Wednesday, March 28, 2007

Say Goodbye To Murmurs

I started out with nothing and still have most of it left.
~Anonymous


Mahirap talaga ang pagbabago. Para sa akin, minsan pag na-“attached” na ako sa isang bagay, parang gusto ko na manatili na lang syang ganun habangbuhay. Kahit minsan gusto ko ng spontaneity, iba pa rin yung may masasandalan kang bagay na di nagbabago.

Nung una, naligaw lang ako sa Blogger dahil di ako makapagcomment sa blog ni nico… di kasi pwede ang anonymous comments sa kanya. kailangan member ka rin sa Blogger. Tapos paubos na oras ko sa shop nun at ang parang hinihingan ata ako ng pangalan ng blog. Isip naman ako ng title. Ano nga kaya ang pwede?

E di ko makalimutan nun yung isa sa mga chapter sa libro na Harry Potter and the Chamber of Secrets, yung Mudbloods and Murmurs. Kakabasa ko lang ata ulit nun kaya ganun. E natuwa ako sa title… parang rhyme kasi kahit hindi. Ayun, sabi sa akin ni J.K. Rowling, hiramin ko muna raw yung Murmurs kung gusto ko, tutal naman daw walang trademark yun. Di nya ako makakasuhan kahit gusto nya.

Kaya ayun naging murmurs muna. Sabi ko temporary lang yun, ibabalik ko rin kahit hindi kanya. Tutal medyo mahilig rin ako magreklamo sa mga bagay na wala naman akong magagawa masyado. Ang mga reklamo ko ay tila mga bulong na wala namang nakaririnig. Bagay naman sa murmurs ang reason na yun. Yan, nakaimbento pa ako ng pakyut na rason. December 2004. gumawa pa ako ng isang napakaikling post. At dahil di pa ganun kauso ang blogging nun, ako ang una sa pangalang ninong sa blogspot.
______________________________

Pero di ako nagpost dito masyado. Mas nagustuhan ko pa sa friendster. Kasi automatic ang announcement. Maipapaalam ko sa mga “friends” ko na may topak ako at kailangan nila akong pansinin. Haha. Pero mga tamad sila, konti lang ng comments ko dun.

Nakalimutan ko na nga yung account ko dito sa blogspot e. Pagkatapos ng isang taon, naisipan kong gumawa ng bagong account. Naalala kong meron pa pala akong luma dito. Ayun, tinuloy ko na lang. Di ko na pinalitan ang pangalan dahil sa totoo lang wala akong maisip na pamalit.

Pero ayoko magkaroon ng utang na loob kay J.K., baka kasi singilin nya ako balang araw, wala akong maipambayad. Hahaha. Kaya nag-isip ako ng ibang pangalan. Kainitan nun ng mga pagpapaganda sa blog sa opisina na nagsimula dahil sa Flash na meron sa blog ni ean.

Sabi ko pagagandahin ko yung akin. Kasi, puro words lang ang nakalagay dito noon. Wala talagang picture. Walang design. Walang gumagalaw na kung ano ano. Pinaka-feature lang ng blog ko ay yung iba-ibang kulay na text. Ahahaha. Yun na yung pinakadesign nya. Hahaha.

Yung mga bolero kong fans sabi nila maganda naman ang laman ng blog ko. Kahit wala raw kadesign-design e binabalik-balikan. Hahaha. At nagpabola naman ako… naniwala sa kanila… Haha. Kaya tinamad na rin ako magdesign-design pa. Hahaha.

Lumipas na ulit ang isang taon. Nakailang palit na ng mga lay-out ang mga kilala kong blogger. Yung iba nagretire na. Yung iba, naglaho na lang basta. Pero ako nagbloblog pa rin. Kahit konti lang ang fans. Hahaha.

Tapos di ko pa rin napapalitan ang layout, ni ang pangalan. Tamad rin kasi ako, bukod sa makakalimutin. Alam ko may naisip na akong pangalan at kung ano ano pang pakulo at paarte, pero nakalimutan ko agad kung ano yung mga yun. Alam ko isinulat ko yun kung saan…di ko lang alam kung saan ko nilagay.
_______________________________

Nitong isang araw, nakita ko ang isang notebook habang nagliligpit ng mga lumang gamit… Wow. Convenient. Dun ko pala sinulat. Hmmm. Parang signos na kailangan ko na talaga magpalit.

Nakita ko din dun yung balak ko sana ipangalan sa blog ko one year ago. Ripples. Pati yung concept na picture. Bangka sa isang sunset setting. Sabagay, mas malandi nga naman kung Ripples ang pangalan. Mukhang mas makabagbag-damdamin, mas madrama at mas kapukaw-pukaw ng atensyon. O baka pakiramdam ko lang iyon. Haha.

