Tuesday, March 13, 2007

Sacrificial Lamb

That which does not kill us only makes us stronger... so we may kill others.
~Anonymous

The trouble with doing something right the first time, is nobody appreciates how difficult it was.
~Anonymous


Nakakalungkot.

Asar.

Badtrip.

Nanggagalaiti ako sa gigil...

Akalain nyo, sa aming grupo… ako na naman ang tupa… ako na naman ang sakripisyo.

ANONG NANGYARI?

Subject: Design 2

Prof: Mamsir

Passing Grade: 60%

Grades: groupmate1 = 62%
groupmate2 = 60.5%
groupmate3 = 60.2%

ninong = 58.8%


Pinapili kami ni mamsir. “1st option: Pasado silang tatlo at ikaw bagsak ka”

Teka, option ba yun? Kutusan ko kaya itong si mamsir? Para namang pipiliin ko yun... ?_?

“or… siete kayong lahat… pero ibang project naman ang gagawin nyo”

HA??!?! Why you...!!! (Hinga-hinga) Maghulos-dili ka ninong… wag mong daanin sa dahas…kontrol… kontrol… inhale… exhale… inhale… exhale… bitawan mo yung bolpen... bitawan mo... baka itusok mo sa mata nya... 0_O

“Di ko pa alam kung anong desisyon ko…kasi yung mga group na under kay mam st.soysauce, pag di umabot yung isang member sa grupo, siete sila. Ako, pinag-iisipan ko pa…”

1.7% ?!?! Mamsir naman… (insert pinakamatinding mura sa balat ng lupa here) 1.7 %... uulitiin kong lahat lahat lahat lahat lahat???? (repeat until forever). Uulitin???? Aminado akong deserving pumasa yung dalawa kong kagrupo… pero ako, bakit hindi? Tumunganga lang ba ako habang may ginagawa sila? Pot*h. AMP!!! AAAAAAAAAHHH!

“Mababa ka kasi sa individual gradings sa defense.”

Bakit mababa ako, e pareho lang kami ng dami ng nasabi? Yung mga sinabi nga nila ako naman gumawa nun ah…dahil ako nga yung nasa docu…palibhasa favorite nyo yung dalawa…kaya mataas grade nila… Unfair... Atsaka pano naging individual grades e hindi naman tinanong isa-isa... pano nyo na-gauge na wala akong alam samantalang nasagot ko naman ang mga tanong nyo???

“Di ko pa masasabi kung ano ang desisyon ko. Pero kung anuman yung desisyon ko, final na yun. Sasabihin ko sa inyo bukas...after lunch”

Go to hell! Siete kami kahit gumagana yung project namin?? Kahit kami mismo ang gumawa. Tapos ang tataas ng grade nung mga nagpagawa sa labas??? E napaka-unfair naman e… kung sa difficulty lang, napakalayo naman nung system namin sa system nila… tapos ako pa ang babagsak. Yung isa nga wala naman halos ginagawa, papasa sya… ako gumawa ako ah…what a world... GALIT BA KAYO SA MUNDO? BAKIT NYO AKO DINADAMAY? Kung galit kayo sa estudyante sana hindi na lang kayo naging guro... Huhu... Di kumpleto ang term nang walang ibinabagsak... 1.7%??? waw...tol, sakit sa ulo. waw naman tol... eto sayo ,,!,,(>_<),,!,,


Bahala na bukas. Huhu. Unfair. Pagdasal nyo na lang ako...

11 comments:

  1. what the hell! nkakainis yan ah. mas nakakainis pa kay sese. ipa salvage niyo na yan sir. report sa dean. pa gulpi sa militar (looks at TNB lineup)... hmmm... amf naman. nagluluksa kami para sayo sir.

    kelan pa naging fair ang mundo...

    ReplyDelete
  2. pwede ba maging fair kahit ngayon lang? saka na ulit ako hihiling...

    ReplyDelete
  3. gusto mo bang ipabugbog natin kay itay at inay yang si mamsir, ninong? weheheh

    ReplyDelete
  4. ay! ubod ng baho nyang prof nyo!!! maasim! malansa! nakakairita! mga tipo ng taong hindi dapat pinapatagal sa mundo!!! pakulam natin! gayumahin nlang kaya?! naku ninong malaki kba?? kung aku sayo ibaon mu na xa sa lupa!!!! tas yung dalawa mong ka group sana magisip din cla hehehe (idinamay ko pa wakekeke) kuya ninong kampi kami sayo hekhekhek!

    ReplyDelete
  5. sabi ni sirmam ninong:

    'pagdating ng panahon...'

    sagutin mo na ala king leonidas - 'tonight we will dine in hell'

    ngayon nagets ko na kung sino si st.soysauce. naalala ko sa mga barkada kong CoE yung name niyan. :D

    ReplyDelete
  6. kuya ninong!

    aww.. ansaket.. nasasaktan ako.

    katulad nga ng mga nasabi ko sa aking blog regarding mga prof na pang boom-tarat-tarat lng ang kayang abutin..

    "kidnapin tas ibitin ng pa-diagonal na patiwarik dun sa pinakamalaking puno sa loob ng campus niyo tas huhubaran ntn siya, at ipapakagat sa mga langgam. tas hagisan mo siya ng SUPER concentrated na calamansi juice sa buong katawan niya. tapos ang masaya pa nito umakyat ka sa puno tas titiradurin mo siya ng maraming bola ng basketbol. take note a, TIRADOR at BASKETBALL. WAHAHA! Tapos, hindi pa ako kuntento niyan syempre, ilalagay mo siya sa loob ng isang banga ng nakalabas ang ulo para makahinga naman siya.. At dapat gabi mo yun gawin, at iwan mo yung banga sa gitna ng soccerfield paro bukas madadatnan siya ng kanyang mga estudyante na naglulupasay sa loob ng RAINBOW COLOR na banga . :) Ankyut kyut talaga ng plano ko"

    go ninong! you can do it!

    ReplyDelete
  7. aw. sakit nman nun. tsk. ian ang abnormal sa mga prof e nh. hai.

    ReplyDelete
  8. Ahehehehe, saksakan ka naman ng swerte Ninong. Ubod ng sarap ang dinanas mo sa kamay ni mamsir. Pero nawa'y maging sandata mo ang pighati at puot na iyong nararamdaman upang magtagumpay ka.

    Magdasal tayo ninong...

    ReplyDelete
  9. angas talaga ng prof na yon.. as if magaling siya...

    feeling nya talaga -_-

    ReplyDelete
  10. sino si bleh?

    salamat sa comments

    ReplyDelete