Wednesday, March 28, 2007

Say Goodbye To Murmurs

I started out with nothing and still have most of it left.
~Anonymous


Mahirap talaga ang pagbabago. Para sa akin, minsan pag na-“attached” na ako sa isang bagay, parang gusto ko na manatili na lang syang ganun habangbuhay. Kahit minsan gusto ko ng spontaneity, iba pa rin yung may masasandalan kang bagay na di nagbabago.

Nung una, naligaw lang ako sa Blogger dahil di ako makapagcomment sa blog ni nico… di kasi pwede ang anonymous comments sa kanya. kailangan member ka rin sa Blogger. Tapos paubos na oras ko sa shop nun at ang parang hinihingan ata ako ng pangalan ng blog. Isip naman ako ng title. Ano nga kaya ang pwede?

E di ko makalimutan nun yung isa sa mga chapter sa libro na Harry Potter and the Chamber of Secrets, yung Mudbloods and Murmurs. Kakabasa ko lang ata ulit nun kaya ganun. E natuwa ako sa title… parang rhyme kasi kahit hindi. Ayun, sabi sa akin ni J.K. Rowling, hiramin ko muna raw yung Murmurs kung gusto ko, tutal naman daw walang trademark yun. Di nya ako makakasuhan kahit gusto nya.

Kaya ayun naging murmurs muna. Sabi ko temporary lang yun, ibabalik ko rin kahit hindi kanya. Tutal medyo mahilig rin ako magreklamo sa mga bagay na wala naman akong magagawa masyado. Ang mga reklamo ko ay tila mga bulong na wala namang nakaririnig. Bagay naman sa murmurs ang reason na yun. Yan, nakaimbento pa ako ng pakyut na rason. December 2004. gumawa pa ako ng isang napakaikling post. At dahil di pa ganun kauso ang blogging nun, ako ang una sa pangalang ninong sa blogspot.
______________________________

Pero di ako nagpost dito masyado. Mas nagustuhan ko pa sa friendster. Kasi automatic ang announcement. Maipapaalam ko sa mga “friends” ko na may topak ako at kailangan nila akong pansinin. Haha. Pero mga tamad sila, konti lang ng comments ko dun.

Nakalimutan ko na nga yung account ko dito sa blogspot e. Pagkatapos ng isang taon, naisipan kong gumawa ng bagong account. Naalala kong meron pa pala akong luma dito. Ayun, tinuloy ko na lang. Di ko na pinalitan ang pangalan dahil sa totoo lang wala akong maisip na pamalit.

Pero ayoko magkaroon ng utang na loob kay J.K., baka kasi singilin nya ako balang araw, wala akong maipambayad. Hahaha. Kaya nag-isip ako ng ibang pangalan. Kainitan nun ng mga pagpapaganda sa blog sa opisina na nagsimula dahil sa Flash na meron sa blog ni ean.

Sabi ko pagagandahin ko yung akin. Kasi, puro words lang ang nakalagay dito noon. Wala talagang picture. Walang design. Walang gumagalaw na kung ano ano. Pinaka-feature lang ng blog ko ay yung iba-ibang kulay na text. Ahahaha. Yun na yung pinakadesign nya. Hahaha.

Yung mga bolero kong fans sabi nila maganda naman ang laman ng blog ko. Kahit wala raw kadesign-design e binabalik-balikan. Hahaha. At nagpabola naman ako… naniwala sa kanila… Haha. Kaya tinamad na rin ako magdesign-design pa. Hahaha.

Lumipas na ulit ang isang taon. Nakailang palit na ng mga lay-out ang mga kilala kong blogger. Yung iba nagretire na. Yung iba, naglaho na lang basta. Pero ako nagbloblog pa rin. Kahit konti lang ang fans. Hahaha.

Tapos di ko pa rin napapalitan ang layout, ni ang pangalan. Tamad rin kasi ako, bukod sa makakalimutin. Alam ko may naisip na akong pangalan at kung ano ano pang pakulo at paarte, pero nakalimutan ko agad kung ano yung mga yun. Alam ko isinulat ko yun kung saan…di ko lang alam kung saan ko nilagay.
_______________________________

Nitong isang araw, nakita ko ang isang notebook habang nagliligpit ng mga lumang gamit… Wow. Convenient. Dun ko pala sinulat. Hmmm. Parang signos na kailangan ko na talaga magpalit.

Nakita ko din dun yung balak ko sana ipangalan sa blog ko one year ago. Ripples. Pati yung concept na picture. Bangka sa isang sunset setting. Sabagay, mas malandi nga naman kung Ripples ang pangalan. Mukhang mas makabagbag-damdamin, mas madrama at mas kapukaw-pukaw ng atensyon. O baka pakiramdam ko lang iyon. Haha.

Di ako bihasa sa layout. Maraming blogger ngayon ang malupit sa layout. Kaya kung may “improvements” man ditong masasabi sa paglipas ng mga araw, siguradong konti lang yun. Pero mabuti nang meron kaysa wala.

Kung maganda ang laman, dapat maganda rin kahit pano ang balot. Hehe.

Kaya naman,

THIS BLOG IS CURRENTLY UNDER RECONSTRUCTION.

Thursday, March 22, 2007

GC K N B? No deal!

“If a sword had a memory, it would be grateful to the forge fire… but not fond of it.”
~Rand Al’ Thor (Robert Jordan’s WOT # 9: Winter’s Heart)

“If you can still smile when things go wrong, you have someone in mind to blame.”
~Anonymous


Enrollment week na naman sa Mapúa ngayong linggo. Kakatapos lang ng Finals, enrollment na naman agad. Parang sinasabi ng skul, “Oi, enroll muna kayo bago magbakasyon…baka magbago ang isip nyo e…baka di na kayo bumalik, mahirap na!”

