Friday, December 16, 2005

alaala ng mga Pasko sa paaralan

kanina napadaan ako sa Lycee (dito ako nag-highskul). mga 8:30 pa lang un. pero maraming estudyantet sa labas... naka-civilian... ay oo nga pala... last friday ng pasukan nila...kaya syempre christmas party...nakakamiss din un...last christmas party ko sa isang paaralan e nung 2002 pa...three years ago... wala na rin akong natatanggap na exchange gifts o monito monita...
ngaung taon lang ulit ako makakaranas ng christmas party sa skul.
___________________________

naalala ko ung wisdom socks nung fourth year...kung ano-anong kalokohan ung mga pinagsususulat ng mga kaklase ko sa akin...meron dun mumurahin muna ako bago babatiin ng merry christmas...pag sa babae galing syempre mejo serious...mga "don't change" saka "thank you"...atsaka ung pagsasayaw naming mga COMMEL sa C.A.T. ng Asereje...pati ung OIC namin ikinahiya kami e...hehe.
___________________________

saka nung gumala kami pagkatapos ng party nung third year, pumunta kami sa glorietta...may muntik nang maiwan ng jeep (c javier), may nadapa sa bus (c gamboa)...ung isa naman nadapa sa sinehan (c lamis)... may umutot sa elevator (c lamis pa rin o kaya c javier)...may nag-iwan ng isang buong cake sa foodcourt (c froilan), saka may nag-uwi ng maraming chicken, spaghetti at 1.5 l na coke para daw sa nanay nya...(c pagc)...kung di pa kami mangongonsensya di pa magbibigay...tsk tsk.
___________________________

nung second year wala lang...jan lang sa filinvest...binastos pa raw c abi nung isang lalaki habang papunta kami dun galing alabang...saka kinse ata kami nun...ang masaya kumain na kami at lahat libre pa rin...salamat kay j.b, ferbert at alvin.
___________________________


at sino bang makakalimot sa first year...(syempre silang lahat maliban sa akin) kung saan nalaman kong wala na pala sa uso ang turn-ups sa maong...kung saan di ko na maalala ung mga kinain ko...pero naalala ko sya...isinali kami sa game...magpartner kami...dugtungan ng mga body parts depende kung ano ung required... namumula ako sa hiya...pinipilit kong wag ngumiti kasi malalaman nilang nag-eenjoy ako kapartner sya...pero napapangiti pa rin ako...hawak ng kaliwang kamay ko ang kanang tenga nya...parang matatanggal nga raw ung tenga nya sa tindi ng hawak ko...gnun ako ka-kabado... natalo man kami sa kontes na un...iba e...masaya... paskong- pasko... =) (*ngiti hanggang tenga*).

pagkatapos ng party di ko na maalala kung ano nangyari, pero naaalala ko nagpunta akong nag-iisa sa computer shop para maglaro ng Starcraft...for the second time...naadik kasi ako kaagad... pero siguro kung gumala sila nun at sumama ako...mas marami akong magagandang alaala tungkol sa kanya kaysa sa walang katuturang terran missions na nilaro ko nung araw na un...
___________________________

at bukas christmas party ulit...ano naman kayang alaala ang maiiwan sa akin??

sana masaya naman... =)

No comments:

Post a Comment