Thursday, February 20, 2014

Stasis

“We are afraid to care too much, for fear that the other person does not care at all.” 
— Eleanor Roosevelt 

So things have calmed down a bit. Well, a lot actually, especially when compared to the turmoil of the past few days. A certain calm has seemed to replace all the tossing and turning we've had weeks, even months, before. It's a surrendered calm, I think, an apathetic peace of someone who does not know how to proceed.

We are at a standstill.

I haven't talked to her. No chat, no text, nothing whatsoever. My question last Monday was still the last word in the air. In this case, being in different floors have been a blessing. I could only imagine the awkwardness if we're on the same floor with my previous cubicle being near the pantry and the restroom. She would have to go all the way to the other wing if she did not want me to see her.

I am wishing our paths do not cross until we've had a talk.

I know we would need to talk eventually. If not for her, then for me. Get some closure on this thing, if there's really nothing we can do. But until then, I do not want to see her, especially with her group of friends. Not that I have anything against them, but I would rather that I could talk to her personally first before I interact with them.

Maybe next week, I'll ask for the talk.

Well, it's not as dreadful as we feared, this rejection... or this current semblance of rejection (since we haven't really gotten a straight NO yet.) Maybe it's me distancing myself from pain, but really, I feel numb actually. Like I was expecting it to happen. I didn't expect the circumstances to be as comedic or confusing as they were, but somehow, maybe I braced myself for the pain that would come if it didn't work.

But like what I said before, I did have to try. If only just to get it over with.

And there seems to be a peace that comes from doing what you want. For finally doing what you have set out to do. The nagging thought that is constantly blaming you for procrastinating, or that itchy thought you can't get rid of akin to when you think you forgot something... the said thoughts are suddenly gone. I guess there's a peace that comes from giving it a try, knowing that this time at least, it wouldn't be my fault for not trying.

I still wish it worked. Or somehow, that it will. But in my numb state I can't really feel. Until I get my answer from her personally I don't think I could move on. And already, there's a part of me that is wishing for her to say NO, just so I can claim this pain as my own.

Tuesday, February 18, 2014

The Cake is a Lie

“It’s not the pain I’m afraid of; I know about the pain. What I’m afraid of is the end of this small, sweet dream.” — Stephen King

Di ko alam. Di ko maintindihan.

Gusto ko sya isipan ng excuse kahit wala naman syang binibigay. Pero nanggaling na tayo dun di ba? Alam mo naman kung saan napunta ang mga tagpo na yun dati. Di maganda ang mga pangyayari. Baka naman dapat wag na lang. Mukhang ayaw e.

Wag ka nang makulit kasi.

Kakausapin ko sana kanina. Pagdating na pagdating sa opisina, ilalapag ko lang ang gamit ko, bubuksan ang laptop at iloload ang email, tapos ipiping ko sya sa lync. Na mag-usap kami. Kahit saan. Magkape o magtsokolate, magtakeout o maglakad. Kahit ano. Gusto ko lang magkausap kami.

Aayain ko mag-date. Hail Mary play ika nga ni Ikatlo. Yes or No lang. Dahil yung aya ko sa kanya nung Sabado, hindi nya sinagot. Nakita nya pero hindi nya pinansin. At lumipas ang mahigit sa 60 oras pero wala syang nabanggit. Baka nga kung tinext ko ang mga elemento, mas naramdaman ko sila.

Iniisip nya bang kung hindi nya papansinin, mawawala na lang basta? Na kung anuman ang meron, maglalaho na lang bigla?

Iibahin ko ang lugar. Baka naman ayaw na nya sa starbucks. E mukhang gusto naman ng tsokolate. Bakit di na lang sa tsoko.nut. Pagdating ko ng RCBC, umakyat ako ng third floor, tsinek ko kung bukas ba, kung maraming tao dun. Para kung ok naman, dun na lang.

Pagdating ko sa kanto ng 711, wah... andun sila. Buong pwersa ng mga kasama nya. Nasa tapat ng tsoko.nut. Nakita nya ata ako agad. Nagkatinginan kami. Namalik mata ba ako o umiwas sya ng tingin. Umiwas din ata ako ng tingin. Pero di naman ako makaatras dahil lumampas na ako ng 711 nung makita ko sila. Wala akong maidahilan kung bakit ako nandun. Nakita nila ako. San daw ako pupunta. Sarado na lahat ng tindahan sa hilera nun. Ah, kako, may bibilhin lang sa pan de manila...sabi kong nagmamadali makalayo. Nakita ko may bag na sya. Uuwi na, 930 pa lang... dati naman ginagabi sya kung di inuumaga.