Hahaha.

Bayaran na naman. Grabe. Parang kailan lang kasisimula lang ng term, tapos na agad ulit. Tapos na naman ang 10 weeks nang ganun ganun lang. Ambilis talaga ng panahon.

Mapapansin mong nalalapit na ang graduation term dahil panay ang tanungan ng magkaka-batch, “GC ka na ba?”

Sa amin, ang GC ay hindi grade-conscious (sa ibang skul ata yun ang meaning). Sa amin, ang GC kasi ay graduating class, ibig sabihin…huling term mo na at magpapaalam ka na sa Alma Mater. Gagraduate ka na, sa ayaw mo man o sa gusto.

Lalakarin mo na ang pulang carpet sa PICC at maamoy ang simoy ng aircon nito. Magmamartsa ka na suot ang iyong itim na toga at bibigyan ka ng scratch paper na for the sake of ceremony kunwa’y diploma.

Halos wala nang pipigil sa’yong grumaduate kundi kamatayan o kaya’y isang ubod-nang-sama-at-walang-pakundangang-terror-prof na biglang lalabas mula sa kawalan upang sirain ang buhay mo.
________________________

Lumabas na ang grades namin last week. Hindi maganda ang balita. Bukod sa isang siete (incomplete) dahil sa Design 2, kulang pa raw na pahirap yun kaya dinagdagan pa nila. Pagkatapos ng isang taong winning streak, matapos makalusot sa ibang mga mahihirap na theses at design subjects, nadali pa ako ng isa sa mga subjects na hinding-hindi ko naman kailangan sa buhay kahit ipagpilitan ko.

Thermodynamics.

Sana lang may time machine na sa panahon ngayon. Gusto kong bumalik sa oras upang batukan ang taong gumawa ng curriculum namin. Dahil sa kanya, may singko na naman ako. Aaargh! Pipitikin ko rin ang ilong nya.

Bukod diyan, bagsak din ako sa Software Design. Stupid stupid stupid. Tsk tsk. Pero ang siste, siete yung dalawa kong kagrupo. Kasi makapal mukha nila. At di nila ako sinabihan nung magpapalapad sila ng papel. Nahuli lang ako ng ilang minuto, ni ha ni ho…wala man lang silang sinabi na pupunta sila. Naturalmente sila lang ang masyesyete, sila lang ang pumunta.

Anak ng baka, tinext ko sila ah, nagtanong ako pero wala man lang reply. Nang-iwan sa ere ang mga taong ito. Gusto ko silang paliparin sa kawalan! Matapos silang magprint sa opis at gugulin ang oras ko! Matapos akong gumawa sa mga powerpoint presentation at docu namin! Konti lang rin naman ang nagawa nila, ang lakas naman nila mang-iwan. At ako pa ang sinisi. Tsk tsk.

Sa isang grupo talaga, iba-iba ang makakasalamuha mong tao. Walangjo. Halos lahat na ng ugali ng kaiinisan mo, mararanasan mo… tsk! O sige na…good riddance sa inyo, di ko kayo kailangan. Hmmph!

Napapabuntong hininga na lang ako sa aking dalawang bagsak. Yung isa kong subject e 1.75, tapos yung isa 2.00. Tapos may dalawang singko. Wala lang, ganun din. Masakit pa rin kahit pano. Nagkamali na naman ako sa strategy. Dapat pala iniwan ko muna yung software design, tapos kumuha ako ng COMNET. Siguradong papasa ako dun kumpara sa design. E di sana nabawasan pa yung units na kailangan ko.

Kung isa akong regular student, dapat sana last term ko na itong darating. Dapat sana OJT at Seminars na lang ang subject ko. 4 units na lang dapat. Dapat sana GC na ako. Dapat, dapat, dapat.

Pero dahil special ako… hmmm… 20 units to go pa ako. 15 units ang maximum load sa amin per term kaya most likely two terms pa ako…or more…
____________________________

Gusto ko rin sana batukan ang mga taong nagtatanong kung GC na ba ako. Pero pag naisip ko, teka, kahit sila man hindi rin naman GC e… Bwahaha… Wala rin silang maipagyayabang. Hehe.

Wala naman talagang kwenta ke quarterm kami o hindi. Aabutin din ako ng siyam-siyam bago grumaduate. Tapos wala rin ako halos na-absorb sa lectures. Ang mga lesson ay pasok sa kaliwang tenga at labas sa ilong. Wala rin. Ang tanging nagbago lang e mas maaga ang bayaran, mas maaga ang kita nung may-ari. Sabi nga nila, bibilis ang pagbagsak ng skul sa oras na maging negosyo na lang ito.

At oo, sinisisi ko silang lahat. Hahaha. Pinagulo nila ang buhay ko. Nung una kong pasok sa kolehiyo, akala ko untouchable ako, hindi ako tatablan ng bagsak. Kahit sabihin pa nilang umuulan ng singko sa eskwelahan na ito, alam ko sa sarili kong makakalusot ako.

Pero yung kalbo kong prof sa matsci, aaaargh, pinatikim nya sa akin ang kauna-unahan kong bagsak sa tanang buhay ko. At oo, totoong MASAKIT ANG FIRST TIME. Aaaah! Masakit talaga. Pakiramdam ko nun, ang bobo ko. Para kang namatayan… Hindi ako grade-conscious pero talagang tinablan ako. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako babagsak.

