Sunday, October 13, 2013

Overanalysis

"What would you attempt to do if you knew you could not fail?"
- Robert Schuller

I can’t stop thinking about this.

I’m trying to remember how it started again, because I have buried this at the back of my mind and then it resurfaced again. Maybe the dreams brought it back. Maybe that new couple in the office did. I’m not sure. But now I can’t stop thinking again.

I can say I’m fairly content with my current state. I mean, I could buy what I want if it's reasonable and do what I want. No real big problems aside from the usual I'm an atheist hiding in the midst of theists.
I have stability. But maybe it's true that we're insatiable beings. We always look for more...

If there is one thing I want right now, well, you know I wanted to have a girlfriend. Such a loser statement, damn it, but I can’t help it if it’s true. I've been spending my weekdays and Saturdays alone, really, and although it’s been fine for a long time, I’m beginning to wish I could have it another way. I've been going places alone and I still find it enjoyable, even though it means most of the time, I eat out alone or do most things alone. It’s just that, I would like to know how it feels like to walk the mall or go somewhere with someone. I think I had that, way, way back in college and one other time after.

But it has been a drought, I tell you. A dry spell, if you will. I believe it has been by choice. Some people have a hard time getting over unrequited love and I took a long time. It made me miss opportunities, I guess, but I’m stubborn and I accept it. I have always believed that I shouldn't force the issue and wait for things to happen. But maybe sometimes, those things are waiting for you.

A week or two ago, we had some discussion with some in the team. I've been asking them personal questions and they wanted to ask me some in return. They asked me if I ever had a girlfriend. And I said I haven't had one. It's a usual question and I've figured out how to answer it without sounding like a loser. They asked if I had crushes in the office and I told them I did. Who doesn't, right? They asked if I ever courted anyone in the office. And I said I did not. Not one in almost six years. I figured I could give them a reason that there were circumstances that hindered that, blah blah. But the next question was a good one:

Was there anyone in the office that I would have courted if I could, but I didn't and why.

In retrospect, I think there might be several. But at that moment when the question was asked, I could only think of only one. We'll call her Meadow.

Monday, September 16, 2013

Updates

Hmm. Naaalala nyo ba yung trabahong nabanggit ko sa inyo sa nakaraang post? Kalimutan nyo na, kasi hindi naman yun natuloy. Di na tumawag ulit after nung huling interview. Inaamin ko, hindi ko pinaghandaan yung interview. Nagdesisyon na rin kasi akong manatili dito sa pinagtratrabahuan ko. At yung resulta ng interview parang 50-50. May sablay akong mga sagot. Meron din namang tingin ko ay ok. Pero tingin ko bago maghanap ulit ng work, kailangan maayos ko na ung mga sasabihin ko. Panglumang role pa kasi yung pinaghandaan ko.

Yun lang naman. Iniisip ko kung ano pang nangyari nung August. Nagsick leave pagkabalik galing Cebu-Bohol. 2 araw dahil sa gastroenteritis. Nagdeliryo ulit. Hmmm, natengga sa bahay nung Maring, 2 araw na malakas ang ulan at nawala yung susi ko sa kensington kaya di ko naiuwi yung laptop. Instant vacation leave tuloy. Nawala ata yung susi nung nakasama ako sa libre sa Hooters. (Nasan na kaya yung picture ko nung nasa US dun sa hooters. Di na napost.) Nagbirthday ang pamangkin ko sa pinsan. Bumalik ulit ako ng bahagya sa pagdrodrowing.

Friday, August 2, 2013

Decisions

“The hardest thing about the road not taken is that you never know where it might have led.” 
― Lisa Wingate, A Month of Summer

Hmm. Pasensya, halos 2 buwan na naman akong hindi gumawa ng entry. Nangyayari naman yun kahit active blogger, pano pa kaya kung tulad kong seasonal atang maituturing. Tapos may kausap din kasi ako sa facebook tungkol sa mga bagay bagay kaya naman parang mas madali magkwento dun kasi yun nagrereply, di tulad nyo basa lang nang basa. Hehe.

Hmmm. Nagpunta pala kami ng Cebu at Bohol last week, 6 days 5 nights. Nagfile nga ako sa opis ng VL for 5 days kaso pagbalik ko, nagkasakit naman ako. Baka tengga sa bahay ng 3 pang araw. Acute gastroenteritis daw saka UTI. Saka ko na ikwekwento yun kung sakali dahil di yun ang bumabagabag sa isip ko ngayon.