Pagdating ko sa opisina, inisip ko kung paano sya kakausapin. Baka naman bukas, umuwi na naman ng maaga, wala akong madatnan kundi offline status nya. Ilang isip pa at labag sa ilang payo, tinext ko sya ulit. Sa viber para kita ko kung nabasa nya. Sinabi kong nagulat ako nung nakita ko sila. Kakausapin ko sana sya pero umuwi sya ng maaga. Baka naman bukas pwede kami mag-usap. Aagahan ko ang pasok para di sya makatakas (pabiro).

Para daw akong nakakita ng monster nung nakita ko sila. Tungkol san daw ba ang pag-uusapan namin.

Kako kasi di na sya nagreply nung nagtext ako nung sabado. Baka di pala sya mahilig sa LEGO. Tungkol dun sana.

Nagreply sya. Naku, pasensya na pero I don't go out on a date kasi. Sorry.

Ah sabi ko ako din di pa nakipagdate. Pero tanong ko lang bakit naman?

Di na sya ulit sumagot. Nakita ko na nabasa nya. Pero pinili nya na wag ako sagutin.

Di ko na alam. Parang ayaw ko na ng mga ganung laro. May sarili din naman akong bagaheng dala.

Sunday, February 16, 2014

Confundus

“You are, at once, both the quiet and the confusion of my heart.” 
― Franz Kafka

Hmmm. Saka ko na ipopost yung mga pangyayari nung valentines. Tutal marami naman na ako nasabihan nun kaya medyo wala na yung drive para ikwento sa ngayon. Basta ang short version e: LOL.

Eto mas mahaba nang konti na version: LOLOLOL.

Pero seryoso. Lahat ng plano di natuloy. Daming contingency plans (weh), daming adjustments, kumbaga sa pba, kung ako ang coach ng ginebra nung game 7 nila baka nanalo pa sila kontra sanmig sa pagkaplano ko. Pero natuloy naman yung pagbigay ko ng bulaklak.

Palakpak naman kayo, first time ko yun ah. Di biro yun lalo na kung personal mo ibibigay, tingin ko. Baka nga kung di siguro ako bumili nung umaga, sa dami ng palpak na nangyari malamang di na ako bibili nung gabi. Nabili ko na nga sa lagay na yun, muntik pang di ko na ituloy. Ididisplay ko na lang sana sa cube ko yung simbolo ng pinakanakakatawang valentines ko so far.

Pero nabigay ko yung bulaklak. Nagulat sya ata. Pero natuwa din naman. Siguro. Ewan ko mukhang masaya naman sya nung nakuha nya. Wala naman atang ibang nagbigay sa kanya. Dami nga nilang escalations pero at least may bulaklak naman sya di ba?

Nagtataka lang ako. Kung ikaw lang ang taong binigyan ko ng bulaklak sa araw ng mga puso. Kalahating dosenang rosas na may mga abubot. At yung card na kasama may quote pa ni shakespeare (handwritten at umabot ng 5 lines). At sinabi kong nung umaga pa lang binili ko na yung bulaklak. At hindi naman ako kilala sa pagbibigay ng mga ganun kahit kelan. At kung niyaya kita magkape ng alas tres ng hapon sa valentines kahit na US shift ako. Out of nowhere dahil last year pa tayo nagkape. At sinabi kong nagbid ako sa auction mo ng 500. At before nun ako ang pinakaunang nagbid. At sinabi kong nagbalak din akong talunin yung 2500 na bid (di nga lang gumana), para lang makasama ka dun sa dinner na pakulo nila at dahil ayaw ko na iba pa ang makasama mo dun. At binalak ko antayin ang last minute nung bid para wala na makahirit. At gusto ko sana tayong dalawa lang sana nung nagkape tayo. At sana nakapagexplain ako kung tayo lang.

Hindi ka pa rin ba mag-aassume na meron akong gusto sayo? Wala pa rin ba akong binigay na pahiwatig o clue man lang na gusto ko tayo magdate?