Pero naulit muli…at ngayon masasabi kong marami na rin akong naibagsak. Pero sa amin kasi, mabibilang mo lang sa daliri ang hindi pa tinatablan ng singko. At yung iba, masasabi kong swerte lang sila sa prof kaya ganun pa rin ang status nila. Oh well. Ganun talaga.

Hmmm… alam naman nila sa bahay na may bagsak ako. Di naman sila nagalit. Medyo lang. Syempre may konting sermon, normal na ata yun. Pero na-warningan ko na kasi sila e, kaya hindi na sila nabigla.

At napakadaya nung credit course na UNIX. Oo, nasasabi kong madaya dahil wala ako nun. Meron kasing inooffer ang school na UNIX modular programs. Limang modules. P3500 ata ang bawat isa. Hindi kasama sa curriculum. Hindi rin saklaw ng scholarship.

Pero kapag kinuha mo at nakapasa ka, bawat module ay pwede ipacredit sa isang subject mo. Yung grade mo isang module ay pwedeng grade mo na sa isang lecture. Pero babayaran mo pa rin yung subject sa curriculum. So in short, gagastos ka ng humigit-kumulang P7000 pesos para sa isang 3-unit lecture class. Yun nga lang, sure na hindi ka bagsak. O di ba madaya?

Sa batch namin, ako lang ang kilala kong tao na hindi kumuha ng UNIX. Sabi rin sa akin nung mga alumni, hindi naman daw nagagamit yun masyado… Pang-credit lang talaga. Kumbaga, money-venture lang ng school… tsk tsk. Pera, pera, pera.

Dahil hindi ako kumuha ng UNIX, bawat isa sa mga subject na yun na dapat sana ay ipapacredit ko na lang, ay subject ko ngayong term. Hmmm…

Ah, GC rin pala ako, Graduating Cunyari. Hehe.

Wednesday, March 21, 2007

The Guys' Rules

Men don't understand women, and women don't understand men, but at least men don't suffer the delusion that they think they do.
~Orson Scott Card

Pasensya na kung matagal ang update. Hmmm… tinatamaan na naman ako ng katamaran… gagawa ako mamaya, pero bago yun, eto muna.

Nakita ko itong nakapost sa locker ni Dothz sa opisina. Tapos pinost ni Chikinyx sa MapúaOwnage forum. Malamang nakita nyo na ito sa email, pero dahil ako parang first time ko lang nabasa ito, I assume na may mga hindi pa nakakabasa nito. At tutal, marami naman sa mga naliligaw dito ay babae, baka makatulong… hahaha.

Di ako ang gumawa nito, pero kung sinuman siya… kudos sa kanya . Mukhang maraming lalaki ang sang-ayon dito…lalo na yung may mga girlfriend. Hehe.

Ano kaya masasabi ng mga babae dito?

The Guys Rules

At last, a guy has taken the time to write this all down. Finally, the guys' side of the story. We always hear "the rules" from the female side. Now here are the rules from the male side.

These are our rules! Please note…these are all numbered "1" ON PURPOSE!

1. Men are not mind readers.

1. Learn to work the toilet seat. You're a big girl. If it's up, put it down.We need it up, you need it down.You don't hear us complaining about you leaving it down.

1. Sunday sports. It's like the full moonor the changing of the tides. Let it be.

1. Shopping is NOT a sport. And no, we are never going to think of it that way.

1. Crying is blackmail.

1. Ask for what you want. Let us be clear on this one:
Subtle hints do not work!
Strong hints do not work!
Obvious hints do not work!
Just say it!

1. Yes and No are perfectly acceptable answers to almost every question.

1. Come to us with a problem only if you want help solving it. That's what we do. Sympathy is what your girlfriends are for.

1. A headache that lasts for 17 months IS a problem. See a doctor.

1. Anything we said 6 months ago is inadmissible in an argument. In fact, all comments become null and void after 7 Days.

1. If you won't dress like the Victoria's Secret Girls, don't expect us to act like soap opera guys.

1. If you think you're fat, you probably are. Don't ask us.

1. If something we said can be interpreted two ways and one of the ways makes you sad or angry, we meant the other one.

1. You can either ask us to do something, or tell us how you want it done. Not both. If you already know best how to do it, just do it yourself.

1. Whenever possible, Please say whatever you have to say during commercials.

1. Christopher Columbus did NOT need directions and neither do we.

1. ALL men see in only 16 colors, like Windows default settings. Peach, for example, is a fruit, not a color. Pumpkin is also a fruit. We have no idea what mauve is.

1. If it itches, it will be scratched. We do that.

1. If we ask what is wrong and you say "nothing," We will act like nothing's wrong. We know you are lying, but it is just not worth the hassle.

1. If you ask a question you don't want an answer to, Expect an answer you don't want to hear.

1. When we have to go somewhere, absolutely anything you wear Is fine... Really.

1. Don't ask us what we're thinking about unless you are prepared to discuss such topics as baseball, the shotgun formation,Or golf.

1. You have enough clothes.

1. You have too many shoes.

1. I am in shape. Round IS a shape!

1. Thank you for reading this. Yes, I know, I have to sleep on the couch tonight; but did you know men really don't mind that? It's like camping.

Thursday, March 15, 2007

Kapuso

“Just when I found out the answers to life… they changed all the questions”
~Anonymous


Pumasok ako ng maaga nung miyerkules kahit na after lunch pa dapat kami pupunta kay mamsir.

Kailangan ko na kasing paghandaan ang assassination plot sa kanya habang maaga. Kaya naisip kong pumunta muna sa opisina upang magsagawa ng mga plano.

Haha. Sa totoo lang, may meeting kami para sa skulpaper ng 12pm. Kaya nandun ako.

