Friday, March 2, 2007

Overdose

The heart has its reasons that reason knows nothing of.
~Blaise Pascal

When love is not madness, it is not love.
~Pedro Calderon de la Barca

__________________

None are blinder than those who will not see.

This maybe one more cheesy post.

Anyway. Dumadami na ang naliligaw sa blog ko na ito. Dati-rati akala ko walang nagbabasa dito. Wala nga… hehe… pero ngayon marami na sila…

Di ka na nag-iisa…

Tingnan mo yung counter, parang kailan lang 0000 pa sya… ngayon pag nilagyan ko sya ng March sa tabi, malapit na syang mapagkamalang present month and year… wehehehe…

Tapos, nakita nyo naman yung links sidebar, medyo cute na sya… hahaha…

Inuunti-unti ko na ang renovation dito… parang bahay yan e… pag napansin mong dumadami ang bumibisita, gaganahan kang magpaganda ng bahay…

Pero ang magagandang bagay hindi dapat binibigla… excuse ko lang yan kasi nga mabagal yung upgrades sa layout. Pero sabi nga ni Harold maganda naman ang laman… at eto, nabola naman ako… haha…

Marami na ang links dito… nagdagdag ako ng mga 11 links! At ang nakakatuwa dyan ay kalat sila sa buong mundo… may mga naligaw dito mula sa ibayong dagat… iba na talaga ang teknolohiya… kahit paano nakakuha ako ng international telepathy powers… saka ko na sila ipapakilala siguro...
_______________________

Patapos na ang term sa MapĂșa. Kumbaga sa kanta e parang nasa Interlude part na kami… o kaya Eye of the Storm… mukhang kalmado pero nasa gitna talaga kami ng bagyo…

Sabi nga sa mga videoke… Are you having a good time? Parang pang-aasar yun…

Panahon na naman ng mga documentation para sa mga may project. Dito na nagkakasilbi yung mga moral supporters lang tuwing gawaan ng project… panahon na ng mga barbero.

I’ll be needing that Time-Stop Technique real soon.

Amp.

Ewan ko ba kung may kinalaman ba ang hilig ko sa pagsusulat sa pagkaayaw kong gumawa ng mga paperwork… Aaargh. Kasi parang puro pambobola lang ang nilalagay dun tapos madalas pang hindi binabasa… tsk tsk.

Ang problema kasi malalaman mo lang na di pala gaanong babasahin nung prof yung dokyu nyo pag tapos mo na at naipasa mo na… Aaargh.... Sayang sa stamina.

Hmmm… Kaya may naisip na naman akong bagong superpower. Pero ngapala, hihiramin ko lang kay pareng Stephen King, baka magtampo sya pag hindi ko sya nabanggit, nagbabasa pa naman dito yun… hehe…

Gusto ko yung kapangyarihan makapagbasa ng mga utak. Palagay ko nabanggit na rin ni tessa yun. May nagsabi sa aking secret power raw yun ng mga psychologist tulad ni sir armand… ooopsss… Hindi na secret… hehe… pero gusto ko yung katulad dun sa talent nung bata dun sa novel ni King na The Shining… yung bata dun kaya nya basahin ang iniisip mo… at hindi mo maitatago.

Bakit? Kasi sabi nga sa hunter x hunter ang utak parang isang malaking puddle ng tubig. Kapag nagbato ka ng kahit maliit na bato… kita mo ang ripples. Teka, wala atang kinalaman yun ah. Haha. Spam.

Kahit siguro magbasa lang ng mga utak ng mga babae ang kaya ko ok na sa akin. Mapagtyatyagaan ko. Medyo komplikado kasi ang utak nila. Para silang code na paiba-iba ng meaning. Minsan akala mo nadecode mo na, yun pala hind na yun yung ibig sabihin sa susunod…

Siguro kung magkakaroon ako ng ganung power, mas simple ang mundo ko… hahaha… kaya lang walang challenge siguro yun… pero minsan…aayaw ka rin sa challenge kung kapalit naman nun ay peace of mind. Hehe.
___________________

Habang gumagawa ng research kanina… ay mali, habang nagpapanggap akong gumagawa ng research pala… napansin kong nag-OL na naman sya. Hmmm…

Ngapala iba yung babaeng ikwekwento ko ngayon dun sa isang babae sa Mada Mada da ne post. Hindi taga-MapĂșa ang taong ikwekwento ko. Ngapala, sya yung nasa Valentines’ Special post.