Alam ko di ko nasabi ng diretso. Pero kung ahas ang pagtingin ko sayo e parang natuklaw ka na, wala ka pa rin clue. Kelangan pa ba sabihin nung ahas, psst... nandito ako, tutuklawin na kita.

Pwede naman ngang sobrang playing safe lang. Pero wala lang, sobra lang talaga kung ganun.

Di naman ako nagagalit o ano. Naiintindihan ko pa rin kahit pano. Nagtataka lang ako talaga. Kasi tinext ko sya at inaya ko lumabas at manood ng sine. Provided na love story yung movie at sino bang lalaki na walang motibo ang mag-aaya na love story ang panoorin nyong dalawa kung pwede naman yung LEGO movie na lang. Comedy na, tungkol sa laruan pa yung pelikula na yun -- win-win sa kin kumbaga. Tapos ang reply e ayaw nya dahil parang nagdate na kami nun kung kami lang dalawa.

Goodness gracious.

At nung nireplyan kong parang date nga. At kung naiilang sya gawin naming tanghali. Tapos ibang pelikula... yung LEGO movie na lang panoorin.

Radio silence. No reply. Naka-line naman sya. At online sa viber. Posible ba yun na di nya nareceive ang text ko.

Itetext ko sana kanina ulit. Pero wala akong maisip na text na mukhang di ako makulit. Pero masama ba na magexpect ako na replyan nya ako ng kahit ano dun sa text na yun. Halos 48 hours na ang nakalipas.

Aw.

Lagi ata ako natytyempo sa mga ganitong pagkakataon. Ayaw nya ba o pinagiisipan pa.

Di ko pa rin tinetext.

Saturday, February 15, 2014

My Funny Valentine

"The best laid plans of mice and men, often go awry"
-Robert Burns



Friday, February 14, 2014

A madness most discreet

"Fire broke out in my heart, the flame spread, and one glance led to a thousand regrets." 
-1001 nights


Ack. Magkakasakit ata ako. Sinusubukan ko magrelax. Breathe in, breathe out. Di gumagana. Parang nastuck pa rin sa lalamunan ko yung puso ko. Gustong tumalon. Nakailang lunok na ako ah. Nandun pa rin. Di ko naman matanggal nang matapos na. Kung madudukot ko lang para makahinga na ako.

Gusto ko na malaman ang ending ng araw na to.

Inaantok ako. Pero di ako makatulog. Nagbasketball pa ako kanina nyan. Pagod ako. Pero walang tulong para mawalan ako ng malay, siguro mga isang oras lang na idlip, paputol putol pa ang naging tulog ko.

Sabog-sabog pa rin ang plano. Meron pero habang iniisip ko parang lalong sablay. Automatic thoughts. Na papalpak lahat. Anak ng baka. Bahala na. Teen spirit, walangjo. Parang ang tanda ko na para magkaganito.'

Isipin ko na lang muna yung kailangan gawin ngayong hapon. Saka na yung mga iba. Isa-isang problema lang nang di tayo manghina at mawala.

Isang dekada na rin pala nung February disaster. Maling mali ako nun alam ko. Napigilan ko sana yun siguro kung di lang ako mabait. Ayun tuloy nawala pa.

Kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na wala naman dapat ika-kaba. Wala pa naman di ba? Simula pa lang tayo e. Kung ako lang masusunod, di ko to gagawin ngayong araw.

Pero baka rin naman kung ako talaga ang nasunod, e hindi ko na to nagawa kahit kailan.

Normal na biyernes lang naman ngayon, di ba? Ni hindi nga holiday kahit na maraming nakaleave. Puro puso lang naman sa mga cube. Puro pula. Puro bulaklak. Puro tsokolate. Nagkalat sa facebook ang mga pares ng mga pinalad na pinagdiriwang ang araw na to. Pinagmamalaki ang mga bulaklak at tsokolate na natanggap nila, mga lunch nila kung san-san. Tiyak mamayang gabi mas madami pa yan.

Dumaan din kaya sila sa ganito?

Meron din naman mga rebelde, nagboboycott sa araw na to, mga bitter, mga sourgraping at meron din mga tahimik lang, mga taong tinanggap na lang ang kanilang sitwasyon. O kaya di na lang nagbukas ng facebook.

San kaya ako mapupunta?

