Thursday, March 22, 2007

GC K N B? No deal!

“If a sword had a memory, it would be grateful to the forge fire… but not fond of it.”
~Rand Al’ Thor (Robert Jordan’s WOT # 9: Winter’s Heart)

“If you can still smile when things go wrong, you have someone in mind to blame.”
~Anonymous


Enrollment week na naman sa Mapúa ngayong linggo. Kakatapos lang ng Finals, enrollment na naman agad. Parang sinasabi ng skul, “Oi, enroll muna kayo bago magbakasyon…baka magbago ang isip nyo e…baka di na kayo bumalik, mahirap na!”

Hahaha.

Bayaran na naman. Grabe. Parang kailan lang kasisimula lang ng term, tapos na agad ulit. Tapos na naman ang 10 weeks nang ganun ganun lang. Ambilis talaga ng panahon.

Mapapansin mong nalalapit na ang graduation term dahil panay ang tanungan ng magkaka-batch, “GC ka na ba?”

Sa amin, ang GC ay hindi grade-conscious (sa ibang skul ata yun ang meaning). Sa amin, ang GC kasi ay graduating class, ibig sabihin…huling term mo na at magpapaalam ka na sa Alma Mater. Gagraduate ka na, sa ayaw mo man o sa gusto.

Lalakarin mo na ang pulang carpet sa PICC at maamoy ang simoy ng aircon nito. Magmamartsa ka na suot ang iyong itim na toga at bibigyan ka ng scratch paper na for the sake of ceremony kunwa’y diploma.

Halos wala nang pipigil sa’yong grumaduate kundi kamatayan o kaya’y isang ubod-nang-sama-at-walang-pakundangang-terror-prof na biglang lalabas mula sa kawalan upang sirain ang buhay mo.
________________________

Lumabas na ang grades namin last week. Hindi maganda ang balita. Bukod sa isang siete (incomplete) dahil sa Design 2, kulang pa raw na pahirap yun kaya dinagdagan pa nila. Pagkatapos ng isang taong winning streak, matapos makalusot sa ibang mga mahihirap na theses at design subjects, nadali pa ako ng isa sa mga subjects na hinding-hindi ko naman kailangan sa buhay kahit ipagpilitan ko.

Thermodynamics.

Sana lang may time machine na sa panahon ngayon. Gusto kong bumalik sa oras upang batukan ang taong gumawa ng curriculum namin. Dahil sa kanya, may singko na naman ako. Aaargh! Pipitikin ko rin ang ilong nya.

Bukod diyan, bagsak din ako sa Software Design. Stupid stupid stupid. Tsk tsk. Pero ang siste, siete yung dalawa kong kagrupo. Kasi makapal mukha nila. At di nila ako sinabihan nung magpapalapad sila ng papel. Nahuli lang ako ng ilang minuto, ni ha ni ho…wala man lang silang sinabi na pupunta sila. Naturalmente sila lang ang masyesyete, sila lang ang pumunta.

Anak ng baka, tinext ko sila ah, nagtanong ako pero wala man lang reply. Nang-iwan sa ere ang mga taong ito. Gusto ko silang paliparin sa kawalan! Matapos silang magprint sa opis at gugulin ang oras ko! Matapos akong gumawa sa mga powerpoint presentation at docu namin! Konti lang rin naman ang nagawa nila, ang lakas naman nila mang-iwan. At ako pa ang sinisi. Tsk tsk.

Sa isang grupo talaga, iba-iba ang makakasalamuha mong tao. Walangjo. Halos lahat na ng ugali ng kaiinisan mo, mararanasan mo… tsk! O sige na…good riddance sa inyo, di ko kayo kailangan. Hmmph!

Napapabuntong hininga na lang ako sa aking dalawang bagsak. Yung isa kong subject e 1.75, tapos yung isa 2.00. Tapos may dalawang singko. Wala lang, ganun din. Masakit pa rin kahit pano. Nagkamali na naman ako sa strategy. Dapat pala iniwan ko muna yung software design, tapos kumuha ako ng COMNET. Siguradong papasa ako dun kumpara sa design. E di sana nabawasan pa yung units na kailangan ko.