Bago umakyat sa ofis, nagpunta muna ako sa aming org table sa MICRO. At napag-alaman kong marami ring pupunta kay mamsir after lunch. Para humingi ng awa o para pumatay ng prof, ewan ko lang. Mukhang wasted na sila kahit umaga pa lang. Lahat kasi sa grupo nila ay bagsak. Samantalang ako lang ang bukod tanging tao na babagsak sa isang grupo habang papasa yung ibang kagrupo. T_T

Sadyang mapait.

Pero hindi na ako gaanong malungkot. Naisip ko na sige lang ibagsak nya ako…giba sya kay super xienah… hahaha… tagapagtanggol ng mga naghihimutok na estudyante… Yahoo!

Asar lang ako dahil sayang sa effort. Ako pa naman yung taong tipid na tipid magbigay ng effort. Kasi nga baka masayang. Tapos ayun, ganun ganun lang…uulitin ko rin pala… E di sana nagpagawa na lang din kami.

Ngayong term nga di na ako nakapasok ng thermodynamics class ko dahil kailangan kong umattend sa mga weekly defense ng subject nya. Wala kaming naipasang matino sa software engineering dahil yung mga kagrupo ko busy rin sa paggawa sa design nila sa kanya. Andaming naubos na pera, dugo, pagod, pawis, sipon, laway…lahat-lahat na…para lang sa wala.
________________

Umakyat sa ofis. Meeting. Natapos ang meeting. Mukhang magiging busy ang bakasyon namin… Hmm…

Tapos pagdating ng 1pm e bumaba sa opisina ni mamsir. Para magtanim ang bomba. Para magtanong kung ano nga ba ang bagong pahirap na ipagagawa nya sa amin.

Hmmm… syempre, pinaghintay pa rin kami. Trademark na ata ng mga prof na magpahabol sa mga estudyante nila… o kaya magpahintay… kasi hindi naman makakatanggi yung mga estudyante e. Lalo na kung grade ang usapan. Wala silang choice.

Hindi naman ako nilaglag ng mga kasama ko. Siguro nakita naman nila ang effort ko. Tutulungan daw nila ako. Wala raw laglagan.

Buti naman. At least, di ko na kailangan dukutin mata nila. Haha. n_n

Tapos…

Napagtanto kong baka binabasa ni mamsir ang blog ko. Natakot ata sya sa mga binalak gawin sa kanya ng mga taong nagbabasa dito…O baka naman marami syang natanggap na death threats. Baka naman nagpahula siguro sya at napag-alamang kung hindi nya kami pagbibigyan e maghahalo ang balat sa tinalupan. Ewan.

Sabi nya noon, wala nang syete na grade. Wala nang incomplete. Either you pass or you fail the subject… Pero…

Basta ang nangyari e syete kaming lahat. At yung sinuggest ni groupmate 1 e kailangan namin gawin by this week para kung sakali man, e hindi na kami syete. Suggestion nya kasi na dagdagan na lang namin yung study at i-incorporate sa design. Ah, ewan. Walangjo, masyadong teknikal.

Ok, ligtas na ang buhay nya. Haha.

Basta ang siste, e kailangan nya yung documentation by 4pm para may grade na kami. Sinabi nya rin kung bakit sya naging “mabait”. Kung pano kami nasyete kahit wala na dapat syete.

Unfair kasi daw kung babagsak kami, samantalang working yung prototype namin. Kasi yung isang grupo na itatago na lang natin sa pangalang Microcontroller Team e masyesyete ng wala man lang maipakitang working prototype. Dinaan nila sa department. Teka, teka. Magulo e. Ulet.
________________________

Sa department namin, may mga technical team na gumagawa ng research or prototypes. Tulad ng robotics team. O kaya nung bagong SDCAT (Software Development… blah blah) team. Yung isa kong kagrupo e taga robotics, at yung isa e taga SDCAT. Yung isa, wala lang.

Tapos may microcontroller team. Ngayon, napag-alaman kong pwedeng ipacredit ng team na yun ang idedesign nila para design 2 subject namin. At maraming ugong-ugong na kaya pala sumali yung mga tao na yun e syempre para mapacredit yung subject. Pero dahil wala pa silang nagagawa, pinagpropose sila ng gagawing project within this term.

Hindi nila nagawa. Wala silang naipakita. Syempre sabi ni mamsir. Ok, bagsak na kayo.

Tapos nagkaroon ng konting magic at voila, siete na sila. Incomplete. Parang nakialam ata ang mga higher-ups kasi wala raw nagawa si mamsir. Mukhang may koneksyon sa bureaucracy at nadaan sa...palakasan.

Wala akong pakialam kung anong team sila. Pero para sa akin di dahil kasama lang sila sa isang team e dapat na silang bigyan ng special treatment. Kung tutuusin, wala pa silang nagagawa e. Kung yung robotics team nga na nanalo sa WIPO (World Intellectual Property Organization) e walang credit sa design, sila pa kayang walang nagawa?

Kung sila na lang kaya ipagiba ko kay super xienah?
___________________

Anyway, sinubukan naming ihabol ang documentation. Pero hindi daw umabot. Kulang daw. Pero dahil nakita nya yung effort namin e. Pasado na silang tatlo.

Mamsir: “O sige na nga, may grade na kayong tatlo.”

Nye, paano ako?

“At ikaw, Syete ka.”

Nye. Teka, nasa’n na ba yung bolpen ko? Parang may gusto akong saksakin... O_o

“Tutal one percent na lang kailangan mo, wala ka nang defense. Ipakita mo lang sa akin na gumagana yung sinuggest na feature ni groupmate 1. tapos include nyo sa documentation at sa study nyo. Ipakita mo sa akin by third week of next term.”