Hmmm… yun nga. Nag-OL sya… e napaka-timing naman talaga, kailangan na naming kumain. Sa bahay kasi dapat sabay kayong kumain ng hapunan. Lalo na’t ngayon lang ulit ako nakaabot ng hapunan kasi wala akong pasok ngayon.

Ayun. Pumunta ako sa hapagkainan at nagmadaling kumain. Para abutan ko… madalas kasi 30 minutes lang online yun (oo, stalker ako!). Adobong manok pa naman ulam namin… di ko masyado naenjoy… Nguya nguya… lunok… lunok lunok… tapos! Haha…

Akala ko nga may mga confetting malalaglag pagkatapos kong kumain…pakiramdam ko kasi nasira ko ang world record ng pinakamabilis na pagkain ng hapunan para sa pinakamababaw na rason… hahaha…

Maswerte na rin at hindi ako ang toka ngayon sa paghuhugas ng plato. Kundi, baka tinapon ko na lang lahat ng plato at baso namin sa labas… tapos bibili na lang ako ulit bukas… hahaha.

Ganun talaga ka-importante para sa akin na maabutan sya. Yung huli ko kasing naabutan sya e nung feb 15 pa. kelangan ko na ng bagong dosage ng aking mahal na gamot.

Palagay ko nakasira ulit ako ng isa pang world record habang pabalik. Pinakamabilis na pagpunta sa terminal ngcomputer mula sa hapag-kainan nang hindi naaksidente at hindi nahahalata ng mga kasambahay na nagmamadali. Hehe.

Ayun. Nakita ko pa ang avatar nyang hot-air balloon… ?_? ewan ko ba kung bakit yun ang gamit nya. Syempre click click…

Type h-e-l-l-o

Press Enter

Pray

Aba, sumagot pa rin… H-i

Nagpapasalamat ako sa message archive ng ym.

Ayun. Nakapag-usap kami. Nagpakasobrang makulit na lang ako. Yung utak ko parang nararamdaman kong naka-overdrive para maghanap sa memory ko ng kahit anong topic na mapag-uusapan.

May cam ka?

Aba, gusto nya akong makita. Kaya lang wala naman kaming webcam. O_o. at parang ayoko makita nya ako… nakakahiya… hahaha…

Sabi ko wala akong cam… sabi ko meron ba sya?

Meron. Pero ayoko. Daya mo.

Pero maya-maya ininvite nya pa ako sa webcam.

WAPAK! Naghang na naman ako. o_O

Naka-cap sya. Ayun usap ulit ng konti… pati mga cap pinag-usapan namin… nagpumilit lang ako magkaroon ng topic… kahit ano… aaaargh…

Sabi ko bagay sa kanya ang cap (BOLERO! hehe.. pero totoo!) … pero sabi ko di ko sya masyadong makita sa webcam dahil kako dun sa cap… hmmm...

Syempre dahil may webcam, ginawa ko na naman yung Printscreen-Paste method. Hintay ng magandang tyempo tapos Printscreen ulit… kahit nakacap… kahit hindi masyado nakikita… siyempre baka matagal-tagal akong walang supply ng gamot… kailangang mag-stock.

Oi uwi na po ako. Bye po. Till next time.

Tapos pagtingin ko sa webcam… tinanggal nya yung cap.

(insert Vaseline theme here) – courtesy of Sir Ean.

Naalala ko bigla yung commercial ng Vaseline… yung naka-cap na batang babae… tapos inalis nya yung cap…

WAPAK!!! Natigilan yung mga batang lalaki sa commercial. WAPAK!!! At ako, natigilan rin ako.

Akalain mo, kahit pala sa webcam, gumagana pa yung ganun effect? Hehe.

Aaaaaaaaahhhhh... Nag-hang na naman ako... Blip blip blip. Tooot!!! Initiating Mind Reactivation Sequence.

Printscreen. Paste. Printscreen. Paste. Printscreen. Paste. (repeat until fade)

May nagpatanggal kasi ng cap ko.


