ok. dahil wala pa rin akong section dun sa isa kong subject at may 30 mins pa ako bago magtym e syempre, magbloblog na lang ako... hehe. ikkwento ko ung mga nangyari kahapon.
_______________________________
nagpagising ako kay nanay ng 8:00 para 9:00 aalis na ako...kasi 10:00 daw ang christmas party sa TNB... di pa naman ako kinakabahan... kahit nung araw na yun namin malalaman kung sino sa aming siyam ang matatanggap sa skul paper. nakatulog naman ako ng maayos... mangyari na kung ano ang mangyayari...
_______________________________
habang nakasakay sa fx at binabagtas ang dr. a. santos avenue tumawag si kristina... aba, akalain mo, may meeting daw kami kay sir demigod ng 10:00. ang galing, mga 9:30 ko na nalaman...kung nagkataon na walang christmas party naghihilik pa ang puwit ko sa kama. tsk tsk. ang galing talaga tumayming ni sir. buti na lang nabigyan na ako ng babala tungkol sa remedials (removals daw, salamat kuya ray). kaya yun, hindi rin ako handa. hehe. wala akong dalang notes. di ako nagreview... e sayang lang kasi e.
pag naranasan mo magtest kay sir, mararamdaman mo kung gaano lang kaordinaryo ang utak mo. magugulpi de gulat ka kasi. mabibigla ka sa mga tanong...di mo aakalain na talaga palang may mga prof pa sa gubat ng MIT na parang ayaw pasagutan ung exams nila.
(*shakes head in disbelief*)
_______________________________
mga 10:10 na ako dumating ng skul...syempre trapik kasi sabado... takbo ako papunta MIT kasi baka late na ako e...mga 10 mins din ako inabot...sana nilakad ko na lang.. tsk tsk.
syempre takbo muna ako sa ofis ng tnb. andun na si kuya ace...saka ung ibang probi. wala pang food... sabi ko syempre may test pa kami kay sir demi. bukas ng cabinet ko, tingin-tingin kung may notes pa ako dun. ngek, inuwi ko na pala. tapos baba kaagad sa W3rd floor.
(*hingal*)
_______________________________
pagdating sa third floor, nakita ko ang kumpulan ng mga kamag-aral sa corridor. aba, halos kilala ko na silang lahat kahit di kami magkakaklase. syempre wala pa si sir (asa ka pa). upo rin ako sa pasilyo. nagpapanggap na mag-aaral at nagpapaturo pero wala naman pumapasok sa utak ko... hehe... give-up na ako sa subject na un e... kung papasa e di papasa.
ngapala, may prototype pa kami. di kasi gumagana db? e si groupmate lori nakahiram ng gumaganang prototype. o db astig? instant prototype. pinasa namin kay sir weasley sa faculty.. pero 10 pts lang ang dinagdag nya. bait. (*sarcastic*). nagdefense na kasi kami kahapon kahit di gumagana ung prototype. out of 60% sa project, 25% lang ang nakuha namin. plus 10%, ok na, papasa na ako.
_______________________________
pagbalik ko sa west. mejo wala nang tao. pano kasi ung 10:00 na sinabi ni sir demigod ay naging 11:00 tapos naging 12:00. kaya un, bumalik ako sa ofis.
_______________________________
sige, time na ako e... itutuloy ko na lang ulit sumtym.
No comments:
Post a Comment