Friday, February 14, 2014

A madness most discreet

"Fire broke out in my heart, the flame spread, and one glance led to a thousand regrets." 
-1001 nights


Ack. Magkakasakit ata ako. Sinusubukan ko magrelax. Breathe in, breathe out. Di gumagana. Parang nastuck pa rin sa lalamunan ko yung puso ko. Gustong tumalon. Nakailang lunok na ako ah. Nandun pa rin. Di ko naman matanggal nang matapos na. Kung madudukot ko lang para makahinga na ako.

Gusto ko na malaman ang ending ng araw na to.

Inaantok ako. Pero di ako makatulog. Nagbasketball pa ako kanina nyan. Pagod ako. Pero walang tulong para mawalan ako ng malay, siguro mga isang oras lang na idlip, paputol putol pa ang naging tulog ko.

Sabog-sabog pa rin ang plano. Meron pero habang iniisip ko parang lalong sablay. Automatic thoughts. Na papalpak lahat. Anak ng baka. Bahala na. Teen spirit, walangjo. Parang ang tanda ko na para magkaganito.'

Isipin ko na lang muna yung kailangan gawin ngayong hapon. Saka na yung mga iba. Isa-isang problema lang nang di tayo manghina at mawala.

Isang dekada na rin pala nung February disaster. Maling mali ako nun alam ko. Napigilan ko sana yun siguro kung di lang ako mabait. Ayun tuloy nawala pa.

Kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na wala naman dapat ika-kaba. Wala pa naman di ba? Simula pa lang tayo e. Kung ako lang masusunod, di ko to gagawin ngayong araw.

Pero baka rin naman kung ako talaga ang nasunod, e hindi ko na to nagawa kahit kailan.

Normal na biyernes lang naman ngayon, di ba? Ni hindi nga holiday kahit na maraming nakaleave. Puro puso lang naman sa mga cube. Puro pula. Puro bulaklak. Puro tsokolate. Nagkalat sa facebook ang mga pares ng mga pinalad na pinagdiriwang ang araw na to. Pinagmamalaki ang mga bulaklak at tsokolate na natanggap nila, mga lunch nila kung san-san. Tiyak mamayang gabi mas madami pa yan.

Dumaan din kaya sila sa ganito?

Meron din naman mga rebelde, nagboboycott sa araw na to, mga bitter, mga sourgraping at meron din mga tahimik lang, mga taong tinanggap na lang ang kanilang sitwasyon. O kaya di na lang nagbukas ng facebook.

San kaya ako mapupunta?

No comments:

Post a Comment