Ah. Ok. Pero ako na lang gagawa nun? Saya naman nila.

“Pero dapat tulungan ka nila. May grade na sila pero dapat tulungan ka nila pumasa.”

Ano? Hmmm… sige na nga… pwede na siguro yun. Tulungan nga sana nila ako.

“Ok na ba yun?”

__________________________

So in short, syete na ako. Incomplete. Kapuso. Better than 5.00, any day.

Salamat ngapala sa mga comment at tag. At dasal. Malaking tulong yun sa akin na ako’y inyong kinampihan sa gitna ng madilim na karanasan at mabibigat na problema, paghihimutok at blah blah blah…blah blah blah… Salamat salamat ng marami. Naisip kong manlibre. Yun nga lang at hindi ko lang kayo maililibre, pero sabi nga nila…

“It’s the thought that counts.” =)

Tuesday, March 13, 2007

Sacrificial Lamb

That which does not kill us only makes us stronger... so we may kill others.
~Anonymous

The trouble with doing something right the first time, is nobody appreciates how difficult it was.
~Anonymous


Nakakalungkot.

Asar.

Badtrip.

Nanggagalaiti ako sa gigil...

Akalain nyo, sa aming grupo… ako na naman ang tupa… ako na naman ang sakripisyo.

ANONG NANGYARI?

Subject: Design 2

Prof: Mamsir

Passing Grade: 60%

Grades: groupmate1 = 62%
groupmate2 = 60.5%
groupmate3 = 60.2%

ninong = 58.8%


Pinapili kami ni mamsir. “1st option: Pasado silang tatlo at ikaw bagsak ka”

Teka, option ba yun? Kutusan ko kaya itong si mamsir? Para namang pipiliin ko yun... ?_?

“or… siete kayong lahat… pero ibang project naman ang gagawin nyo”

HA??!?! Why you...!!! (Hinga-hinga) Maghulos-dili ka ninong… wag mong daanin sa dahas…kontrol… kontrol… inhale… exhale… inhale… exhale… bitawan mo yung bolpen... bitawan mo... baka itusok mo sa mata nya... 0_O

“Di ko pa alam kung anong desisyon ko…kasi yung mga group na under kay mam st.soysauce, pag di umabot yung isang member sa grupo, siete sila. Ako, pinag-iisipan ko pa…”

1.7% ?!?! Mamsir naman… (insert pinakamatinding mura sa balat ng lupa here) 1.7 %... uulitiin kong lahat lahat lahat lahat lahat???? (repeat until forever). Uulitin???? Aminado akong deserving pumasa yung dalawa kong kagrupo… pero ako, bakit hindi? Tumunganga lang ba ako habang may ginagawa sila? Pot*h. AMP!!! AAAAAAAAAHHH!

“Mababa ka kasi sa individual gradings sa defense.”

Bakit mababa ako, e pareho lang kami ng dami ng nasabi? Yung mga sinabi nga nila ako naman gumawa nun ah…dahil ako nga yung nasa docu…palibhasa favorite nyo yung dalawa…kaya mataas grade nila… Unfair... Atsaka pano naging individual grades e hindi naman tinanong isa-isa... pano nyo na-gauge na wala akong alam samantalang nasagot ko naman ang mga tanong nyo???

“Di ko pa masasabi kung ano ang desisyon ko. Pero kung anuman yung desisyon ko, final na yun. Sasabihin ko sa inyo bukas...after lunch”

Go to hell! Siete kami kahit gumagana yung project namin?? Kahit kami mismo ang gumawa. Tapos ang tataas ng grade nung mga nagpagawa sa labas??? E napaka-unfair naman e… kung sa difficulty lang, napakalayo naman nung system namin sa system nila… tapos ako pa ang babagsak. Yung isa nga wala naman halos ginagawa, papasa sya… ako gumawa ako ah…what a world... GALIT BA KAYO SA MUNDO? BAKIT NYO AKO DINADAMAY? Kung galit kayo sa estudyante sana hindi na lang kayo naging guro... Huhu... Di kumpleto ang term nang walang ibinabagsak... 1.7%??? waw...tol, sakit sa ulo. waw naman tol... eto sayo ,,!,,(>_<),,!,,


Bahala na bukas. Huhu. Unfair. Pagdasal nyo na lang ako...

Saturday, March 10, 2007

Try not. Do or do not. There is no try.

Who says nothing is impossible. I've been doing nothing for years.
~Anonymous

Try not. Do or do not. There is no try.
~Yoda, The Empire Strikes Back

Nagbabawas pa rin ng files...

Nung nakaraang sabado, pumasok ako sa skul para lang ipagprint ang mga kagrupo ko ng documentation namin para sa project… Di ko alam kung anong balak nila. Di ko alam kung bakit magpapasa pa kami.

Gusto ko silang yugyugin… tutal dalawa lang sila, “HOY!!! Sigurado kayong ipapasa nyo yan kay sir teddybear? Baka daganan tayo nun, mawalan tayo ng ulirat!!!”

Bilib rin ako sa lakas ng fighting spirit nila. Nakakahawa. Biruin mo, out of five modules e dadalawa lang yung gumagana sa program namin, pero gusto pa rin nilang ipasa?

Yung dalawa nga naming kagrupo aywan ko kung nasaan. Di na nagpakita. Missing in action. Ni moral support wala man lang silang ibinigay. Natakot atang madaganan. Buti pa ako, supportive. Hehe.

Aminado akong wala akong naitulong sa kanila sa programming. Mangmang pa rin ako sa VB.net. Nagkamali ako ng desisyon. Mga halimaw lang ang nakakalampas sa dalawang pinakamahirap na subject ng computer engineering nang sabay. Nakalimutan kong mortal lang nga pala ako. Special child lang at hindi balawis.