Deja Vu

“I am coming to terms with the fact that loving someone requires a leap of faith, and that a soft landing is never guaranteed.” 
― Sarah Dessen

@#(*%!@#)!

Should have done it earlier. Should have done it when we planned it. Argh. Had we done that, we would have had a clearer picture. But there's no use regretting the moments that passed. What can't be cured, must be endured.

But man, what the hell. The bid is now at 2500. I could top that, but I don't think I will. The amount is ridiculous, and donating it to charity somewhat pretentious already. If it was not done by committee and was just by a single person... I don't know what to say. Kudos, probably.. (but I'll be saying different things in my mind...something akin to desperation and ego maybe)
I think my breath caught when I found out the amount. It was a 500% increase. It was way beyond what I planned I could spend for this. Maybe if I did not beat the bid too early, I could have managed to keep the amount low. At this rate, I wouldn't snipe-bid it for the world. Who can it be? I can't help but get the feeling again, that I'm up against someone with a lot of money to burn. It didn't end well before...

I knew this could happen the moment I saw her as a participant to this. And now that it has, things are now more difficult and complicated. As if it wasn't already.

But the day is not yet done...

Thursday, February 13, 2014

The Pre-Valentine

“To love and win is the best thing. To love and lose is the next best.” 
– William Makepeace Thackeray

Isang araw na lang, Valentine's na. Sa buong buhay ko so far, ito na ata ang pinakaubod ng stressful na valentines sa lahat. Ito na. Walangjo. Kasalanan ko din naman. Dapat tapos na nung October kung nagkataon. Di na sana kumalat pa at nagsanga-sanga at gumulo. Wala na tayo magagawa, andito na tayo ngayon. Siguro umaayon pa naman ang mga bituin. Iniintindi pa ako ng sansinukob. Sa bagal ko na to, mukhang wala pa namang iba. Ewan ko lang din. Pero depende sa mangyayari bukas kung dapat na nating tigilan to. O dapat ba nating tunay na simulan.

Sana wala nang ibang magbid. Tsk.

Kailangan bang bilhan ng bulaklak talaga? Napaka-overpriced pa naman ng mga ganun bukas. Hmmm. Pero kung tutuusin, sa 27 24 na taon ko dito sa mundong ibabaw, di ko pa nagagawa yan. Kaya pwedeng ang laki naman talaga ng natipid ko. Kung 6 na taon na ako nagtratrabaho at kahit isa sa mga taon na yun e wala akong ginastusan talaga kapag mga ganitong panahon, ano naman kung overpriced sya ng isang araw sa isang taon, di ba? 5 taon naman akong nagtipid. LOL.

Mas mahalagang tanong e kung kayanin ko naman kayang dalhin yun sa kanya? O kahit sa pwesto lang nya. May naisip ako kanina na gagawin pero baka naman sablay yun pero ewan ko baka ituloy ko pa din.

Alam mo naman ako, sa dinami dami ng plinano ko, yung kape lang talaga ang kaisa-isang natuloy. "Panay ang plano, ngunit panay ang urong", sabi nga sa kanta. Ayan, kung di pa ako malalagay sa corner (na parang kasalanan ko din... sinadya ko ba, subconsciously ko bang gusto ipagkalat...), walang mangyayari.

Di ko naayang magkape kagabi. Pano ba naman in a meeting nung oras na aayain ko. Dapat pala nung tanghali na lang. E kasi late na dumating baka naman kumain na. E kaso yung speech di pa tapos. Wala pa nga e. Nung mga hapon ko na nagawa. Ayun. Tapos umattend na lang din ako ng training nung gabi kasi nga in a meeting sya. Tapos di ko na tinanong pagkatapos ng meeting nya. Kako Thursday na lang. Shit. Yun na namang procrastination e. Ipinagpaliban ko na naman. Tapos ang aga umuwi. Naman.

Ewan ko feeling ko malabo na rin mamaya. Anong oras na ako dadating? Ibig sabihin, kelangan talaga matuloy yung Friday. Fixed deadline. No extensions. Wala pa naman akong tnry so far ngayong year na nagsisi ako na sinubukan ko. Sabi nga nila, mas pagsisisihan ko yung mga di ko ginawa kaysa dun sa mga ginawa ko. So gawin ko na lang din dapat, di ba? Kahit na siguro mapapangiwi ako kada maalala ko to pagka sumablay. At maging tampulan ng tukso ng buong opisina. Hmmm. Araw-araw na nga mula nitong lunes ako kinakantyawan e. Tsk tsk. Pano pa kaya bukas, kung matuloy... Naku. Pero kung sakali, ok lang naman.

