Gumawa na ako ng ilang draft para sa post na ito… pero wala… hindi ako natutuwa… kung di ako natutuwa, matuwa pa kaya kayo?
Parang ayoko magpost dito kung di lang din ako matutuwa.
Siguro natutuyuan lang ako… o kaya kapag oras na magpost…wala na ako sa mood.
Kapag nasa mood naman ako…wala akong time. Dahil sa totoo lang, nakakaubos din ng oras ang pagpapanggap…
Ang susi siguro ay nakasalaylay sa hindi pagmamadali. Hindi naman kayo mamamatay kung wala kayong post na makita dito. Siguro malulungkot kayo… Nyehehehe.. More likely, mananabik kayo… hehe…
Pero teka… habang type ako ng type..baka may lumabas at may matype akong maganda… baka humaba ang post na ito… hindi rin natin masasabi… inuunahan ko lang kayo na wag kako kayong pakakaasa masyado…
Ngapala, may idinagdag pa ako sa aking link list… dyan oh…yung iba pang may topak… hmmm… after 1 year or more, nalaman ko na rin ang blog ni ate pia… at yun, nakalink na sya dito. Sya ang ultimate commander ni Sir Ray. Ang supreme umpire ni Armchair Quarterback. Kumbaga sa C.A.T. sya ang commandant, kumbaga sa
Yung isa ko pang dinagdag ay si sir Enrique Villasis. Kung hindi nyo pa siya kilala, sya ay isang graduate ng Mapúa. At isa ring manunulat. Nanalo sya ng ikalawang gantimpala nung isang taon sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa kwentong De Lata… I-google nyo lang ang pangalan nya para malamang ako’y nagsasabi ng totoo… hehe…
Palagay ko magdadagdag pa ako ng ibang link… pero hmmm… baka next week na… gusto ko kasi kapag nakalink dito medyo nabasa ko na yung blog nila… hehe… wala lang, trip lang… angal ka?
Waw. Mahaba na ah… Hinihintay kong mag-OL siya ngayon. Hehe… wala lang… baka kako mag-online yun tao e… pero palagay ko hindi sya magpapakita ngayon… kasi madalas bago magnine yun mag-online e… saka 30 mins lang lagi. Siguro busy na naman. Haha. Nakausap ko ngapala ulit sya nung 15. Wala na naman masyadong napag-usapan kasi wala na akong masabi e. E wala rin sya gaanong masabi. Damnit.
No comments:
Post a Comment