Tuesday, December 13, 2005

AMPNESS

gaano ka-badtrip ang badtrip...!!!

anak ng...

pagkagising ko kninang umaga...5:30 un. isa lang ang naisip ko... gusto ko sakalin si Sir Demigod. bakit nya pinapahirapan ang buhay ko ng ganito? bakkeeet...? bakit kelangan ko gumicing ng maaga para magtest lang sa kanya...ng 7:30!!! e dpt nga 5:00 pa ng hapon ang test ko!!! b.a.k.e.t ang papansin naman nya...waah!

*sigh*

syempre dahil kelangn kong pumasa...three units din un, mga P4000 din kada term, wala pa dun ung pamasahe at baon..kc pag tuesday at saturday sa kanya lang ang klase ko. kaya pinilit kong ibangon ang aking katawang gustong-gustong yakapin ang mga unan at patuloy na mamaluktot sa higaan...bakit ang sarap matulog kapag kelangan na gumising...??

*sigh*

habang nasa lamesa at kakain ng almusal, nakatulog ako...gnun ako kaantok...pero dahil at least isang oras ang byahe mula bahay hnggng maynila kelangan makaalis ako ng bahay bago mag630...kung hindi, ma-lalate ako...

alam nyo ba na sa klase nya, nagkaron na kami ng dalawang quiz...pero di namin matarok ang kanyang katalinuhan..ayun, wala pa akong score, itlog pa rin.

dalawang quiz nga raw ngaun saka finals e...o db? terror ba un o ano?

tapos pagdating ko sa skul saka may magtetext na wala daw exam ngaung 730!!!

baket...baket ngaun lng nila tinext?

bakit gumawa pa si sir ng yahoo groups pero sa text nya rin sasabihin...kung saan napakahirap iverify...? wala pa naman akong internet...gumagastos pa ako para lang makita kung may pinost sya sa groups, wala naman pala... grrrrrr.... tps sasabihin nya, "icheck nyo na lng ung groups for fuether announcements". bakit ang lakas nya mang-uto? pinapahabol nya kami sa kanya...at alam nyang hahabulin namin sya kasi kelangn naming pumasa...ano ba naman un?

unfair.

wala naman akong magagawa...sya lang may hawak nung subject na un...pag bumagsak ako, sa kanya pa rin ako mapupunta...walangjo.

bakit minsan, walang hustisya sa mundo?

at gaano ba talaga ka-badtrip ang badtrip?

grrrrrrr..... AMP!

No comments:

Post a Comment