Saturday, February 10, 2007

Random Rants and Ramblings

It's such a pleasure to write down splendid words - almost as though one were inventing them. ~Rupert Hart-Davis

Di ko maalala kung saan ko nakita ang pinagkuhanan ko ng title para sa post na ito... Pero maganda sya sa pandinig at dahil wala lang, nauna kasi yung post mismo bago yung title(nauna rin ang post body bago ang introduction na ito) at feeling ko kalat kalat ang thoughts sa post na ito...kaya ayan..para magmukhang coherent pa rin.. hehe.
_________________
Hmmm… sabi ko sa sarili ko i-uupdate ko ang blog na ito madalas… pero wow… mag-iisang buwan na ulit bago ako nagkaroon ng time… ibig sabihin, ngayon ko lang ulit na-tripan…

Haay… nakakapagod ang mga sumunod na linggo pagkatapos ng “foundation week” ng Mapúa. Ang alam ko hindi ako palamurang tao pero ******* talaga, nakarami ako nitong nakaraang tatlong linggo...

Napasisip din ako kung bakit ba mura ang tawag sa mura? At bakit naging masama ang pagmumura. Siguro kung mumurahin mo yung ibang tao, baka masama yun, pero pano kung sinabi mo “t*ng-i*a talaga”… wala ka namang minurang tao dun di ba? Expression lang naman yun di ba?

Gusto mo lang naman sabihin na “haay naku nakapasobrang ubod naman ng sama ng araw ko lalo na sa oras na ito bakit ganito nakakaasar na talaga naiinis na ako ah nagtitimpi lang ako sa lagay na ito”…e sa sobrang haba nun, kailangang gawan ng shortcut dahil asar ka na nga, sasayangin mo pa ang hininga mo, samantalang lahat ng yun ay “(insert mura word here)!!!” lang ang katumbas.

____________________________
Asar ako nitong mga nakaraang araw. Pikon. Urat. Buraot. Basta asar talaga. Haay, isang malaking pagkakamali ang pagsabay-sabayin ko ang 3 design ko last term…at napagtanto kong mali pa rin ang pagsabayin ang dalawa ngayong term. Lalo na kung topak pareho prof mo…

Kasabay pa ang issue ng skulpaper na kailangan mong gawin. Nagtataka lang ako dahil mas gusto ko pa gawin itong layout ng dyaryo kaysa yung design subject ko sa skul… pero walangjo talaga… nakatatlong layout ata ako ng sports section ngayong issue na ito… buti na lang tapos na.

Pinakamalaking abala sa term na ito ang aking design 2. sa tanang buhay ko, ngayon lang ata ako nag-wish na sana ibagsak na lang nya kami para matapos na ang paghihirap ko. Ganun kabwisit ang prof na ito… haay…

Ok, so may kagrupo nga akong taga-Mapúa Robotics… waw. Super galing. Aba, adik sa robots at electronics. Ang daming alam… yun nga lang komplikado mag-isip… May kagrupo rin kaming magaling sa programming, member naman ng SDCAT (Software Development C. A. Team, nakalimutan ko yung C at A) pero meron kaming rift three years ago.

At ako ang taong di nakakalimot.

Wala naman, ok lang naman. Naprepressure lang ako. Kasi magaling sya. At ako’y nagmumukhang mangmang. At minsan ok lang sa akin yun, dahil wala naman talaga akong pakialam. Pero dahil sya yun…aba, parang kailangan kong laging makipagkompetensya at patunayang magaling din ako. Pero di ko ata talaga gift ang Computer Engineering.

___________________________
Makalipas ang kalahating buwan ng pagpupuyat sa mga walang katuturang bagay ika nga ni inay…sa paggawa ng mga proyektong tila ba hindi mabuo-buo…sa wakas…medyo balik ulit tayo sa slightly dormant period…

Isa sa mga nakabawas sa tensyon ay ang katatapos ko lang na lay-out ng sports. Yup-yup. Sa palagay ko may mandatory one month ako ng contemplating sa kung ano ang gagawin next issue…so parang pahinga na rin. Ang hirap hirap hirap hirap gawin ng isyung ito…isa sa mga dahilan ay yung unang deadline na naset na medyo mahirap gawan ng news.