Nitong mga nakaraang linggo may tumawag sa akin opurtunidad para sa ibang trabaho sa ibang bansa. Nung una, gusto ko lang malaman kung hanggang saan mapupunta. tapos napagtanto kong hindi ko gusto ang contractual position na gusto nila i-offer. Nagdecline ako. Kaso tumawag sila ulit at tinaasan ang sweldo, halos doble kung itatapat sa monthly ko. Nagdecline pa rin ako at sinabi kong di ako komportable na contract position sya. Tumawag ulit at sinabing pagkatapos ng anim na buwan ay para ihire na. Hmmm. Umayon na rin akong mainterview.

Nakatapos na ako ng 2 interview, isa mga 15 mins, yung isa tiningnan lang ata hitsura ko sa camera. Bukas meron pang isa. Hmm. Kinakabahan? Oo. Meron namang kaba bawat interview para sa akin kahit nung wala naman akong balak kunin yung work. Last year ata naka-apat ako na interview. Hmm. Sa lahat ng yun, isa lang ata napasa ko (di ko lang sigurado kung walang kinalaman yung asking salary ko dun sa iba). Madami na nangyari pagkatapos nun. Naging team lead na ako. Ok ang team na napunta sa akin. Ok ang manager. Gaya ng sinabi ko sa lahat ng nakausap ko, pinaka-OK na sa lahat ng naging manager ko. Pangit pa rin ang metrics, mahirap pa rin para sa mga bago, pero di na ako ganun ka-apektado. Di na kasi ako "doer" ika nga, more on management na. Pwede nga kung gugustuhin ko, na lumipas ang isang araw na wala akong ginagawa. Lalo na kung hindi maingay ang mga project. It's a comfortable and stable job.

Ano ba ang negative? Hmmm. Comfort zone ko na sya, di na ganun ka-challenging siguro madalas. Pero minsan challenging pa rin naman. Hmmm. Parehong ofis pa rin for 5+ years, medyo nakakasawa na rin siguro. Sweldo, syempre. Pero kung tutuusin ok na ok naman na yung nakukuha ko ngayon. May extra na akong panggastos sa mga luho at nakakaipon pa din. GF na nga lang ang kulang e. Hehe. Gusto ko ba maging manager, bakit hindi in the future, pero baka 2-3 years pa yun, malayo pa. pero malay natin, di rin natin masasabi, kasi kung sinabi mo sa akin nung July 2012 na magiging Team Lead ako ng August baka tinawanan pa kita sa sobrang malayo mangyari yun sa tingin namin nung mga panahon na yun. Buti nga nalimutan na nung iba na nakipagpustahan ako na pag naging senior ako within 2012 e ililibre ko sila lahat.

Hmmm. Dun sa isang trabaho ano ba ang positive? Hmmm. Yung sweldo. Pero pag sinum-up ko naman yung lahat ng allowances at bonuses, 15% lang ang difference kung vs salary lang nila. May nag-offer nga ng contractual sa akin nasa ganun din ang presyo dito pa yun sa Pilipinas. Ibang workplace, ibang lugar pero abroad, malayo sa pamilya. Baka mahomesick. Pero nung nasa US naman di naman ako nahomesick. Madali na rin kasi ngayon makipagcommunicate dahil sa internet.

Haay. Nahihirapan ako magdecide. Di ko alam, parang ayaw ko iwan yung team kasi ok naman. Balak ko nga hanggang PM na ako magsstay dun baka kung nagkataon. Pero di kaya sayang yung oppurtunity? Wala pa naman. Baka di pa pumasa sa interview bukas pero hmmm. Pano kung pumasa, makakatanggi pa ba ako? Anong mas mabigat?

Kung last June dumating yung ganito, walang kurap yung isang trabaho agad ang pipiliin ko. Malaking factor siguro yung team na rin saka yung manager. Ok kasi. Pero pano kung wala sila, magsstay ba ako? Kasi di rin naman sila fixed na nandun. Lilipat din yung iba pag nagtagal. Pano kung magreshuffle at biglang malipat ng team? Sapat ba ang pag-asa na baka pag tumagal maging manager din ako? Kung lumipat naman ako, may tsansa ba na umangat naman ako o puro ganun na lang ang gagawin ko hanggang tumanda ako.

Tamang tama yung quote sa taas. Mahirap kasi di mo alam kung ano talaga yung mangyayari kung yung isa yung pinili mo.

Alin kaya? Stay or go?

