Friday, February 23, 2007

Mada mada da ne

Being miserable does not make you special, it just makes you… miserable.
-Dr. Wilson, House M.D.

Just waiting for my blogging mood to arrive.

Pakiramdam ko ngayon, gusto ko lang humilata o kaya naman ay tumingin sa kawalan at tumunganga. Tinatamaan ako ng pagkabagot… Sinumpong na naman ako ng aking lumang karamdaman… katamaran.

Marami pang gagawin pero mas gusto ko munang magblog. Isa sa mga perks ng pagiging member ng skulpaper e ang pagiging last man sa conveyor belt ng documentation. Kapag sinuwerte, nasa kanila na ang input at taga-edit ka na lang. Syempre minsan, major edit talaga, pero mas mabuti na yung may ieedit kaysa mag-iisip ka pa ng pangbabarbero na gagamitin mo sa documentation nila…at nasa waiting mode pa ako ngayon.

Ang pinakamalaking disadvantage sa ganitong set-up ay dahil mahilig silang gumawa ng documentation kapag malapit na ang deadline. Kaya gahol na lahat sa oras pag natanggap ko ang kailangan ko…tsk tsk…

Anyway…

Kung mabibigyan lang ako ng karapatang pumili ng aking superpower e gusto ko talagang hilingin na mapatigil ko ang oras. Kahit may specified time limit, pagtyatyagaan ko. Kunyari mapapatigil ko ng 1-2 hrs a day ang oras. Solve solve na ako dun.

Yung parang sa OK Ka Fairy Ko. Pipiktik lang ang mga diwata este engkantada e freeze lahat sila. Tapos pipitik lang uli e back to normal na. Teka, pumipitik ba? May problema na naman ang memory ko. Parang sinasabi ata nila “Freeze” tapos “Defrost”. Parang refrigerator. Ewan. Basta ganun. Pag pinatigil nila ang oras, parang walang nangyari. Hindi alam nung iba na tumigil pala ang oras. Minsan nga naigagalaw pa yung mga body parts nung mga nakafreeze. Gusto ko ng ganung kapangyarihan.

Magagamit ko yan pag emergency. Pag malapit na ang mga deadline. Pag parang gasolina na ang oras at tumataas na ang halaga. Kasi kapag ganun, kailangan mo talaga ng marami. Parang law of supply and demand. Pag mataas ang demand, bumababa ang supply. At ang presyo, syempre tumataas. At kapag oras ang pinag-uusapan, e lalampas pa yan sa gold.

Pag exam, pwedeng pwede rin gamitin ang power na yan. Pero sige, hindi ko na gagamitin sa exam. Partida na. Hehe.

O kaya, pwede rin akong humiling ng kapangyarihang mahati ang sarili ko sa dalawa. Para hati kami ng gagawin. Teka, hindi pala hati…dapat doble. Para masaya. Hati kami ng gagawin, ako ang gagawa ng blog, maggigitara, magdrodrowing, magbabasa, magsusulat, tutunganga, mag-iinternet, magbibilyar...

Tapos sa ka-double ko na lahat ng schoolwork, mga assignment, project, pagpasok sa klase, pakikinig sa lecture, pagsagot ng seatwork, report, recitation… sige kahit puro schoolwork na lang ang gawin nya ako na bahala sa iba. Akin na rin ang household chores para wala siyang reklamo.

At tutal power ko naman ito, e gusto ko na yung mga natutunan ng ka-double ko e napupunta rin sa akin pag nagsama na kami ulit. Yun ang astig dun. Ibig sabihin lahat ng natutunan nya e matututunan ko rin. Dapat lang. Pareho lang naman kami e.

Naalala ko tuloy yung hunter x hunter. Isa sa mga branch ng Nen ay ang Gugenka o Materialize… ibig sabihin yung aura mo kaya mong gawin na kahit anong power. Yun ang ginamit ni Kurapika para sa mga chains nya e. Astig yun.

Ganun din yung kay Kuroro sa pagkakaalam ko. Pero wais sya, kasi ang pinili nyang imaterialize ay isang libro na nangunguha ng powers ng iba. Ako naman, ok na para sa akin na maging pangalawang ninong ang aura ko. Hehe.

O kaya naman, mapagtyatyagaan ko na rin ang kapangyarihang magteleport. Kahit saan. Para tipid sa pamasahe. Tipid sa oras. Kukurap lang ako nasa skul na ako. Ibig sabihin pwede ako tumambay sa bahay kapag vacant ko. Pag tinatamad ako, pwede na ako umuwi agad. Pag sinipag bigla, pwede ring pumasok agad. Pwede rin akong magworld tour ng walang kahirap hirap. Pwede ko magawa yung past time ni sir armand. Yung pag-aalmusal sa hongkong tapos dinner kinagabihan sa London.