Supposedly dry dapat ang sports section. Sa pagkakaalala ko, last year e apat lang ang articles namin para sa feb issue. Tapos pre-emptive pa yung isa. Kaya madami akong inassign na news, anticipating na dahil konti lang ang info e maikli lang ang mga balita. Wala pa akong headline. Dun nagsimula ang mga problema.

Nagpostpone ng mga events sa NCAA. Yung mga dapat gaganapin ng 2nd week ng January, naging February. Tapos yung mga nagsimula naman agad…walang ka-info info. Ewan ko ba kung bakit yung lawn tennis natin, ni hindi alam ng athletics kung nanalo… alangan namang ilagay namin sa news na, “Lawn Tennis scored some wins and some losses in the opening..blah blah blah” di ba? Masyadong malabo. Argh.

Tapos yung ipapalabas namin na isa pang feature, ipinahold muna… ipapaayos muna nila daw yung facilities. Tsk tsk. Kaya ginawa kong table tennis compendium ang buong page 11. kasi sabi ni sir armand, lilipat ang sports column ko sa page 3.

Tapos biglang wala pala akong space sa page 3. so nilagay ko yung column ko sa page 11. Naputol yung features ng table tennis…kasi hindi na kasya. Nagbawas pa ako ng mga words. May headline na…yung exhibiton game nung foundation. Hindi sya ganun ka-headline material, pero I don’t have the luxury to choose.

Tapos sabi ni sir armand e kasya na ako sa page 3, kasi maikli lang yung columns nina Jennibeth at sir ean. Kaya ayun, lipat na naman ako. Tapos nailatag ko uli yung mga article na wala dapat…pinagkasya ko ulit sila. Sa news, problema ko yung mga kulang na info… yung sa interschool nagkaproblema din dahil naging outdated yung news agad nung nagkaroon ng sunod sunod na laban. Tapos yung table tennis na move ulit. Tapos yung tungkol sa bagong coach ng Mapúa, namove din ng January 27.

Pagdating ng Jan 27, namove naman ng Feb. 3. E ang press run supposedly ay Feb 2. Ibig sabihin dapat Feb. 2 nasa printing press na. Ang problema nun e di pa ako tapos ng layout. Dahil estudyante din ako… meron pa akong CURRICULAR activities. At yung 2 lecheng design ko, napakademanding sa oras. Nasabi ko bang leche sila?

Kaya naman naging blessing na rin na hindi natuloy nung Feb 2 yung press run. Ang problema natuloy naman yung coaches article…

Pagdating ng Feb 3, habang naglalay-out aba, *kring kring… tawag sa telepono. Sinagot ni sir ean. Pinapupunta ang kahit sino mula sa staff na pumunta ng President’s Office dahil may event daw. E walang staff. Pumunta kami ni ean. Yun pala yung coaches na. Ayun. So ininterview pa namin yung mga candidates. Tapos gawin daw headline. Asa naman sila.

Sabi ko ifeafeaturized ko na lang. Kasi di sya pwedeng i-headline kung gusto nila ilagay yung mga interview, strengths and weaknesses, career…feature yun di ba?

So palit latag na naman ako ng page 11. yung tungkol sa table tennis varsity na lang natira. Tapos ginawan ko ng space. Pagdating ng lunes nagbigay pa si sir beni ng karagdagang info, na pang-feature din talaga. So binigay ko yung article kay dothz at nash. Nung nagawa na nila yung article at naedit na aba, *kring kring ulit. “TNB punta President Office Bago Coach Pirma Kontrata RAPIDO!!!!”

Ayun pagbalik nung mga pumunta. May headline na ako. May bagong coach na ang varsity team. Headline material. So major revamp ng layout. Na naman.

Pero sa wakas. Tapos na ang layout. Habang tinatype ko ito malamang nililimbag na ang dyaryo sa press.

May sikreto ngapala dun sa column ko. Pero talaga naman, may nagkamali ng pindot at voila!!! Lumitaw ang mga pangalan. Oh well.

Haay. Medyo kalat kalat ang mga pinagdadadada ko dito… Ewan ko ba… hmm…

No comments:

Post a Comment