Monday, June 3, 2013

Messed Up People This Week

So it's been days and I did not act on what I felt that past weekend. And just like what happened weeks before, the feeling has ebbed somewhat. Probably means if I don't let it prosper, it would not really grow. And if I don't think about it that much, it would not get any worse.

I had two days off after last weekend and though I contemplated on leaving the house and watching the StarTrek movie by myself, I ended up not leaving the house at all for two days. I just alternated from watching anime / tv / movie, to building gunpla and playing Arkham Asylum. So I did not feel rested at all when I got back at the office. Everything's busy again and we forget.

Someone stole my headset while I was sleeping at the office. I had it on me while I was sleeping at the quiet room and when I woke up, it was gone. It was a good headset, dammit. An AudioTechnica SJ55. I was fond of it because even after a year it was still working OK. Then it was just gone. I may have wanted to replace it but I did not want to lose it that way. I hope I never catch that thief because I want to give him a good beating even if I get suspended for it. When you're already earning money, I don't understand why you would still steal from others. I mean poor people would have their reasons but you have a job...you shouldn't have to steal from others. That is just messed up. And even though I don't believe anymore in heaven or hell, I hope you get what you deserve, in this life or in the next. May the hands that you use to steal from others fail you when you need them.

Someone shouted swear words at my father last weekend. A driver of another car who must be in a real hurry to shout at my father for blocking the road for 10 seconds just so my mother can get out of the car. I was appalled at that guy's attitude. I don't know what made him act that way, but I hope he learns a lesson. Though my father was wrong that time since he did block the road, he did not need be cursed at. A shame unto him, for he even had a child on the passenger seat when he shouted obscene words at us. May you encounter someone who wouldn't stand for what you say and make you eat your words.

Tuesday, May 28, 2013

Drunken Revelations pt.2

After the first glass, you see things as you wish they were. After the second, you see things as they are not. Finally, you see things as they really are, and that is the most horrible thing in the world.” - Oscar Wilde

Sabi nga nila pag nakainom nawawala ang mga inhibition mo… may mga di naman sumasayaw pero bigla na lang humahataw nang wala sa sarili… may mga sobrang seryoso sa buhay na bumabalik sa pagkabata at nagiging maharot at makulit… may mga tahimik na bigla na lang nagiging makwento. Minsan, nagiging makatotohanan din ang usapang lasing lalo na pag seryoso.

Di pa ako ganun kalasing nung panahon na yun para sabihin lahat, kahit na hmmm… iniisip ko kung mas maganda kung nasabi ko na din yun. Para may makaalam na kung sino talaga yung gusto ko “iprospect”(?) at mapilitan na akong may gawin…di yung ganitong puro overanalysis na naman ako at puro pagpapaliban…

Pero mabalik tayo sa usapan… napansin ko na sa lahat ng naging parte ng lovelife ko na umabot naman ng mutual understanding phase, e tila sinabotahe ko bago maging higit pa kaysa dun. Ayos na ang standing ko e, tapos para bang unti unti e natutulak ko sila palayo. May mga bagay akong ginagawa o di ginagawa at ang nangyayari lumalabo ang tsansa ko… tapos aayaw agad ako sa sandaling magmukhang malabo. Kesyo ayaw ko ipilit ang sarili ko sa ayaw sa akin o kung ano pang dahilan maisip ko.

Takot ba ako mag-commit? Hmmm. Napansin ko na baka nga totoo... Di lang ako takot ma-reject. Takot din ako pag nagtuloy-tuloy. At minsan pinipili ko pang mareject na lang. Naaalala ko inisip ko nun sa isa, “mukhang mas magiging masaya sya dun sa isa kaysa sa akin”. Anong gagawin ko kung sakaling kami na, dami-daming gagawin siguro, etc... Dun nga sya napunta sa isa, pero di na rin naman sila ngayon kaya siguro di rin sya ganun kasaya.

Baka nga naman di ko binigay lahat nung “nanliligaw” ako sa kanila. May mga bagay akong pwedeng gawin pero pinili kong hindi na lang. Baka sayang sa effort. Baka mauwi lang sa wala. Baka pumalpak. Alam ko mali, pero hmmm, minsan talaga iba ang alam mo sa ginagawa mo. Baka makapagbigay pa ako ng mabuting payo sa ibang tao pero mukhang ako mismo di ko kayang sundin ang payo ko.

Bakit ko ba sinasabi ito dito. Nagmumukha lang akong loser. Siguro gusto ko lang maupo at isipin ang mga ganitong bagay, lalo na wala naman akong kausap sa mga ganito. Maiisip ko lang kung ita-type ko o isusulat at matagal-tagal na rin akong di nagsusulat… Baka pag sinabi ko sa iba e kung ano pa isipin nila. Walangjo. Matanda na ako ganito pa din. Marami sa kilala ko may asawa na o kaya nasa long term relationship. Ako ni ha ni ho, wala pa. Hmmm.