Hindi pala talaga magiging successful ang parasitism kung lahat kayo sa group e semi-parasites… Walang stable host.

Dapat talaga di ko pinagsabay ang mga design ko. 2 units lang. Pero parang kukulangin pa ang dalawang taon para matapos ko lang iyon!! Masyado kasi silang demanding. Akala mo sila lang ang subject sa mundong ibabaw… Gusto ko silang pitikin sa ilong!!!

Aaarrgh.

Napabayaan ko na tuloy yung isang design. Ganun din yung iba kong kagrupo… Buti sana kung sigurado na kaming papasa kahit dun sa isa. Hindi e. Si mamsir kasi.

Kung sobrang yaman ko lang, sweswelduhan ko si mamsir para wag na lang syang magturo sa skul namin. Ayoko na sya maging prof. Aarrrgh. Papasakayin ko sya sa isang space shuttle at pagbabakasyunin ko sya sa Mars. Para pagbalik nya sa Earth, siguro naman graduate na ako.

31 UNITS.

Ganyan kadami na lang ang roadblocks na humaharang para makuha ang papel na iyon. Konti na lang. Pero napakahirap. Parang snake crawl. Igagapang mong nakahiga. Di ba ang hirap nun?

Ayoko talaga sa mga kagrupo ko. Malamang yung iba dun inis din sa akin, pero dahil blog ko ito ako ang bida… sila ang mga masamang tao. Lalo na yung ibang kagrupo ko sa design 2...

Minsan sumpa rin ang pagiging miyembro ng skulpaper. Dahil sa isang groupwork sayo lagi ang documentation. Ok lang yun kung maraming panahon. Kaya lang itong si mamsir, bless her, nagpapasa ng documentation within 36 hrs!

At eto namang design 2 groupmates ko, bless them, pinagawa sa akin ang lahat. Aaaargh. huhu. Demanding pa. Tanungin ka ba naman ng “matagal pa ba yan?”.

Gusto ko nga sabihin, “E kung ihampas ko kaya sayo itong keyboard ng maramdaman mo kung gaano kasakit ulo ko dahil wala pa akong tulog??? Iumpog kaya kita sa monitor nang malaman mo?”

Humingi ako ng input. Kasi nga naman, sila mas nakakainitindi nun. Kung ipaliwanag nila ngayon yung ginagawa namin, bukas ko pa sila maiintindihan. Hindi ko talaga gift ang hardware. Nagbigay nga sila, pero alangjo, wala akong mapiga. Pagod na siguro. Siguro dahil kulang na ako sa tulog. At kagagaling ko lang sa isang 10:30am-9:00pm class. Haha. Excuses.

1 oras lang tulog ko nung araw na yun. yun pa ay dahil sa byahe. Sa sobrang antok ko nga e pakiramdam ko para na akong goldfish. Nakadilat pero walang ulirat. Kumbaga sa pc e naghang. Kumbaga sa cartoons parang minartilyo sa ulo. Tapos tinulugan na nila ako. haay...

Dukutin ko kaya mata nila? Haha.

Patawarin nyo sila...di nila alam ang kanilang ginagawa.

Hindi ako makareklamo. Paano ba naman kasi, sila gumawa nung hardware, tapos yung software 30% lang itinulong ko dun. E pano ba naman kasi inaako nila lahat. Mahirap din ang may mahuhusay na kagrupo. Hindi ka matututo. Malamang sa hindi, wala ka nang gagawin...kundi documentation.

Tinapos ko ang documentation. Ha! Ginamitan ko na ng diskarte. Ginamitan ko na ng editorial (?) powers. Ginamitan ko na ng 8 years of experience sa pangbabarbero at pagtatago ng kamangmangan. Itinago ko sa napakaraming salita ang code na ibig sabihin, “Ah, di ko talaga alam ito…magaling lang akong magpanggap.”

Ibinalik na ang documentation kanina. Mukhang nakalusot ata. Yung iba, pwede pang baguhin. Sa Monday na ang defense. Bahala na. Kailangan namin ng 31/40 para pumasa.

Imposible?

Sa globe raw posible... pero SUN ako. O_o

Ang mga bangag talaga nagiging korny. Haha.

Friday, March 9, 2007

Isang Post na Wala Lang

“You can never know everything and part of what you know is always wrong. Perhaps even the most important part. A portion of wisdom lies in knowing that. A portion of courage lies in going on anyway.”

- ‘al Lan Mandragoran (Robert Jordan’s WOT: Winter’s Heart)

Malakas pala talagang umubos ng oras ang internet.

Walangjo.

Sa sobrang lakas e andami nang DVD sa bahay ang di ko mapanood. Andami ko nang dinownload na mga episodes na hindi pa rin nasisilayan ng mata ko ang nilalaman.

Di na ako nakakalaro ng computer games.

Pwede ka pala talaga mabuhay dito. Tsk tsk.

Last November lang kami nagka-internet. At alam kong Computer Engineering ako pero alangya, minsan nangangapa pa rin ako… kulang pa rin ang alam ko. Sa skul kasi, kadalasan nangyayari, sasabihin ng prof,

“Ah di mo ba alam ito? ASP? SQL? VB.NET? HTML? C? FLASH? PICBASIC PRO? Kawawa ka naman. Di kasama sa curriculum e. Mag-aral ka kasi mag-isa mo. Bwahahaha.”

Ang dami daming kailangan pag-aralan. At sa lawak ng lugar na ito e napakadaling maligaw. Lalo na akong tila may attention deficiency at bipolar tendencies – kuno… napakadali kong madistract. Haha.
_______________
Anyway.

