Sunday, December 22, 2013

Delay

“Sometimes the questions are complicated and the answers are simple.” 
- Dr. Seuss

Patapos na naman ang taon. Isang linggo na lang at ilang araw, mamamaalam na ang 2013. Nagwish ako ng lovelife last year. Hmmm. Hindi ko pa rin masasabi ngayon kung meron na ako nun. Malamang sa malamang, wala pa rin talaga.

May sinubukan sila ireto ah. Pero di gumana e. Di ako pinansin e. Tapos malaman-laman ko, engaged na agad. Parang kaka-boyfriend lang nya ilang buwan pa lang, papakasal na. Waw. Baka naman soulmate. Matagal na raw magkakilala. Pastor pa yung lalaki. Baka maka-Diyos naman talaga. Baka naman mapusok lang. Haha. Baka naman mahal talaga.

Buti pa sila. Lol. Ako, wala pa rin?

Lack of trying? Maaari. Kaya naman wala naman ako talagang masisisi. Tila ba ako si Juan Tamad. Nakanganga at naghihintay malaglag ang bungang nakasabit pa sa sanga. Bakit nga naman ba, di subukang abutin? Baka naman kaya pala. Kung di kayang abutin bakit di yugyugin ang puno hanggang mahulog ang bunga? Di ko pa sinusubukan abutin, iniisip ko agad, baka di ko rin naman gusto. Na mukhang mahirap yun abutin. Na matrabaho yun kunin tapos baka mamaya, di pala para sa akin. Daming dahilan, daming patutsada. Eh kung wag na lang kaya. Baka may iba pang bunga. Baka may iba pang puno.

Pero dito ko gusto mag-antay. Di ko na makita yung ibang bunga. Di ko na naiisip yung ibang puno. Eto lang naiisip ko lagi. Hmm. Di ko dapat hinayaang lumala ng ganito. Di ko dapat inisip ng inisip. Ayan wala na ako magawa ngayon. Na-inception na ako. Di ko na maalis. Di ko na magawa na di sya isipin. Walangjo.

Dapat ata iba na lang winish ko. Kung alam ko lang babalik ako sa pagiging ganito. Akala ko graduate na ako dun.

Pag di raw ako tumaya, talo na agad. Ayoko na tumaya e. Huhu. Bakit ba walang kasiguraduhan sa mundo para sa akin. Alam ko lang, pag nakikita ko sya, may nararamdaman ako. Hmmm. Baka nga naman kras lang. Kras lang naman siguro. Dun naman ata nagsisimula. Ewan. Nalilimutan ko ata huminga nung nakita ko sya kahapon sa party ng mga pangkat-pinuno. Tsk. Nung nakita ko sya masaya, waw. Pinipigilan kong tumingin nang tumingin sa kanya. Tsk tsk. Parang teenager lang walangya.

Pero hirap kasi syang i-reach out. Ewan ko ba. Alam mo yun. Hirap. Ichat mo, minsan di nagrereply. Itext mo, minsan di nagrereply. Iemail mo, minsan di nagrereply. Busy lang ba, o ayaw ba talaga? Sadyang ganun lang ba talaga sya, ayaw sa hindi personal na pakikipag-usap? Saka parang si faith e. May mga reply na ang hirap gawan ng katuloy. Parang hindi nagfloflow yung usapan. Nauubusan din ako ah. Pwede naman magcontribute sa usapan, di naman bawal. Para lang magtuloy-tuloy...

E di puntahan di ba? Sa pwesto? E sala talaga. Gusto ko sya kausapin kung sya lang ang nandun. E laging may ibang tao dun. Sala sked. Sala ang floor. Puro sala.

Hmm. Matatapos ang taong ito na wala talagang nangyari. Di na rin ako papasok sa opis sa susunod na linggo kaya malamang sa susunod na taon na to. :( Susubok ba tayo next year? Dapat. Kundi, wala talagang mangyayari.

Dami nating tanong, simple lang ba talaga ang sagot?

No comments:

Post a Comment