Thursday, March 15, 2007

Kapuso

“Just when I found out the answers to life… they changed all the questions”
~Anonymous


Pumasok ako ng maaga nung miyerkules kahit na after lunch pa dapat kami pupunta kay mamsir.

Kailangan ko na kasing paghandaan ang assassination plot sa kanya habang maaga. Kaya naisip kong pumunta muna sa opisina upang magsagawa ng mga plano.

Haha. Sa totoo lang, may meeting kami para sa skulpaper ng 12pm. Kaya nandun ako.

Bago umakyat sa ofis, nagpunta muna ako sa aming org table sa MICRO. At napag-alaman kong marami ring pupunta kay mamsir after lunch. Para humingi ng awa o para pumatay ng prof, ewan ko lang. Mukhang wasted na sila kahit umaga pa lang. Lahat kasi sa grupo nila ay bagsak. Samantalang ako lang ang bukod tanging tao na babagsak sa isang grupo habang papasa yung ibang kagrupo. T_T

Sadyang mapait.

Pero hindi na ako gaanong malungkot. Naisip ko na sige lang ibagsak nya ako…giba sya kay super xienah… hahaha… tagapagtanggol ng mga naghihimutok na estudyante… Yahoo!

Asar lang ako dahil sayang sa effort. Ako pa naman yung taong tipid na tipid magbigay ng effort. Kasi nga baka masayang. Tapos ayun, ganun ganun lang…uulitin ko rin pala… E di sana nagpagawa na lang din kami.

Ngayong term nga di na ako nakapasok ng thermodynamics class ko dahil kailangan kong umattend sa mga weekly defense ng subject nya. Wala kaming naipasang matino sa software engineering dahil yung mga kagrupo ko busy rin sa paggawa sa design nila sa kanya. Andaming naubos na pera, dugo, pagod, pawis, sipon, laway…lahat-lahat na…para lang sa wala.
________________

Umakyat sa ofis. Meeting. Natapos ang meeting. Mukhang magiging busy ang bakasyon namin… Hmm…

Tapos pagdating ng 1pm e bumaba sa opisina ni mamsir. Para magtanim ang bomba. Para magtanong kung ano nga ba ang bagong pahirap na ipagagawa nya sa amin.

Hmmm… syempre, pinaghintay pa rin kami. Trademark na ata ng mga prof na magpahabol sa mga estudyante nila… o kaya magpahintay… kasi hindi naman makakatanggi yung mga estudyante e. Lalo na kung grade ang usapan. Wala silang choice.

Hindi naman ako nilaglag ng mga kasama ko. Siguro nakita naman nila ang effort ko. Tutulungan daw nila ako. Wala raw laglagan.

Buti naman. At least, di ko na kailangan dukutin mata nila. Haha. n_n

Tapos…

Napagtanto kong baka binabasa ni mamsir ang blog ko. Natakot ata sya sa mga binalak gawin sa kanya ng mga taong nagbabasa dito…O baka naman marami syang natanggap na death threats. Baka naman nagpahula siguro sya at napag-alamang kung hindi nya kami pagbibigyan e maghahalo ang balat sa tinalupan. Ewan.

Sabi nya noon, wala nang syete na grade. Wala nang incomplete. Either you pass or you fail the subject… Pero…

Basta ang nangyari e syete kaming lahat. At yung sinuggest ni groupmate 1 e kailangan namin gawin by this week para kung sakali man, e hindi na kami syete. Suggestion nya kasi na dagdagan na lang namin yung study at i-incorporate sa design. Ah, ewan. Walangjo, masyadong teknikal.

Ok, ligtas na ang buhay nya. Haha.

Basta ang siste, e kailangan nya yung documentation by 4pm para may grade na kami. Sinabi nya rin kung bakit sya naging “mabait”. Kung pano kami nasyete kahit wala na dapat syete.

Unfair kasi daw kung babagsak kami, samantalang working yung prototype namin. Kasi yung isang grupo na itatago na lang natin sa pangalang Microcontroller Team e masyesyete ng wala man lang maipakitang working prototype. Dinaan nila sa department. Teka, teka. Magulo e. Ulet.
________________________

Sa department namin, may mga technical team na gumagawa ng research or prototypes. Tulad ng robotics team. O kaya nung bagong SDCAT (Software Development… blah blah) team. Yung isa kong kagrupo e taga robotics, at yung isa e taga SDCAT. Yung isa, wala lang.

Tapos may microcontroller team. Ngayon, napag-alaman kong pwedeng ipacredit ng team na yun ang idedesign nila para design 2 subject namin. At maraming ugong-ugong na kaya pala sumali yung mga tao na yun e syempre para mapacredit yung subject. Pero dahil wala pa silang nagagawa, pinagpropose sila ng gagawing project within this term.

