"Sometimes the smallest step in the right direction ends up being the biggest step of your life. Tip toe if you must, but take the step."
— Anonymous
Argh. Lumala na. Dammit, nalaglag na ako. Di ko dapat hinayaan umabot sa ganito. Pano na lang kung hindi pwede. Pano kung ayaw pala. Pano kung wala na naman mangyayari...
Ang bigat ng pressure pag Valentines. Madaming expectation sa ere. Maraming umaasa, maraming napapaasa. Di ko na maalala yung mga nakaraan na valentines. Puro normal na araw naman yun kasi. Mas aware ka lang na single ka. Ang hirap ng valentines' para sa mga bitter, mga sawi at mga S.A.W.I (single at walang iniintindi). Pero baka pwede ko mabago yun ngayong taon.
Nagbid ako. Oo. Sumali ako. Takte. Katagal kong nag-isip na magbid. Tapos may tumalo sa bid ko kanina lang. Nainis ako ah. Shit, may makikigulo pa ata, yun ang naisip ko.
Dapat maaya ko na ulit magkape mamaya. Dapat masabi ko na.
Tama ata yung sabi nung isa kong tinanong. Habang lalo kong pinapatagal, lalo ko lang pinalalala. Lalo ko lang ibinabaon ang sarili ko. Mas mahirap magmove on pag nagkataon.
Pero di ko alam ang sasabihin ko. Di ko matipon ang mga naiisip ko. Naguguluhan ako. Iba-iba ang sagot ng mga tinatanong ko sa kung ano ang sasabihin. Bakit ba nagiging magulo. Di ba pwedeng deretso na lang.
Sabihin ko gusto ko sya. Matagal na nagstart pero di ko lang inisip masyado. Pinigilan ko. Madaming dahilan, madaming excuse, pero sa totoo lang... takot lang ako. Takot na maulit yung mga nangyari dati. Takot na sirain ko na naman yung chance ko. Kasi dati parang ok na e... pero di ko ata maiwasan magself-sabotage. Nawawala lang lahat. Takot ako na madisappoint ko sya. Na baka kulang ako. Na pag nakita nya ako sa loob e wala pala akong laman. O di ko maabot ang gusto nya. E people pleaser ata ako talaga. Takot na ma-reject na naman at balikan ang sarili ko at tanungin kung ano ba ang kulang. Parang mas mabuting wag na lang kaysa pagdaanan ulit yun...
Pero ewan ko ba, bakit ganun... biglang ayan na naman. Di naman nawawala. Lalo lang lumaki. Di ata talaga napipigilan yung mga ganitong bagay. Di naitatago. Di nawawala yung kagustuhan mo na sabihin. Kung di sa kanya, sa iba. Alam ko di ko naman sya ganun kakilala. Pero sa pagkakakilala ko sa kanya so far, gusto ko sya. Gusto ko pa sya makilala nang mas mabuti. Gusto ko din sana makilala nya ako mas mabuti. Malay natin di ba? Baka naman pwede pala. Bakit di naman namin subukan.

No comments:
Post a Comment