Friday, December 9, 2005

Angst-Ridden Night part2

Tutal nasa SM na ako, naglibot-libot na rin ako…gaya ng SM Bicutan may tulay (walkway yata ang tawag dun) pa na nagkokonekta dun sa dalawa…kasi may kalsada sa gitna… mas malawak lang…saka pakurba sya. Sa bicutan kasi derecho lang.

Upset. Walangjo, akala ko pa naman dahil nagkaroon na ng annex, dadami naman ang laman ng SM Sucat. Atsetse. Wala pang kalaman-laman na matino…

Lagyan lng nila ng mga tatlong bookstore yun, masaya na ako…pero meron ba? Wala? Ni wala ngang comic alley o kahit Tokyo kids man lang…CD-R King o kahit ano..basta yung mejo kaaya-aya naman pasyalan… pupunta ba ako ng SM para sa dental services? O ky para sa Bangko de Oro? E bkit ang lalaki ng puwesto nila…haay…walang kwenta.

Kaya nagpalipas na lang ako ng oras sa may national bookstore, kung san ako lagi lumalagi kapg nasa SM Sucat ako. At nagbasa ng mga libro…nagustuhan ko dun ung tungkol sa mga dictator e…binabasa ko kasi ngayon ung Ender’s Saga ni Orson Scott Card…e may pagkawarfreak cguro ako kaya mahilig ako sa mga strategy at konting history…

Mga 9:20 lumabas na ako ng SM…Uuwi na ako…

Walang fx…pero may jeep naman.

Kaya lang bigla kong naisip na gawin ang isang bagay na di ko pa nagagawa, cguro dahil angst-ridden lang talaga ako…

teka…bakit hindi kaya lakarin ko hanggang bahay?

No comments:

Post a Comment