I wonder kung ako ba yun… Baka naman may iba syang ka-chat... Sana talaga kaya kong magbasa ng utak. Kahit utak na lang niya ang mabasa ko, di na ako hihingi pa ng ibang powers…

Ayun. Pagkatapos ng ilang minuto nagsign-out na rin sya. At nakangiti na naman ako. High na naman. Naka-tira na naman. Tsk tsk.
_____________________

Pero alam mo yung feeling na masaya ka pero malungkot ka rin. Yung masaya ka ngayon pero alam mong parang temporary lang din yun. Kasi nga wala rin… parang umaasa ka lang… wala namang nangyayari dun… ewan mo… meron kaya? May posibilidad kayang nahahawa rin siya sa pagkabaliw mo?

Parang kailangan mo na ng ibang gamot… nakakasama na ata ang epekto nya sa iyo… nasaan kaya ang ibang gamot? Wala pang nagpapakitang iba…

Tapos maiisip mo, ay bahala na... magpapakasaya na lang muna ako hanggang umeepekto pa... magpapakaoverdose muna ako sa kanya...

11 comments:

  1. helo po ninong.. pers tym ko po dito eh.. :) hehehe.. nakakaaliw naman ung post mo..

    malayo ako sa bf ko, kaya sa webcam lang din kami nagkikita.. tinalo mo po ako dun sa record, akala ko ako lang ang nakakagawa nung tatakbo mula sa kusina hanggang sa computer terminal.. :P hehehe..

    salamat nga po pala sa pagdaan sa blog ko.. :) tc!

    ReplyDelete
  2. galing talaga ng writing style mo! hehe.. aba aba.. si webcam girl.. eh san na yung na print screen mo ? :P di mo ba ishare? hehe joke lang.. :P

    ReplyDelete
  3. naaliw ako sa post mo...hehehe

    ReplyDelete
  4. first time kaya ang comment, over all na. ang Ninong ay yung Ninong's na bar na lagi naming tambayan. mukhang mapapatambay din ako dito.

    nywei, loved the quote that you left sa aking blog. salamat po. and i agree with the quote used in this entry.

    true...love is not love unless it drives you insane to the nth power. ahaha!

    iba talaga feeling ng nababaliw dahil sa word na yan. oh sya! tipirin ang shot ng iyong gamot ng dka maubusan. nyahaha! :D

    ReplyDelete
  5. Salamat sa pagbisita!

    Babalik ka ha? =)

    ReplyDelete
  6. wow! ok dito ah! teka, bumalik ka sa blog ko para masaya!

    uso ba mga entries na tungkol sa pagibig? halos lahat ng binista ko gnon eh!

    wag kang mgsshow ah! :))

    ReplyDelete
  7. cute post..hehe! tnx for dropping by at my site..ex links tyo ha..ill add u up asap.hehe!

    i finished reading ur post eventhough is quite long.kakaaliw eh! hehe..

    take care and have a good week! :)

    ReplyDelete
  8. sir salamat pala sa advice...

    para tayong gumagamit ng reverse edge na katana... kung ang dull side lang lagi ang gagamitin natin, babangon pa rin ang kalaban...

    sometimes we need to use our cutting edge...

    astig diba!?

    ReplyDelete
  9. ninong! huhu ayan sa wakas nakita ko na yung comment hehe an liit kc ayun! an lungkot naman kala ko d ka inlab?? hehehe ganyan din aku huhuhu sa chat ko na nga lang nakikita ehh hirap tlaga umasa haiii...aba! totoo bang merong mental telepathy ba yun?? ah baasta kung nau man yun wish ko lng totoo para aku din nyahahahaha aba ninong! puro girls ata bumibisita d2 sa site mu! hmmmmmm... fishy! hehehe

    ReplyDelete
  10. aaaah! pornsite! haha Waw school writer k pla ^^

    Mada mada dane? POT yan diba? =p

    hehe tamads ka rin mag-hugas ng plato =p Kaso sa amin ndi ako pwdeng tamarin sa ganyan dahil ako parati ang nakatoka =)

    waw mukhang marami kang pinopormahan ah.

    Ung tungkol sa super powers - mukhang maganda nga ung malaman mo iniisip ng ibang tao hehe. Pero may anime din akong napanood wherein nabigyan ng pagkakataon ang lahat na mabasa ang isip ng isa't-isa. Although mas matindi ung dun sa palabas kc kahit ayw nilang marinig, naririnig nila. Maingay at magulo. so... mas palagay ko mas-okei pa rin ung wak n lng haha =p

    Ei salamat sa lahat ha ^^

    ReplyDelete