Kung isa akong regular student, dapat sana last term ko na itong darating. Dapat sana OJT at Seminars na lang ang subject ko. 4 units na lang dapat. Dapat sana GC na ako. Dapat, dapat, dapat.

Pero dahil special ako… hmmm… 20 units to go pa ako. 15 units ang maximum load sa amin per term kaya most likely two terms pa ako…or more…
____________________________

Gusto ko rin sana batukan ang mga taong nagtatanong kung GC na ba ako. Pero pag naisip ko, teka, kahit sila man hindi rin naman GC e… Bwahaha… Wala rin silang maipagyayabang. Hehe.

Wala naman talagang kwenta ke quarterm kami o hindi. Aabutin din ako ng siyam-siyam bago grumaduate. Tapos wala rin ako halos na-absorb sa lectures. Ang mga lesson ay pasok sa kaliwang tenga at labas sa ilong. Wala rin. Ang tanging nagbago lang e mas maaga ang bayaran, mas maaga ang kita nung may-ari. Sabi nga nila, bibilis ang pagbagsak ng skul sa oras na maging negosyo na lang ito.

At oo, sinisisi ko silang lahat. Hahaha. Pinagulo nila ang buhay ko. Nung una kong pasok sa kolehiyo, akala ko untouchable ako, hindi ako tatablan ng bagsak. Kahit sabihin pa nilang umuulan ng singko sa eskwelahan na ito, alam ko sa sarili kong makakalusot ako.

Pero yung kalbo kong prof sa matsci, aaaargh, pinatikim nya sa akin ang kauna-unahan kong bagsak sa tanang buhay ko. At oo, totoong MASAKIT ANG FIRST TIME. Aaaah! Masakit talaga. Pakiramdam ko nun, ang bobo ko. Para kang namatayan… Hindi ako grade-conscious pero talagang tinablan ako. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako babagsak.

Pero naulit muli…at ngayon masasabi kong marami na rin akong naibagsak. Pero sa amin kasi, mabibilang mo lang sa daliri ang hindi pa tinatablan ng singko. At yung iba, masasabi kong swerte lang sila sa prof kaya ganun pa rin ang status nila. Oh well. Ganun talaga.

Hmmm… alam naman nila sa bahay na may bagsak ako. Di naman sila nagalit. Medyo lang. Syempre may konting sermon, normal na ata yun. Pero na-warningan ko na kasi sila e, kaya hindi na sila nabigla.

At napakadaya nung credit course na UNIX. Oo, nasasabi kong madaya dahil wala ako nun. Meron kasing inooffer ang school na UNIX modular programs. Limang modules. P3500 ata ang bawat isa. Hindi kasama sa curriculum. Hindi rin saklaw ng scholarship.

Pero kapag kinuha mo at nakapasa ka, bawat module ay pwede ipacredit sa isang subject mo. Yung grade mo isang module ay pwedeng grade mo na sa isang lecture. Pero babayaran mo pa rin yung subject sa curriculum. So in short, gagastos ka ng humigit-kumulang P7000 pesos para sa isang 3-unit lecture class. Yun nga lang, sure na hindi ka bagsak. O di ba madaya?

Sa batch namin, ako lang ang kilala kong tao na hindi kumuha ng UNIX. Sabi rin sa akin nung mga alumni, hindi naman daw nagagamit yun masyado… Pang-credit lang talaga. Kumbaga, money-venture lang ng school… tsk tsk. Pera, pera, pera.

Dahil hindi ako kumuha ng UNIX, bawat isa sa mga subject na yun na dapat sana ay ipapacredit ko na lang, ay subject ko ngayong term. Hmmm…

Ah, GC rin pala ako, Graduating Cunyari. Hehe.

