Sharona: Don’t get your hopes up
Monk: Why not? That’s what hopes are for.
-MONK
Para sa ibang Mapuan, tapos na ang term na ito…para sa akin…medyo hindi pa. Konting tulak pa bago mai-“seal ang deal”. By Friday wala na sa akin ang kapangyarihang baguhin ang kapalaran…dahil nasa mga prof ko na ang palakol.
Sobrang stressful ng mga nakaraang araw…ang gara nga kasi dalawa lang ang final exams ko this week. Nakalimutan ko pa yung isa. Umuwi na ako nung bahay, kinabukasan ko na naalala na may exam pala kami sa methods nung Monday. Wow.
Dahil daw TNB naman ako, siguro naman madali lang daw para sa akin ang gumawa ng mga paperworks at documentation. Sori, pero sa totoo lang…AYAW ko ng paperwork.At hindi sila madaling gawin. Siguro madali mambarbero ng mga 2-5 pages pero ang isang documentation umaabot ng 30-50 pages. Kahit sino naman mauubusan ng ilalagay…lalo na’t sabay ang methods ko at feasibility.
Sabi na kasi dati pa, gawin na ang mga bagay habang maaga. Kung bakit ba naman kasi napakahirap gawin ang dapat gawin. Kaya tuloy nitong mga nakaraang araw lagi na akong inuumaga magedit at revise ng mga gawa nila.
Mahirap. May mga gawa kasi na hindi kaedit edit…kelangan ko ibalik sa kanila para iparewrite pero di naman pwede yun…kaya ako na ang nagrewrite nung iba… Minsan dahil sa sobrang pagod…di ko na iniisip…grammar na lang chinecheck ko…
Ayun….ok naman kinalabasan…konting revision na lang bukas at ok na ako sa methods…sabi ni sir sy-ete parang medyo sy-ete na rin kami sa feasib ngayong term. Ok na yun kaysa singko…normal lang naman ang sy-ete sa kanya.
_______________________
sa totoo lang, kapag natuloy yung EB na sinasabi nila ng mga tao sa mapuaownage at kung sakaling pumunta at makita nila ako, baka hindi sila maniwalang ako si ninong sa mapuaownage.
Alam naman ng lahat nang nakakakilala ng personal sa akin na medyo tahimik talaga akong tao. Sabi nung iba, suplado daw ako…di naman…mas madalas lang ako mag-isip bago magsalita kaya ang nangyayari, parang naluluma agad yung sinasabi ko… at nangyayari di ko na lang sinasabi…
Madalas, di ko masundan yung conversations…di ko alam baka may attention defiency disorder (ADD) ako kasi madalas akong nadidistract, magaling lang akong sumimple, kaya di nila ata nahahalata.
At naisip ko rin…na bagay na bagay pala ang title ng blog ko na Murmurs…kasi tahimik lang din ako…at minsan yung mga gusto ko sabihin…hindi ko nasasabi…
________________________
Natutuwa ako sa pinapanood kong series ngayon…nakabili kasi ako sa carriedo ng mga DVD... ng mga tv series na di ko mapanood… Hindi ko mapanood dahil isa lang ang tv namin at mas gusto nilang manood ng mga telenovelang paulit-ulit naman ang plot at kadalasan sobrang oa ng mga artista…kaysa pagtyagaan yung mga gusto ko panoorin…ayaw nila panoorin dahil di raw nila maintindihan. Ewan.
So, nung nakita ko yung mga yun e binili ko na agad…sa wakas mapapanood ko na ang mga ito kung kelan ko gustuhin. Ang problema kasi pag palabas sa tv hindi mo control ang oras…kaya kung may kasabay sila, hindi ka naman mananalo sa magulang e…kahit minsan may pagka-unfair…minsan talaga kailangan pagbigyan na lang para wala nang gulo. Henyo ang nagsabing mahirap din magpalaki ng magulang. n_n
“Magdamag na kayo sa TV. Kami nga ngayon lang manonood di nyo pa mapagbigyan?!” sasabihin ng nanay ko… sasabihin naman ng tatay ko, “Ano ba yang pinapanood mo, usap nang usap, walang action? Dun na lang sa isa”.
Ang nakakatuwa pa kay nanay, naglalaro sya ng PC (pizza frenzy) pero ayaw nya pa rin ipalipat ang channel ng tv…kasi daw “nakikinig sya”. Di ba madaya yun?
Sa amin kasi ng kapatid ko, usapang matino, kung sino may hawak ng computer dapat walang pakialam sa tv and vice versa… kasi kung pareho mong hawak, ano na lang gagawin nung isa? Di ba tama naman kami?
_______________________
Bale yung pinapanood ko sa ngayon ay yung MONK…
Si tony shaloub yung main actor…isa syang magaling na detective. Kaso lang may sakit sya. Anxiety disorder. Obsessive-Compulsive sya. Tapos ang dami nyang phobia, takot sa germs, takot sa milk, takot sa clowns, takot sa crowd, takot sa heights…lahat na halos… pero dahil nga OC sya, madali nyang napapansin yung mga pattern saka mga pagkakaiba…tapos matindi rin yung photographic memory nya…
Dati pa syang may sakit na ganun. Pero parang medyo nakokontrol nya kahit pano…nagtratrabaho pa nga siya bilang isang homicide detective. kaya lang nung namatay yung asawa sa car bomb…ayun bumigay sya. Natanggal sya sa pagkapulis at nawalan sya ng control sa mga mannerisms nya. 3 years ata syang nagkulong sa bahay, bago dumating yung nurse na tumulong sa kanya makarecover…si Sharona.
Ayun…every episode may kaso…may pinatay, pumatay at may trick. May comedy dahil sa mga mannerisms ni monk tapos minsan may konting drama…. In short, astig.
Sa ngayon, nasa season two na ako. Nasa season 5 na ang Monk sa tv.
________________
May bago nang EIC. Ang bagong “Amyrlin Seat”.
“She comes; She comes! The Watcher of the Seals, the Flame of Tar Valon, the Amylin Seat. Attend you all, for she comes!”
Ang pagkakaiba lang nila, lalaki ang bagong EIC…congrats Nico.
Alam ko naman na hindi ko gusto maging EIC…ang iniisip ko lang, tama ba na wala akong kabalak-balak maging ganun? Siguro madali lang akong makuntento…at alam ko so far, ok na ako sa pwesto ko…yun lang.
I just hate complications. You cannot prepare for everything.
No comments:
Post a Comment