Ako naman, pwede na ako maglunch sa Tokyo, tapos magdessert sa New York. O kaya mag-luch ulit sa Milano. Hehe. Makakita na ako ng snow at makakagawa ng snowman. Tapos bago pumasok sa skul, dadaan sa Hawaii o sa Florida para maligo muna sandali.

Pero dahil napakaimposible ng long distance teleportation kahit sa pangarap e ok na ako sa teleport ability ng sorceress sa Diablo 2 na laro. Kasi dun pwede ka magteleport hanggang sa kayang abutin ng line of sight mo. Ok na ako dun. Lalo naman yung teleportation ni Nightcrawler with matching effects, but I think I can do without the skin.

n_n
______________
Napanood ko sa Golden Globe awards ata yun, na nanalo ng best actor si Hugh Lorry ng House M.D. Nakalimutan ko na yung eksaktong category pero para sa kin tama lang na nanalo sya. Bagay sa kanya yung role, at ang nakakatuwa may British Accent sya. Pero pag pinanood mo sa tv, e American accent naman ang gamit nya. Hehe. Galing. Ayos nga rin yung House M.D. salamat kay Drei sa pagmulat sa akin. Hmmm… pinapanood ko rin yung Scrubs. Ayos din, nakakatawa. Napapanood ko sila dahil sa mga DVD. Sayang at wala pa akong makitang bagong season ng Monk.

Congrats sa’yo pareng Hugh, mamaya na yung libre mo, wag mo kalimutan. o_O

Pero tinigilan ko muna yung House M.D. at Scrubs kasi masyadong medical e di naman ako nagmemedicine. Sinubukan ko isaksak itong DVD ng Numb3rs pero alangjo, hindi nare-read ng DVD, ibabalik ko nga ito.

Kaya naman pinapanood ko ngayon ay Prince of Tennis. May DVD ako ng Ep 1-188 ata ito… hehe… nakakatuwa pala itong anime na ito. Hehe. Dati ko na kasi napapanood sa channel 11 kaya lang nagcocomputer ako nun kaya hindi ko napapanood lahat. Kaya inulit ko ulit at nasa episode 10 na ako. Ok naman.

Parang gusto ko na ring maglaro ng tennis!!! Hehe.

Mada, mada da ne!!!

Hehe. Nakakarelate si ate yunisee, kasi sya ang princess of tennis… hehe! Ate yunisee, yung bayad mo sa akin pag nagkita na lang tayo ha.. hehe.

Si sir armand hinihintay ko pa yung promotional fee… tsk tsk…O_o
_________________________

Ngayong term, marami akong iniwasang tao sa Mapúa. Una na sa listahan ang mga kagrupo ko sa design. Ewan ko ba, pero parang ayoko nakikita sila. Para kasing may mga sticker sila sa noo na ang nakasulat ay “TRABAHO AKO”. O kaya naman, “LAGOT KA, ABALA AKO”.

Kaya hanggang maaari ayaw ko silang nakakasalubong. May mga taong di maiiwasan dahil kaklase ko sila pero hanggang maaari talaga e wag ko sila makita. Gusto ko naman gumawa at tumulong kaya lang ewan ko ba. Pag may natatanggap akong text sa cellphone, napapahiling ako sa taas na sana hindi ko kagrupo ang nagtext. Minsan kasi masyado silang demanding… Oh well.

Minsan, iniiwasan ko rin ang mga ka-org ko sa MICRO. Kasi naiilang ako, palibhasa di na ako palatambay dun. Minsan nga hindi ko ginagamit yung isang hagdanan sa Mapúa kasi halos tumbok nun e yung table namin sa org. Minsan naglolong-cut pa ako para hindi lang ako mapadaan dun. Pero dahil nitong mga nakaraang araw ay daan na ako ng daan ng table, at tumatambay na rin… e unti unti na akong nagiging medyo komportable ulit.

May isa pa pala akong taong iniiwasan sa Mapúa. Babae naman. Ang nakakatawa dito e noong first year ako sa Mapúa e halos sya lagi ang kasama ko. Ang nagmulat sa akin sa mga blogs. Tsk tsk. Memorize din nya ang Sobakasu….kaya nyang kantahin ng buo kahit hindi sya marunong ng Hapon. Yung pinakapaboritong anime ang Samurai X. Yung main topic ng Merely Hopeful post ko nung December 2005.

Iniiwasan ko itong tao na ito dahil ilang na ilang sya sa akin. At ilang na ilang ako sa kanya. lalo na dahil inaway ko sila dati. Nagalit kasi ako e. At dahil bihira lang ako magalit, pag nagalit ako, ang lakas ko manira at makasakit… Yung tipong talagang lalayo sila pagkatapos. Hindi ko nga sila pinansin ng isang taon. At nung pinansin ko na e, wala na. sira na ang pagkakaibigan (kahit saan mo ilipat yung punto sa word na ito ay applicable). sayang lang, kasi parang best friend ko na sya nun. Ay naku, pinakamalapit na taong napalapit sa akin. Tsk tsk.