Hindi nila nagawa. Wala silang naipakita. Syempre sabi ni mamsir. Ok, bagsak na kayo.

Tapos nagkaroon ng konting magic at voila, siete na sila. Incomplete. Parang nakialam ata ang mga higher-ups kasi wala raw nagawa si mamsir. Mukhang may koneksyon sa bureaucracy at nadaan sa...palakasan.

Wala akong pakialam kung anong team sila. Pero para sa akin di dahil kasama lang sila sa isang team e dapat na silang bigyan ng special treatment. Kung tutuusin, wala pa silang nagagawa e. Kung yung robotics team nga na nanalo sa WIPO (World Intellectual Property Organization) e walang credit sa design, sila pa kayang walang nagawa?

Kung sila na lang kaya ipagiba ko kay super xienah?
___________________

Anyway, sinubukan naming ihabol ang documentation. Pero hindi daw umabot. Kulang daw. Pero dahil nakita nya yung effort namin e. Pasado na silang tatlo.

Mamsir: “O sige na nga, may grade na kayong tatlo.”

Nye, paano ako?

“At ikaw, Syete ka.”

Nye. Teka, nasa’n na ba yung bolpen ko? Parang may gusto akong saksakin... O_o

“Tutal one percent na lang kailangan mo, wala ka nang defense. Ipakita mo lang sa akin na gumagana yung sinuggest na feature ni groupmate 1. tapos include nyo sa documentation at sa study nyo. Ipakita mo sa akin by third week of next term.”

Ah. Ok. Pero ako na lang gagawa nun? Saya naman nila.

“Pero dapat tulungan ka nila. May grade na sila pero dapat tulungan ka nila pumasa.”

Ano? Hmmm… sige na nga… pwede na siguro yun. Tulungan nga sana nila ako.

“Ok na ba yun?”

__________________________

So in short, syete na ako. Incomplete. Kapuso. Better than 5.00, any day.

Salamat ngapala sa mga comment at tag. At dasal. Malaking tulong yun sa akin na ako’y inyong kinampihan sa gitna ng madilim na karanasan at mabibigat na problema, paghihimutok at blah blah blah…blah blah blah… Salamat salamat ng marami. Naisip kong manlibre. Yun nga lang at hindi ko lang kayo maililibre, pero sabi nga nila…

“It’s the thought that counts.” =)

6 comments:

  1. ahahah! loved the quote of this entry. totoong totoo... bakit nga ba noh?!

    oh well, congrats! incomplete is a celebration para sa school na pinapasukan ko (dati)... kasi dun, talagang dalawa lang grade, bagsak, pasado... pili lang mga prof na may inc. sa options.

    hehe... yakang-yaka mo na revisions. good luck!

    ReplyDelete
  2. i lost track. have not read ur previous posts..but anyway this one and the other one ive read them. i can almost imagaine how u look like wen u say those words with te expressions.lolz.

    well, professors used to do that. feeling nila sobrang sobrang importante sila pag hinahabol ng students nila.amp! kainis..pero dont worry if u will get wat u deserve. just work and out some effort then samahan mo ng konting dasal.hehe!goodluck!

    ingat po...

    ReplyDelete
  3. EHE! ninong!

    sabi sau e.. malalagpasan mo ang matinding pagsubok! LOLz!!

    anyway.. katotohanan at katotohanan.. amf yang mga prof na ganyan.. yaan mu paggraduate natin.. mapapamuka natin sa kanila ang kapighatian!

    BWAHAHA! SUCCESS IS THE BEST REVENGE!

    ReplyDelete
  4. ninong! mahirap talagang ma-incomplete. nakakasira ng ulo.muntik na mangyari saken last sem, buti na lang hindi nasayang ang epots namin, nag-away-away nga lang kaming magkakakgrupo.. anyway, gustoko ice cream ha.. :D

    ReplyDelete
  5. haii.. ninong nkakalungkot naman isipin yung quote d2 sa post mo....

    hehehe hai naku ninong mabuti naman at nakapg isip isip yang prof nyo! nyahahaha teka nbabasa nya ba tlaga posts mo??? ay basta ninong laban lang!! hehehe!!!

    ReplyDelete
  6. Anak ng sampalok! Sarap ng buhay mo ninong. Isa kang pinagpalang nilalang.

    Salamat naman at nakaatim ka ng ganyang sitwasyon. Mahusay.

    Binabati kita.

    Mabuti ka pa.

    Buti pa ang MC team, napagbigyan ni mamsir, hehehe... kameng mga hampas-lupa, wala.

    ReplyDelete