Di ako bihasa sa layout. Maraming blogger ngayon ang malupit sa layout. Kaya kung may “improvements” man ditong masasabi sa paglipas ng mga araw, siguradong konti lang yun. Pero mabuti nang meron kaysa wala.

Kung maganda ang laman, dapat maganda rin kahit pano ang balot. Hehe.

Kaya naman,

THIS BLOG IS CURRENTLY UNDER RECONSTRUCTION.

16 comments:

  1. OMGG! bakit??? sayang ngayon ko palang napuntahan tong blog mo. i am sorry, may balat ata ako sa pwet.

    sayang naman ninong.. kelan po magbubukas ang blog nyo sa publiko?

    ReplyDelete
  2. open pa rin sya... haha... magpapalit lang ng name... at konting layout...

    ReplyDelete
  3. nice...ripples...malalim ang meaning nyan. congrats with a very powerful title. :)

    kahit ang tita kong, laging naglelecture sa ripples na yan.hehe!

    ako din tamad mag-ayos eh. hahaha! konti-konti lang. wala namang paunahan dito. :D

    ReplyDelete
  4. @ andianka

    yey! hehe...

    may tama ka, wala namang paunahan dito... hehe...

    ReplyDelete
  5. ripples?? ninong dba chocolate yun??? hehehe wala lng mishu na ninong! 22o naman eh ok lng kahit wala design yung blog mu kc mganda naman yung mga post mu tlagang binabalik balikan tignan mu nga andami bumibisita syo! hehehe ingats plagi ninong!

    ReplyDelete
  6. so kaya pala.. now I knw.. hehehhe

    ReplyDelete
  7. Akala ko kung ano na...

    Kala ko aalis ka na sa Blogger at lilipat sa WordPress.

    Ripples... medyo malandi nga...

    Type... hehehe...

    Yung "kanin" ko ah, wag kalimutan

    ReplyDelete
  8. change is the only constant thing in life. we should get used to it. but its ok to be upset if there are any changes.... hehe

    anyhow... nice to hear about the history of naming your blog.

    ReplyDelete
  9. ngayon lang ako makikisabad dito ... di pa pala ready ang red carpet :P

    mukhang may aabangan ako ;)

    ReplyDelete
  10. great! ur blog even had its history, the name and how it looks!

    ibig sabihin may progress ang blog mo thats why u change. lahat naman tyo ngsimula sa maliit at kokonti. and looks doesnt matter at all wat matters is its content. thats why people keeps on coming back. dagdag na alng ang looks to attract. jsut keep on wrting. goodluck!

    sensya na kung nghahang yung site ko.i need to do something about it. tnx for dropping by. :) take care.

    ReplyDelete
  11. ninong!!
    ang saya naman ng pagbabago mo.. nyaha! ang ganda! ripples..teka parang iba ata naiisip ko ah.. :D

    ReplyDelete
  12. inay,

    di ka kasi nagsabing dadalaw ka, nakalimutan ko tuloy yung red carpet...

    ychel,

    salamat... may tama ka rin! :D

    cai,

    parang alam ko yung naiisip mo... hehe

    ReplyDelete
  13. babalik-balikan ko'tong blog mo, mukhang marami din akong matututunan dito.

    add kita sa links ko ha.:)

    (pa-add din. :))

    salamat!

    ReplyDelete
  14. mahirap nga po makahanap ng title par sa blog. haha. :P

    ReplyDelete
  15. hahays. i enjoyed reading the history of your blog.
    about the ripples. naalala ko na yang bword na yan ang tanging mali ko sa aking book report about jonathan livingston seagull. shet. ripples na verb pala un. hindi ung noun. argh. ahihi

    ReplyDelete
  16. wow naman. pagka-haba-haba ng kwento, mg-r-reconstruct lang pala. hahaha. pero ayos ah, nalaman ko na ung history ng blog mo. sa totoo lang, nung ng-link-ex tayo, tnatamad akong basahin entries mo kse ang HABA! hehe. tas ewan, ngayon, pnagchgaan ko, and waaa. natawa ako. adik ka pala ninong. hehehe. pagpatuloy mo yan.

    bolera rin ako eh. kea, eto sasabihin ko, wag ka na mg-reconstruct, maganda na naman yang blog mo eh, ang importante ay ung contents.

    :p

    pero alam mo, kpag-naiicp ko ung title mo na ripples, natatawa ako. ewan ko baket. ripples, ripples ripples, hahahha.

    ReplyDelete