Napakahabang intro. Samantalang gusto ko lang sabihin na blog-hopping naman ang kinaaadikan ko ngayon. Haha. Mula sa torrents, tapos sa forums e blogs naman ang pinagkakaabalahan ko.

Napakarami na pala talagang tao ang nagblo-blog ngayon… napakarami na nilang may topak… kagaya ko. Andami ko nang napuntahang blogs at halos lahat ng napuntahan kong site e napansin kong may cbox na tagboard. Haha. At dahil sa cbox, marami na rin silang naligaw dito. Marami na akong fans (ipinipilit ko lang..hehe)… dumadami na ang comments ko.

Huwaw.

Maraming magaling magblog… at may mga blog na hanep sa layout… ayun. Haha. Yabang! Hahaha.

Magiging malupit din ang blog ko balang araw.
_________________________

Tiningnan kong mabuti ang blog ko.

Hmm… bakit nga ba walang picture dito ni isa?
______________________

Paubos na ang gamot ko.

Haay… di ko sya matyempuhan. Anak ng baka. Kapag MWF halos alas onse na ng gabi bago ako makarating ng bahay… kung bakit ba naman kasi ke-haba-haba-haba-haba-haba na lang ng byahe ko mula skul papuntang bahay.

Bakit walang gateway? Walang shortcut? Bakit hindi ako pwede mag-teleport?!

Gusto kong lumipad.

Aywan. Di ko naman kelangan nun e… Adik lang ako.
____________

Tuyot. Nakakatuyo ng utak ang gumawa ng documentation. Nakakatuyo rin ng utak ang magpanggap. Nakakatuyo ng creative powers. Kaya ang post na ito ay wala lang... Nagbubura lang ako ng mga files sa desktop ng utak ko. Cluttered na e.

Friday, March 2, 2007

Overdose

The heart has its reasons that reason knows nothing of.
~Blaise Pascal

When love is not madness, it is not love.
~Pedro Calderon de la Barca

__________________

None are blinder than those who will not see.

This maybe one more cheesy post.

Anyway. Dumadami na ang naliligaw sa blog ko na ito. Dati-rati akala ko walang nagbabasa dito. Wala nga… hehe… pero ngayon marami na sila…

Di ka na nag-iisa…

Tingnan mo yung counter, parang kailan lang 0000 pa sya… ngayon pag nilagyan ko sya ng March sa tabi, malapit na syang mapagkamalang present month and year… wehehehe…

Tapos, nakita nyo naman yung links sidebar, medyo cute na sya… hahaha…

Inuunti-unti ko na ang renovation dito… parang bahay yan e… pag napansin mong dumadami ang bumibisita, gaganahan kang magpaganda ng bahay…

Pero ang magagandang bagay hindi dapat binibigla… excuse ko lang yan kasi nga mabagal yung upgrades sa layout. Pero sabi nga ni Harold maganda naman ang laman… at eto, nabola naman ako… haha…

Marami na ang links dito… nagdagdag ako ng mga 11 links! At ang nakakatuwa dyan ay kalat sila sa buong mundo… may mga naligaw dito mula sa ibayong dagat… iba na talaga ang teknolohiya… kahit paano nakakuha ako ng international telepathy powers… saka ko na sila ipapakilala siguro...
_______________________

Patapos na ang term sa Mapúa. Kumbaga sa kanta e parang nasa Interlude part na kami… o kaya Eye of the Storm… mukhang kalmado pero nasa gitna talaga kami ng bagyo…

Sabi nga sa mga videoke… Are you having a good time? Parang pang-aasar yun…

Panahon na naman ng mga documentation para sa mga may project. Dito na nagkakasilbi yung mga moral supporters lang tuwing gawaan ng project… panahon na ng mga barbero.

I’ll be needing that Time-Stop Technique real soon.

Amp.

Ewan ko ba kung may kinalaman ba ang hilig ko sa pagsusulat sa pagkaayaw kong gumawa ng mga paperwork… Aaargh. Kasi parang puro pambobola lang ang nilalagay dun tapos madalas pang hindi binabasa… tsk tsk.

Ang problema kasi malalaman mo lang na di pala gaanong babasahin nung prof yung dokyu nyo pag tapos mo na at naipasa mo na… Aaargh.... Sayang sa stamina.

Hmmm… Kaya may naisip na naman akong bagong superpower. Pero ngapala, hihiramin ko lang kay pareng Stephen King, baka magtampo sya pag hindi ko sya nabanggit, nagbabasa pa naman dito yun… hehe…

Gusto ko yung kapangyarihan makapagbasa ng mga utak. Palagay ko nabanggit na rin ni tessa yun. May nagsabi sa aking secret power raw yun ng mga psychologist tulad ni sir armand… ooopsss… Hindi na secret… hehe… pero gusto ko yung katulad dun sa talent nung bata dun sa novel ni King na The Shining… yung bata dun kaya nya basahin ang iniisip mo… at hindi mo maitatago.

Bakit? Kasi sabi nga sa hunter x hunter ang utak parang isang malaking puddle ng tubig. Kapag nagbato ka ng kahit maliit na bato… kita mo ang ripples. Teka, wala atang kinalaman yun ah. Haha. Spam.