11 comments:

  1. hehe nahihiya naman aku una magcomment eh pero since andito na tutuloy ko na... ninong naman ambigat bigat ng problema mu sa skul hihi lumayas kna jan! dali! hehehe mukang pera din skul nyo? san kba nakakita ng skul na di mukang pera? minsan pati mga teacher pinopromote yung pagiging kurakot ng skul hihihi kc cla rin kumikita nyahaha! (ansama ku) nweiz mababatukan ko na mga estudyante sa inyu ha! lalu na mga kwasmeyt mu! mga selfish! maxado nila minamahal sarili wa pake sa iba naku hirap tlaga pag tumatanda nag eevolve din ang problema hehehe anyways ninong itatanong ko rin cna syo kung gc kna hehe eh since nbasa ko ng buo yung post hindi na hehehe go! ninong!! aral lng ng aral! hehehe

    ReplyDelete
  2. Siguro naman ngayon naniniwala ka nang may sumpa sa mga CoE na Builder Sa di malamang kadahilanan (na alam naman natin - :p), lagi talaga tayong delayed grumaduate. E.G. PJ, RJ, ako, si Nico (I guess now it's safe to assume :D), at malamang sa malamang, ikaw din. Haha.

    I-enjoy mo na lang ang college life. Wag magmadali. Minsan mas nakukuha mo ang isang bagay kung dinadaan mo sa ingat at hindi sa agap (I learned it the hard way). Di naman yan panliligaw sa babae eh. ehehe.

    Good luck. Wish ko mas maaga ka sa December 2007 matapos. :D

    ReplyDelete
  3. napapatawa talaga ako pag ikaw ang magsulat. hala sige gawin mo na kung anong gusto mong gawin sa ka group mo. hehe

    anyhowww... ang bilis nga ng panahon...

    ReplyDelete
  4. @ len...

    pano pa lalayas, konting gapang na lang... kung lalayas ako e uulitin ko lang yung iba... hahaha. :D

    @ sir kokok

    naniniwala naman ako dati pa... hehe. pag minamadali nga lalong tumatagal... tsk tsk...

    @ tin

    salamat... hehe... fan talaga kita... hahaha... salamat ulit... natuwa naman ako... :D

    ReplyDelete
  5. grabe nman po isang post mo.. prang banta. prang cnsb sken na humnda na q.. hai, ok lng po ian. 20 units nln pla e.. unti nln ian kung tutuusin.. unting tiyaga. [= hehe.. God Bless!!

    ReplyDelete
  6. hehe! i love it wen u tell ur stories..talgang pati expressions mo kasama. =P

    anyways, u still have to deal with it. kahit gaanon kahirap! misna nga lang talaga pag inaabot ka ng kamalasan yung mga prof na napupunta syo kulang na lang eh talagang patayin mona!haha..coz i used to have profs liek yours. pero dapat tigasan mo.wag ka patalo sa knila!haha.ako talagang nilalabanan ko eh. ayun awa ng diyos regular student ako so i graduated in time.hehe! sabi nila 5yrs daw and fine arts but i took it 4yrs.yay! although i experienced incomplete and almost getting failed.

    goodluck for the next sem! kaya mo yan..layo na din ng narating mo konting tyaga pa! take care..oh i left a comment with ur lasts post too..

    ReplyDelete
  7. hehe.. natawa ako sa graduating cunyari! hehe.. wah. wala ako sa sarili ngayon.hehe.. shamrock kasi eh! lol :P

    ReplyDelete
  8. "Oi, enroll muna kayo bago magbakasyon…baka magbago ang isip nyo e…baka di na kayo bumalik, mahirap na!" haha.. nag sisigurado. hay naku mahirap siguro mag kolehiyo ano? isang taon nalang tutungtong na rin ako dyan. hohoho.


    sige ninong goodluck!

    ReplyDelete
  9. Ninong, mahusay ka pa din kahit papaano, naka-syete ka kila mamsir.

    Hayaan mo, thermodynamics lang yan. Makakaahon ka din sa hirap!

    Sayo na lang yung isa kong UNIX. Sobra ako ng isa. 2.00 pa ang grade ko dun. Bilhin mo na lang ng 1,000.

    Gusto ko yung Graduating Cunyari. Hehehe...

    Sabay na tayo grumaduate para may sikat akong kasabay sa PICC.

    ReplyDelete
  10. mauuna ka pa sa akin tannix...hehe...

    waw. P1000.00 lang? Sayang hindi nga lang transferrable ang grade...hehe...lugi pa ako, piso na lang pwede?

    ReplyDelete
  11. so kulet naman nung graduating cunyari,, konting tiis na lang, graduating class ka na rin,,

    ReplyDelete