“You are, at once, both the quiet and the confusion of my heart.”
― Franz Kafka
Hmmm. Saka ko na ipopost yung mga pangyayari nung valentines. Tutal marami naman na ako nasabihan nun kaya medyo wala na yung drive para ikwento sa ngayon. Basta ang short version e: LOL.
Eto mas mahaba nang konti na version: LOLOLOL.
Pero seryoso. Lahat ng plano di natuloy. Daming contingency plans (weh), daming adjustments, kumbaga sa pba, kung ako ang coach ng ginebra nung game 7 nila baka nanalo pa sila kontra sanmig sa pagkaplano ko. Pero natuloy naman yung pagbigay ko ng bulaklak.
Palakpak naman kayo, first time ko yun ah. Di biro yun lalo na kung personal mo ibibigay, tingin ko. Baka nga kung di siguro ako bumili nung umaga, sa dami ng palpak na nangyari malamang di na ako bibili nung gabi. Nabili ko na nga sa lagay na yun, muntik pang di ko na ituloy. Ididisplay ko na lang sana sa cube ko yung simbolo ng pinakanakakatawang valentines ko so far.
Pero nabigay ko yung bulaklak. Nagulat sya ata. Pero natuwa din naman. Siguro. Ewan ko mukhang masaya naman sya nung nakuha nya. Wala naman atang ibang nagbigay sa kanya. Dami nga nilang escalations pero at least may bulaklak naman sya di ba?
Nagtataka lang ako. Kung ikaw lang ang taong binigyan ko ng bulaklak sa araw ng mga puso. Kalahating dosenang rosas na may mga abubot. At yung card na kasama may quote pa ni shakespeare (handwritten at umabot ng 5 lines). At sinabi kong nung umaga pa lang binili ko na yung bulaklak. At hindi naman ako kilala sa pagbibigay ng mga ganun kahit kelan. At kung niyaya kita magkape ng alas tres ng hapon sa valentines kahit na US shift ako. Out of nowhere dahil last year pa tayo nagkape. At sinabi kong nagbid ako sa auction mo ng 500. At before nun ako ang pinakaunang nagbid. At sinabi kong nagbalak din akong talunin yung 2500 na bid (di nga lang gumana), para lang makasama ka dun sa dinner na pakulo nila at dahil ayaw ko na iba pa ang makasama mo dun. At binalak ko antayin ang last minute nung bid para wala na makahirit. At gusto ko sana tayong dalawa lang sana nung nagkape tayo. At sana nakapagexplain ako kung tayo lang.
Hindi ka pa rin ba mag-aassume na meron akong gusto sayo? Wala pa rin ba akong binigay na pahiwatig o clue man lang na gusto ko tayo magdate?
Alam ko di ko nasabi ng diretso. Pero kung ahas ang pagtingin ko sayo e parang natuklaw ka na, wala ka pa rin clue. Kelangan pa ba sabihin nung ahas, psst... nandito ako, tutuklawin na kita.
Pwede naman ngang sobrang playing safe lang. Pero wala lang, sobra lang talaga kung ganun.
Di naman ako nagagalit o ano. Naiintindihan ko pa rin kahit pano. Nagtataka lang ako talaga. Kasi tinext ko sya at inaya ko lumabas at manood ng sine. Provided na love story yung movie at sino bang lalaki na walang motibo ang mag-aaya na love story ang panoorin nyong dalawa kung pwede naman yung LEGO movie na lang. Comedy na, tungkol sa laruan pa yung pelikula na yun -- win-win sa kin kumbaga. Tapos ang reply e ayaw nya dahil parang nagdate na kami nun kung kami lang dalawa.
Goodness gracious.
At nung nireplyan kong parang date nga. At kung naiilang sya gawin naming tanghali. Tapos ibang pelikula... yung LEGO movie na lang panoorin.
Radio silence. No reply. Naka-line naman sya. At online sa viber. Posible ba yun na di nya nareceive ang text ko.
Itetext ko sana kanina ulit. Pero wala akong maisip na text na mukhang di ako makulit. Pero masama ba na magexpect ako na replyan nya ako ng kahit ano dun sa text na yun. Halos 48 hours na ang nakalipas.
Aw.
Lagi ata ako natytyempo sa mga ganitong pagkakataon. Ayaw nya ba o pinagiisipan pa.
Di ko pa rin tinetext.

No comments:
Post a Comment