Baka dahil kasi sa pagkakataong to, totoo.

Wednesday, February 12, 2014

Tensionado

Love is a smoke made with the fume of sighs. 
Being purged, a fire sparkling in lovers' eyes.  
Being vexed, a sea nourished with lovers' tears.  
What is it else? a madness most discreet,  
A choking gall and a preserving sweet.  
— William Shakespeare

Iniisip ko kung bakit ako kinakabahan. Sobrang kaba ko, parang di ako makakakain. Nanlalamig ang mga kamay ko. Itutuloy ko pa ba. Parang ayaw ko na ituloy. Wag na lang kaya. Nyiii. Ayaw ko na. Wag na lang. Di ko na kaya. Aacck. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Na parang may mawawala sa kin. Pano ako makukumbinse na wala. Hmmm. Wala naman mawawala talaga di ba. Malabo namang hindi nya ako kausapin, plus kung hindi nya ako kausapin ano naman di ba. Di ba? Ano kung mailang. Di naman maiiwasan yun. Sa lagay nga ngayon ilang na ilang na ako e. Ang hirap. Kailangan ko na rin malaman kung magbibid pa ako. Kung may pupuntahan pa ba to. Kung wala naman pag-asa di ba. At least tapos na. Gusto ko na matapos. Di ako makapagtrabaho. Lahat ng naiisip ko puro tungkol dito. Nalimutan ko na maglaro ng games, nawala ang hilig ko magbuo ng gunpla. Andami ko pa man ding backlog. Bakit ba kasi di ako tulad ng iba, wala na lang sa kanila yung mga ganitong bagay. Bakit ba walang sumagot sa kin noon, e di sana kahit pano may ideya na ako.. dapat di ako napaasa ng sobra. Kasakit tuloy. Ano ba gusto ko sabihin. 

Nike

"Sometimes the smallest step in the right direction ends up being the biggest step of your life. Tip toe if you must, but take the step." 
— Anonymous


Argh. Lumala na. Dammit, nalaglag na ako. Di ko dapat hinayaan umabot sa ganito. Pano na lang kung hindi pwede. Pano kung ayaw pala. Pano kung wala na naman mangyayari...

Ang bigat ng pressure pag Valentines. Madaming expectation sa ere. Maraming umaasa, maraming napapaasa. Di ko na maalala yung mga nakaraan na valentines. Puro normal na araw naman yun kasi. Mas aware ka lang na single ka. Ang hirap ng valentines' para sa mga bitter, mga sawi at mga S.A.W.I (single at walang iniintindi). Pero baka pwede ko mabago yun ngayong taon.

Nagbid ako. Oo. Sumali ako. Takte. Katagal kong nag-isip na magbid. Tapos may tumalo sa bid ko kanina lang. Nainis ako ah. Shit, may makikigulo pa ata, yun ang naisip ko.

Dapat maaya ko na ulit magkape mamaya. Dapat masabi ko na.

Tama ata yung sabi nung isa kong tinanong. Habang lalo kong pinapatagal, lalo ko lang pinalalala. Lalo ko lang ibinabaon ang sarili ko. Mas mahirap magmove on pag nagkataon.

Pero di ko alam ang sasabihin ko. Di ko matipon ang mga naiisip ko. Naguguluhan ako. Iba-iba ang sagot ng mga tinatanong ko sa kung ano ang sasabihin. Bakit ba nagiging magulo. Di ba pwedeng deretso na lang.

Sabihin ko gusto ko sya. Matagal na nagstart pero di ko lang inisip masyado. Pinigilan ko. Madaming dahilan, madaming excuse, pero sa totoo lang... takot lang ako. Takot na maulit yung mga nangyari dati. Takot na sirain ko na naman yung chance ko. Kasi dati parang ok na e... pero di ko ata maiwasan magself-sabotage. Nawawala lang lahat. Takot ako na madisappoint ko sya. Na baka kulang ako. Na pag nakita nya ako sa loob e wala pala akong laman. O di ko maabot ang gusto nya. E people pleaser ata ako talaga. Takot na ma-reject na naman at balikan ang sarili ko at tanungin kung ano ba ang kulang. Parang mas mabuting wag na lang kaysa pagdaanan ulit yun...

