Saturday, March 10, 2007

Try not. Do or do not. There is no try.

Who says nothing is impossible. I've been doing nothing for years.
~Anonymous

Try not. Do or do not. There is no try.
~Yoda, The Empire Strikes Back

Nagbabawas pa rin ng files...

Nung nakaraang sabado, pumasok ako sa skul para lang ipagprint ang mga kagrupo ko ng documentation namin para sa project… Di ko alam kung anong balak nila. Di ko alam kung bakit magpapasa pa kami.

Gusto ko silang yugyugin… tutal dalawa lang sila, “HOY!!! Sigurado kayong ipapasa nyo yan kay sir teddybear? Baka daganan tayo nun, mawalan tayo ng ulirat!!!”

Bilib rin ako sa lakas ng fighting spirit nila. Nakakahawa. Biruin mo, out of five modules e dadalawa lang yung gumagana sa program namin, pero gusto pa rin nilang ipasa?

Yung dalawa nga naming kagrupo aywan ko kung nasaan. Di na nagpakita. Missing in action. Ni moral support wala man lang silang ibinigay. Natakot atang madaganan. Buti pa ako, supportive. Hehe.

Aminado akong wala akong naitulong sa kanila sa programming. Mangmang pa rin ako sa VB.net. Nagkamali ako ng desisyon. Mga halimaw lang ang nakakalampas sa dalawang pinakamahirap na subject ng computer engineering nang sabay. Nakalimutan kong mortal lang nga pala ako. Special child lang at hindi balawis.

Hindi pala talaga magiging successful ang parasitism kung lahat kayo sa group e semi-parasites… Walang stable host.

Dapat talaga di ko pinagsabay ang mga design ko. 2 units lang. Pero parang kukulangin pa ang dalawang taon para matapos ko lang iyon!! Masyado kasi silang demanding. Akala mo sila lang ang subject sa mundong ibabaw… Gusto ko silang pitikin sa ilong!!!

Aaarrgh.

Napabayaan ko na tuloy yung isang design. Ganun din yung iba kong kagrupo… Buti sana kung sigurado na kaming papasa kahit dun sa isa. Hindi e. Si mamsir kasi.

Kung sobrang yaman ko lang, sweswelduhan ko si mamsir para wag na lang syang magturo sa skul namin. Ayoko na sya maging prof. Aarrrgh. Papasakayin ko sya sa isang space shuttle at pagbabakasyunin ko sya sa Mars. Para pagbalik nya sa Earth, siguro naman graduate na ako.

31 UNITS.

Ganyan kadami na lang ang roadblocks na humaharang para makuha ang papel na iyon. Konti na lang. Pero napakahirap. Parang snake crawl. Igagapang mong nakahiga. Di ba ang hirap nun?

Ayoko talaga sa mga kagrupo ko. Malamang yung iba dun inis din sa akin, pero dahil blog ko ito ako ang bida… sila ang mga masamang tao. Lalo na yung ibang kagrupo ko sa design 2...

Minsan sumpa rin ang pagiging miyembro ng skulpaper. Dahil sa isang groupwork sayo lagi ang documentation. Ok lang yun kung maraming panahon. Kaya lang itong si mamsir, bless her, nagpapasa ng documentation within 36 hrs!

At eto namang design 2 groupmates ko, bless them, pinagawa sa akin ang lahat. Aaaargh. huhu. Demanding pa. Tanungin ka ba naman ng “matagal pa ba yan?”.

Gusto ko nga sabihin, “E kung ihampas ko kaya sayo itong keyboard ng maramdaman mo kung gaano kasakit ulo ko dahil wala pa akong tulog??? Iumpog kaya kita sa monitor nang malaman mo?”

Humingi ako ng input. Kasi nga naman, sila mas nakakainitindi nun. Kung ipaliwanag nila ngayon yung ginagawa namin, bukas ko pa sila maiintindihan. Hindi ko talaga gift ang hardware. Nagbigay nga sila, pero alangjo, wala akong mapiga. Pagod na siguro. Siguro dahil kulang na ako sa tulog. At kagagaling ko lang sa isang 10:30am-9:00pm class. Haha. Excuses.

1 oras lang tulog ko nung araw na yun. yun pa ay dahil sa byahe. Sa sobrang antok ko nga e pakiramdam ko para na akong goldfish. Nakadilat pero walang ulirat. Kumbaga sa pc e naghang. Kumbaga sa cartoons parang minartilyo sa ulo. Tapos tinulugan na nila ako. haay...

Dukutin ko kaya mata nila? Haha.

Patawarin nyo sila...di nila alam ang kanilang ginagawa.

Hindi ako makareklamo. Paano ba naman kasi, sila gumawa nung hardware, tapos yung software 30% lang itinulong ko dun. E pano ba naman kasi inaako nila lahat. Mahirap din ang may mahuhusay na kagrupo. Hindi ka matututo. Malamang sa hindi, wala ka nang gagawin...kundi documentation.

Tinapos ko ang documentation. Ha! Ginamitan ko na ng diskarte. Ginamitan ko na ng editorial (?) powers. Ginamitan ko na ng 8 years of experience sa pangbabarbero at pagtatago ng kamangmangan. Itinago ko sa napakaraming salita ang code na ibig sabihin, “Ah, di ko talaga alam ito…magaling lang akong magpanggap.”

Ibinalik na ang documentation kanina. Mukhang nakalusot ata. Yung iba, pwede pang baguhin. Sa Monday na ang defense. Bahala na. Kailangan namin ng 31/40 para pumasa.

Imposible?

Sa globe raw posible... pero SUN ako. O_o

Ang mga bangag talaga nagiging korny. Haha.

8 comments:

  1. angaleng. natutuwa ako.

    documentation. defense. naeexcite ako.

    hala. ang kapalaran nga naman ng mga nasa com. engineering. hay.

    senxa na, nakidaan at natripang magkomento.

    comsci ako e. kaya naiintindihan kita! :))

    ReplyDelete
  2. sorry po nagkamali ako sa una. pasensya na po.

    blog hop po ninong! parang namamasko po ninong! hahah...

    astig ang post at tama nga nothing is impossible. good luck.

    ReplyDelete
  3. wakekeke ninong! nyahaha nakakatuwa ka tlaga mag blog! ahihihi napapalagapak ako wahahah lolz ay nako ninong kaya pala di na kita nakikita sa ym hihihi ninong kaya mu yan! hehe wawa naman cla wag mu dukutin mata! wahahaha! kakatuwa tlaga!

    ReplyDelete
  4. hahah... naaliw ako sa post mo sobra! panalo galing-galing. good luck kaya mo yan!

    ReplyDelete
  5. kawawa ka naman...
    pero mas kawawa mga kaklase mo sa'yo..
    huhuhuhu...
    buti di tayo magkaklase.

    ReplyDelete
  6. haha.. kaya mo yan ninong! natawa ko sa dulo nung post!haha..

    ReplyDelete
  7. wow, namiss ko 2loy ang buhay kolehiyo, ang pagpaparint ng isang katutak na docu at e-ekisan lng ng prof.

    ReplyDelete
  8. comsci din ako.. at kasama sa publication.. and yes! expect all the documentation workkk. . agh! may mga ganyan din akong kagrupo sa computer networks class ko. at gusto kong bunutin ang buhok nila sa ilong..
    at dahil nakarelate ako ng husto at naaliw ng husto sa blog ko, linked ka na! ahaha.. magandang morning ninong!

    ReplyDelete