dahil naisip ko naman na six pa ang klase ko, at baka matapos naman kaagad yung fluorescein angiography na, makakabawi pa ako ng tulog sa bahay.
Nakarating kami sa ERC ng 7 am. Maghihintay pa raw kami hanggang nine, dahil kesyo may “meeting” daw yung mga doctor…syempre si nanay naasar…bakit daw magmemeeting e oras ng trabaho…
Medyo iritable ako habang naghihintay para sa f.a. Kasi parang sinumpong na naman ako ng allergy…na hindi ko pa rin alam kung saan ko talaga nakukuha, pero tulo ng tulo ang sipon ko tapos hatsing ako hatsing. Grrr….
Bukod dyan. masama rin ang loob ko dahil bitin ako sa oras ng pagtulog ko… dapat 8 hrs ang itutulog ko, pero mukhang hindi ko rin pala mababawi…
Fast Forward. Bumaba na rin ang BP ni nanay matapos uminom ng gamot. Kinakabahan ata, paano ba naman umabot ng 210/110 ang BP nya…samatalang high blood na sya sa 140/110. (*nosebleed ulit*)
Sabi nung doctor, kumuha daw ako ng upuan para makita ko yung pagscan sa mata ng nanay ko…hmmm, medyo 10:30 na ng umaga…haay…palibhasa yung mga tao dun yun na yung trabaho nila kaya hindi na sila nagmamadali…tsk tsk…napakabagal nila kumilos…
Ipinatong ni nanay ang baba (chin) nya sa aparato…tapos yung “xray” na gamit nung doctor parang digital camera na nakakabit sa computer…kinuhanan si mama ng close-up. Tapos isang colored pic sa may cornea ata yun o retina.
Ang gara. Napakasqueamish ng pakiramdam…biruin mo kapag inilapit nung doktor yung camera dun sa…dun sa…yung ano…ah eh, yung itim na part ng mata…pupil ata yun…para kang nakadungaw sa bintana…hindi ko akalain na ganun pala yun.
Ang galing. O_o
nakita ko yung ibang mga ugat sa mata ni nanay, para nakadrowing sa isang dingding na kulay orange… at yung mga ugat, PUMIPINTIG pa! ang gara…sheesh.
Tapos parang may mga spot dun sa “wall”, maliliit lang. sabi nung doctor, hemorrhage daw yun saka may sinabi pa siyang term na nagsisimula sa letter c…parang caxvdlehjlthwioth ata yun, di ko nagets e.
Tapos may isinaksak na dye sa ugat ni nanay…yun ata yung fluorescein. Tapos naging grayscale na lang yung camera…pero mas kita na yung mga ugat saka yung mga spots. Tapos ayun, picture-picture na.
Parang mga mug shot nga e…sasabihin nung doctor, “tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tingin sa taas, tingin sa baba…” paulit-ulit, gusto ata makakuha ng magandang anggulo…
Blah blah blah blah blah…
To cut the story short, dahil nga puro patagal yung mga tao dun sa ERC, dahil nasa operating room pa raw yung doctor na pipirma nung results dahil hindi raw mailalabas yung results ng walang pirma nung doctor.
Kaya naghintay pa kami ni nanay, pataas-baba sa elevator na parang malaglag kapag dumaan ng fourth floor…si nanay nga ang lakas na magparinig, asar na asar na e… e balak nya pang pumasok sa trabaho… pero ayun, inabot pa rin kami ng 1:30 bago nakuha yung results.
Hindi rin ako nakatulog. Kelangan ko pa umuwi ng bahay dahil wala akong dalang gamit.
Ayun ending na! =)
No comments:
Post a Comment