Pero ewan ko ba, bakit ganun... biglang ayan na naman. Di naman nawawala. Lalo lang lumaki. Di ata talaga napipigilan yung mga ganitong bagay. Di naitatago. Di nawawala yung kagustuhan mo na sabihin. Kung di sa kanya, sa iba. Alam ko di ko naman sya ganun kakilala. Pero sa pagkakakilala ko sa kanya so far, gusto ko sya. Gusto ko pa sya makilala nang mas mabuti. Gusto ko din sana makilala nya ako mas mabuti. Malay natin di ba? Baka naman pwede pala. Bakit di naman namin subukan.



Tuesday, February 11, 2014

Exposed

"Tell one your secret, but beware of two. All know what is known to three." 
- Norse proverb

Blood and bloody ashes. I'm now seeing the results of my drunken mistake. It appears like the whole office knows, and it feels like the whole world knows. Why didn't I think it could go wrong? Damn alcohol, clouding my judgment and removing my inhibitions. I told it to 5 more people but apparently they are blabbermouths and now the word has spread.

That Meadow was the girl I had coffee with, four moons ago.

That she is part of the auction which will have a date with the highest bidder on Friday (sort of like the Basket Boys in Flipped) has now made it even worse. I think I uttered a curse when I saw her name. wtf? It was already complicated as it is. I haven't even gathered my thoughts on what I planned to do on Wednesday and much more on Friday. And now this.

What should I do? Should I bid? Doesn't that make it cheap? But if no one bids, I think it will be worse for her. But if someone else bids, it will be worse for me.

I could be hitting two birds with one stone here. But I'm worried it depreciates the actual thought. But if I make it good on Wednesday, then on Friday if I do win the bid, then...

Monday, February 10, 2014

Mirage

“Sometimes things become possible if we want them bad enough.”  
― T.S. Eliot

41 days to the year.

Well, just last Friday, I think I had my most drunken state yet. Not intentional, mind you, just the sequence of events made it so. It was supposed to be a light dinner with some beers to celebrate an office mate's birthday. Then, afterwards, some of the people involved were not yet drunk enough it seems, so they went to the next bar and ordered more. I had to go back to the office since it was technically still my shift and I had to keep up a pretense that I was there even though I wasn't. Submitted some tasks then went back and drank some more. This time there was plenty of drinks to go around. We were like 14 or more people there but there were more than 15 pitchers of that black stuff. Sweet poison. And we drank like there was no tomorrow.

By the time 6 pitchers were left, we were around less than 10 people (some had to go back to the office). We no longer had plans to finish it all, but some office mates came and helped us down the last two pitchers. But they came too late to my revelation, as I have already admitted the name of Meadow in my drunken state to those who were around without not much coaxing. The group erupted with cheers, as if there was already something where there is none. I don't know if that's a good thing, but when you're really, really drunk, there's not a care in the world.

The last group (4 people) was not satisfied with just the last two pitchers, so they went to the next bar that's still open at 5:00 in the morning. And I was dragged along with them. It was like a pub crawl. I was still myself, but was very drunk that some of the things that happened there I don't even remember. And I think that's the first time it happened. Too bad they didn't talk to me, or tell me to open up, because I could have talked a lot.

I was so drunk I fell asleep there. When they woke me up I just wanted to lay there on the street. But I have to go back to the office and keep a straight face so as not to let on that I am drunk. But as I walk I felt the earth moving along with me and me legs were really jelly, squishy and wobbly. It was a good thing my friend rode in a taxi and dropped me off near the building because I probably wouldn't have been able to manage.

Anyway, another big thing that has happened is that we now have a brand new car. I don't think I placed it anywhere in my wishlist. But I was also happy that my parents are happy having their own new car. All we had until now were second-, if not third-hand cars, and there were a lot issues, and failing parts. Now we own one. But yeah, it would be a lie if I deny that Meadow had something to do with the desire to have one. I think it was the YEP that made me start to think about getting a new car. I'll be paying for it, but my parents paid for more than a third, so I think I'll be able to manage the monthly dues.

Now I'll just need to learn how to drive.