Kahit siguro magbasa lang ng mga utak ng mga babae ang kaya ko ok na sa akin. Mapagtyatyagaan ko. Medyo komplikado kasi ang utak nila. Para silang code na paiba-iba ng meaning. Minsan akala mo nadecode mo na, yun pala hind na yun yung ibig sabihin sa susunod…

Siguro kung magkakaroon ako ng ganung power, mas simple ang mundo ko… hahaha… kaya lang walang challenge siguro yun… pero minsan…aayaw ka rin sa challenge kung kapalit naman nun ay peace of mind. Hehe.
___________________

Habang gumagawa ng research kanina… ay mali, habang nagpapanggap akong gumagawa ng research pala… napansin kong nag-OL na naman sya. Hmmm…

Ngapala iba yung babaeng ikwekwento ko ngayon dun sa isang babae sa Mada Mada da ne post. Hindi taga-Mapúa ang taong ikwekwento ko. Ngapala, sya yung nasa Valentines’ Special post.

Hmmm… yun nga. Nag-OL sya… e napaka-timing naman talaga, kailangan na naming kumain. Sa bahay kasi dapat sabay kayong kumain ng hapunan. Lalo na’t ngayon lang ulit ako nakaabot ng hapunan kasi wala akong pasok ngayon.

Ayun. Pumunta ako sa hapagkainan at nagmadaling kumain. Para abutan ko… madalas kasi 30 minutes lang online yun (oo, stalker ako!). Adobong manok pa naman ulam namin… di ko masyado naenjoy… Nguya nguya… lunok… lunok lunok… tapos! Haha…

Akala ko nga may mga confetting malalaglag pagkatapos kong kumain…pakiramdam ko kasi nasira ko ang world record ng pinakamabilis na pagkain ng hapunan para sa pinakamababaw na rason… hahaha…

Maswerte na rin at hindi ako ang toka ngayon sa paghuhugas ng plato. Kundi, baka tinapon ko na lang lahat ng plato at baso namin sa labas… tapos bibili na lang ako ulit bukas… hahaha.

Ganun talaga ka-importante para sa akin na maabutan sya. Yung huli ko kasing naabutan sya e nung feb 15 pa. kelangan ko na ng bagong dosage ng aking mahal na gamot.

Palagay ko nakasira ulit ako ng isa pang world record habang pabalik. Pinakamabilis na pagpunta sa terminal ngcomputer mula sa hapag-kainan nang hindi naaksidente at hindi nahahalata ng mga kasambahay na nagmamadali. Hehe.

Ayun. Nakita ko pa ang avatar nyang hot-air balloon… ?_? ewan ko ba kung bakit yun ang gamit nya. Syempre click click…

Type h-e-l-l-o

Press Enter

Pray

Aba, sumagot pa rin… H-i

Nagpapasalamat ako sa message archive ng ym.

Ayun. Nakapag-usap kami. Nagpakasobrang makulit na lang ako. Yung utak ko parang nararamdaman kong naka-overdrive para maghanap sa memory ko ng kahit anong topic na mapag-uusapan.

May cam ka?

Aba, gusto nya akong makita. Kaya lang wala naman kaming webcam. O_o. at parang ayoko makita nya ako… nakakahiya… hahaha…

Sabi ko wala akong cam… sabi ko meron ba sya?

Meron. Pero ayoko. Daya mo.

Pero maya-maya ininvite nya pa ako sa webcam.

WAPAK! Naghang na naman ako. o_O

Naka-cap sya. Ayun usap ulit ng konti… pati mga cap pinag-usapan namin… nagpumilit lang ako magkaroon ng topic… kahit ano… aaaargh…

Sabi ko bagay sa kanya ang cap (BOLERO! hehe.. pero totoo!) … pero sabi ko di ko sya masyadong makita sa webcam dahil kako dun sa cap… hmmm...

Syempre dahil may webcam, ginawa ko na naman yung Printscreen-Paste method. Hintay ng magandang tyempo tapos Printscreen ulit… kahit nakacap… kahit hindi masyado nakikita… siyempre baka matagal-tagal akong walang supply ng gamot… kailangang mag-stock.

Oi uwi na po ako. Bye po. Till next time.

Tapos pagtingin ko sa webcam… tinanggal nya yung cap.

(insert Vaseline theme here) – courtesy of Sir Ean.

Naalala ko bigla yung commercial ng Vaseline… yung naka-cap na batang babae… tapos inalis nya yung cap…

WAPAK!!! Natigilan yung mga batang lalaki sa commercial. WAPAK!!! At ako, natigilan rin ako.

Akalain mo, kahit pala sa webcam, gumagana pa yung ganun effect? Hehe.

Aaaaaaaaahhhhh... Nag-hang na naman ako... Blip blip blip. Tooot!!! Initiating Mind Reactivation Sequence.

Printscreen. Paste. Printscreen. Paste. Printscreen. Paste. (repeat until fade)

May nagpatanggal kasi ng cap ko.


I wonder kung ako ba yun… Baka naman may iba syang ka-chat... Sana talaga kaya kong magbasa ng utak. Kahit utak na lang niya ang mabasa ko, di na ako hihingi pa ng ibang powers…

Ayun. Pagkatapos ng ilang minuto nagsign-out na rin sya. At nakangiti na naman ako. High na naman. Naka-tira na naman. Tsk tsk.
_____________________

Pero alam mo yung feeling na masaya ka pero malungkot ka rin. Yung masaya ka ngayon pero alam mong parang temporary lang din yun. Kasi nga wala rin… parang umaasa ka lang… wala namang nangyayari dun… ewan mo… meron kaya? May posibilidad kayang nahahawa rin siya sa pagkabaliw mo?

Parang kailangan mo na ng ibang gamot… nakakasama na ata ang epekto nya sa iyo… nasaan kaya ang ibang gamot? Wala pang nagpapakitang iba…

Tapos maiisip mo, ay bahala na... magpapakasaya na lang muna ako hanggang umeepekto pa... magpapakaoverdose muna ako sa kanya...