Wednesday, April 4, 2007

The Blogger is Out

Ever stop to think, and forget to start again?
~Anonymous

No vacation goes unpunished.
~Karl Hakkarainen

Sakit ng Ulo.

Naubos ko ang nakaraang linggo sa pag-aayos nitong aking super sa ubod ng gandang blog. Haha. Nabaliw na ako sa html at pati na rin sa photoshop. Kulang na lang pati mga words na itatype ko sa post na ito ay i-enclose ko sa tags o lagyan ko na rin ng mga hyperlink. Tinatamaan na ako ng katamaran. Ok na siguro yan. Aayusin ko na lang yung links tapos ok na. Saka na lang ulit. Mga after two years ulit. Hehe. Naubos rin ang ilan sa mga nakaraang araw ko sa pagwa-ym. Tsk tsk.

Natapos na ang Philippine Blog Awards nung March 31. Hindi man lang ako nominated. Ok lang. Ngayon ko lang rin naman nalaman na may Philippines Blog Awards e. Ahahaha. Sayang di ako nominated, nanalo sana ako. Ahahaha ulit. Sabagay, nabanggit rin ata ni Ronibats yan noon. Di rin ata sya nanalo kasi.

Ok lang. Aaanhin ko naman yung newly brandnew na magandang iPod at bagong celphone na may camera at kung anoano pang features na pwedeng sirain. Ok lang. Ok nga lang sabi e. Haha. Di ako naiinggit. Di talaga. Hehe. Congrats sa mga nanalo. Sana balang araw maligaw sila dito at sabihing “sayang, dapat nominated man lang ang blog na ito sa Philippine Blog Awards.” Hahaha.

Gusto ko sana pagkakitaan ang blog na ito, ngunit ayaw nila. Ayaw ni google ayaw rin ni blogtoprofit. Tagalog raw kasi. O kaya nasa blogspot. Unsupported Language. Linsyak na. Who cares? Di bale na lang. Di magtatagal, sila mismo ang magmamakaawa na ilagay ko sila dito sa blog ko ngunit di ko sila papansinin. Oo, bukas luluhod ang mga tala. At kahit lumuha sila ng dugo, di ko sila pagbibigyan! Bwahaha.

Kagaya ng ginawa nung mga publishers kay mareng J.K at kay Harry Potter. Nireject nila yung kwento ni Harry Potter di ba? Siguro ngayon kung malulunok lang nila yung mga rejection letters nila ng isang libong beses, ginawa na nila, balikan lang sila ni J.K. Tsk tsk.

Siguro kung hindi dahil sa Bloomsbury, wala tayong aabangang Book 7. At wala ring gugustuhing kalimutan na mga screen adaptations. n_n
______________________________

Simula nung ako ay bata pa, taon taon ay pumupunta kami sa probinsya kapag Semana Santa. Para sa mga stalker/s ko (kung meron man... O_o), mula ako sa bayan ni Mayor Vi. Sa liblib na pook na isang sakay ng tricycle mula sa Robinsons Lipa. May simbahan sa kantong lilikuan upang tunguin ang aming baryo. Doon nyo ako simulang tiktikan dahil mawawala ako sa Internet at sa tinatawag nilang Blogosphere ng ilang araw.

Bihira lang ang dyip sa lugar namin dun. Lahat private pa. Mas marami pa nga ang baka at kambing sa aming baryo kaysa sa bilang ng mga dyip sa buong Lipa! “Bukid” ang tawag nila sa lugar namin pero wala pa akong nakikitang bukid sa totoo lang. Gubat, oo meron. Andami- daming puno. Mga puno ng niyog, papaya, mangga, lansones, niyog, niyog, niyog atsaka niyog. May puno ng niyog pa nga e.

Ang mga bahay dun, karamihan hanggang ngayon e walang kisame. Ewan ko kung bakit. Sa mga bahay ng tito at tita ko rin wala pa ring kisame mga bahay nila, parang disyerto ng Arabasta o kaya planetang Mercury, sobrang mainit sa araw, sobrang malamig naman sa gabi.

Pero may nakatayong “mini-resort” sa amin. Sabi nila, kapatid raw ni noli de castro ang may-ari. Di ko pa natitiyak kung totoo pero atin-atin na lang muna yun, wag mo muna sabihin kay Ka Noli.

Hanggang ngayon dalawang channel ng tv pa lang ang malinaw dun. Kapuso at Kapamilya. Minsan kapag malakas ang hangin, lumilitaw ang Iba Tayo at Kabarkada Mo. Hehe. Konti lang din ang FM stations, di na masagap yung iba. Sa umaga ata naririnig si Kukurukuku at Kadyot. Sa gabi, wala na sila. Tulog? Wala pa ring linya ng telepono.

Magtaka ka kung magkaroon ng internet dun. Hehe.

Dati, may batis doon. Malinaw. Malamig. Parang yung pinuntahan naming batis sa Pagudpud nung isang taon. Namimiss ko na ang Pagudpud!!!

Nung nagkaroon ako ng diwa siguro mga tatlong beses ako nakapunta dun sa batis malapit sa amin. Nandun pa rin ang batis nay un hanggang ngayon. Pero parang natuluan ng gray watercolor...na drum-drum! Tsk tsk. Sayang. (insert any Nature song here)

Pero gusto ko sa Batangas. Kasi tahimik. At mabagal ang oras. Mas mabagal ata ang oras kung konti lang ang distractions. Hehe. Kasundo ko ang mga pinsan ko dun di gaya sa cavite, medyo naiilang kami ng kapatid ko. May bilyaran na rin dun kaya di naman ako mamamatay sa kabagutan. At limang piso lang kada laro. Mura lang.

Matutulog siguro ako ng maaga sa susunod na mga araw. Pano ba naman, alien ang taong gising pa ng 1030pm dun sa baryo. At alas sais pa lang gising na sila. Kahit yung mga chikiting. Pinakaalarm clock na nila ang tilaok ng manok. Di katulad ko, tanghalian na ang wake-up call. Hehe.

Yun. Kailangan matulog na at yayaon na kami maya-maya.

Miss me na lang. Haha.

4 comments:

  1. maniwala ka.
    magsisisi pba
    dahil hindi ka nila kinuha.
    wahaha.

    ReplyDelete
  2. Wag ka nang mag-blog to profit. Sikat ka na naman eh.

    Ahihiih. Yun lang masasabi ko.

    ReplyDelete
  3. medyo nkakabaliw nga ang html chuchu ekek na yan! tsk! kaya tinatamad akong magedit ng profile ngaun eh.. haha.. kelangan dedicated talga! :P

    hinahanap ko nga un tagalog sa dictionary ng browser ko.. baka kako naligaw.. eheh.. kaso wala.. hayyyss.. tsk.

    yay! buti ka pa kuya!! gusto ko din umuwi ng batangas!! huhuhu.. eheh.. d pa ako nkakarating sa magubat na parte ng lipa.. hahaha..

    have fun!! may mall nmn dyan.. haha.. kaso ang unti ng shop sa loob. eheh. :P

    tc! miss u na!!!

    ReplyDelete
  4. k.. fine.. magcocomment na ako.. hehehe..
    anyway, happy birthday!

    ReplyDelete