Lumala ang pagkadada ko dahil sa kanya. tsk tsk. Naalala ko yung isang quote na ang sabi e may mga taong dumadaan sa buhay natin na sa pag-alis ay tuluyang nababago tayo. Isa sya dun. Isa rin sya sa dahilan kung bakit pessimistic na akong tao, at napagtanto kong may mga masweswerte sa buhay...pero di nga lang nakukuha ng isang tao ang lahat ng gusto nya. At pag minalas sya, yung pinakagusto nya pa ang di nya makukuha.

At sabi nga ni sir ean at Melissa, minsan kapag iniiwasan mo ang isang tao e lalo mong makikita. Kaya nga yung mga kagrupo ko sa design e lagi kong nakikita. Tsk tsk. At nitong nakaraang linggo, lagi ko rin syang nakikita. Pag nakikita ko sya. Wapak. Naghahang ako ng ilang segundo. Syempre iba pa rin yung pagkaka-hang ko kay Jocelyn pero anyway…natitigilan pa rin ako.

Ewan ko kung nakikita nya ako. Pero hindi nya pinapahalata. Hindi nya ako pinapansin o napapansin. Alangan namang ako pa ang pumansin sa kanya. Sabi nya noon, magkaroon naman ako ng konting pride. Ayan, nasobrahan nga ata ako e. Hindi nya siguro naisip na sa kanya ko gagamitin. Hehe.

Siguro nga tama sya ng desisyon at yung kagrupo ko sa design ang pinili nya. Na kaibigan ko rin pala noon. Na inaway ko rin dahil backstabber nga yun e. Na kinampihan nya pa. Tsk tsk. Pero siguro nga, tama sya ng pinili… kasi hanggang ngayon, sila pa rin e. Natagalan nila ang isa’t isa. Haha. At nakapagrevert kaagad ako bago tuluyang maging baliw. Yun nga lang e wala rin nangyari dun.

Gusto ko sana, e kahit ano lang…friend na lang ba. Kahit wala na yung dati. Kahit kausap lang. Tsk tsk. Kaya lang laging ako pa ang dapat gumalaw. Wala rin naman nangyayari. Ilang pa rin siya. Ilang pa rin ako. Sana lang hindi ko na sya nakikita para hindi ko na naaalala…

Mada mada da ne.

Hehe. Yan. Si sir ean kasi ang drama ng post napadrama tuloy ako… hohohoho. Ang haba ng post na ito ah.

Ngapala kung di mo pa rin gets yung title. Pakigoogle na lang. tamad na akong mag-eplain e… hehe. 1600+ word na ito.

8 comments:

  1. napanood mo ba un CLICK? eheheh..

    ReplyDelete
  2. Oh my goodnesses! Pahiram ng DVD ng Prince of Tennis! Hahahah! KAno bili mo sir ninong?

    ReplyDelete
  3. HOY. Haha. XD Hi.

    Isa ka rin palang House-tard. Haha. (translation: adik sa House. >.>;)

    Gusto ko rin yung Scrubs. Pero di pa ko nakakabuo kahit isang season. =_=;

    *offers you chocolate* >_>; Bee happy ~

    Ugh. Sorry ang korni. Pamangkin ko kasi adik kay Jollibee lahat kami nahahawa. =_____=

    ReplyDelete
  4. ahahaha... uy!!! naligaw si tonet...hahaha... welcome! may naligaw sa LJ ko... n_n

    ReplyDelete
  5. sir! waw... ang habadubabababaaaaaaaa....!

    hahaha. xenxa na, medyo na evoke ko naman ang mga kadramahan natin... weeee... pero its ok... nasa wish list na kita...

    hmmmm... (naisip ko to habang nasa opis kanina at laglalaro ng transmitter ko) minsan mas mabuti talaga na harapin mo ang problema at hindi iiwasan. kung hindi pa rin, kalimutan mo nalang na may problema ka pala... hehe... ano ba ya? deep deep deep eep eeep eee ee e (sa sobrang lalim may echo)

    ReplyDelete
  6. Gusto kong powers yung mind control.

    Kahit labag sa free will.

    Saka imbes na Deathnote, Lovenote na lang. Parang Joe D' Mango.

    ReplyDelete
  7. galing mo mag sulat! hhehe.. ang haba!!! lol

    anyway.. astig ung mga pinili mong super powers ah!! hehe.

    ReplyDelete
  8. daming comments nito ah... mostest commented post..ahahaha

    ReplyDelete