Kailangan ko ba malasing ulit para malinawan?

Drunken Revelations pt.1

I can honestly say that I was never affected by the question of the success of an undertaking. If I felt it was the right thing to do, I was for it regardless of the possible outcome” – Golda Meir

Dahil nitong mga huling buwan ay sobrang toxic sa trabaho at dahil na rin siguro napag-alaman na ng mga empleyado wala nang company outing this year dahil “maliit” lang daw kinita ng company (mga 100+ million dollars lang kasi), napagplanuhan mag-outing ng mga team lead sa amin. At dahil pangkat pinuno na rin ako, kasama na ako dun. Sa totoo lang nagkalimutan na kung kelan talaga ito, kaya nagulat na lang ako nung nakaraang Miyerkules nung nalaman ko na sa Sabado na pala. Tinamad na ako sumama nung una dahil balak ko din pumunta ng SM North nung sabado para tingnan yung mga sumali sa gunpla competition… pero dahil meron din akong, hmm, ulterior motive(?), e yung outing na lang ang pinili ko.

Masaya naman ang naging outing. May napuntahan kaming kainan na sa subic lang ata meron – yung Chowking este Xtremely Xpresso CafĂ©. Parang gastro dahil kain lang kami ng kain. Tapos marami napagkwentuhan at puro tawanan. Yun nga lang di na ako nakalusong sa dagat dahil pagkadating namin sa kwarto tulog agad ako (wala pang tulog dahil diretso ako galling night shift) pero sa pagkakaalala ko naman di rin naman ganun ka-espesyal ng beach sa part na yun. Kaya ok lang kahit di nakalublob

Nung gabi ng sabado, pagkatapos kumain sinimulan na naming ubusin ang naturingan tubig ng buhay. Akala ko nung una, kukulangin ang nabili dahil marami kami pero nung huli, mahina pala ang mga kalaban. Hehe. Walo lang kasi sa amin ang uminom, at madami ang maagang nalasing. Isang baso ang umiikot at isang baso para sa matatalo sa larong "jackass". Bale yung jackass ay isang drinking game kung saan may mga katumbas na gagawin ang bawat card sa isang deck. Kunyari, Ace ang nabunot, magbibigay ng category yung nakabunot tapos lahat magbibigay ng example. Ang walang maisip o magkamali o magsabi ng nasabi na, iinom. Tapos bubunot ng panibagong card yung susunod.

Nung naisipan ko na magkwento ng lovelife kong masalimuot, tatlo na lang kaming natira sa mesa. At habang nagkwkwento ako, nakatulog na rin yung isa. Habang kinukwento ko, napansin nung kausap ko na may pattern yung mga nangyari. Hmm. Di ko rin naisip yun, bukod sa karamihan ng pakikisalamuha ko ay hanggang mutual understanding lang umabot at tila nag-seself sabotage ako... sabi nya, hindi pa raw kami ng prospect ko e nagpapakita na raw ako ng bad side ko. Sabi ko naman hindi ko naman basta basta pinapakita yun. Pag napuno lang ang salop. Ganun lang talaga akong tao, hindi mo dapat pinupuno ang salop ko dahil mag-lalash out ako. Pakiramdam ko naman pasensyoso akong tao pero meron lang mga time na pag sunod sunod na yung ginawa mo at nagcountdown na ako sa sarili ko tapos tinuloy mo pa din gumawa ng di maganda sa akin, nagdidilim na ang mundo...

Tuesday, May 14, 2013

Obligatory Birthday Post

Birthday ko na naman. Nahuli lang ng konti si PNOY kaya di nya na-declare na holiday ngayon. Pero di bale, holiday naman kahapon para sa inyo. Walang anuman, Pilipinas.

3 hours ata kami sa presinto kahapon, parang hinuli na rin kami imbis na bumoto sa tagal ng proseso ng botohan. Buti na lang at gumagana yung PCOS sa cluster namin. Yung sa kabila kasi nag-iinarte. Ang init, para na rin akong nag-exercise sa tinagaktak kong pawis. Dapat may priority lane din kapag malapit na ang birthday. O kaya express lane kung konti lang iboboto mo, parang sa supermarket. 8 senators or less.

May mga binoto akong pasok sa pagka-senador sa huling bilang, meron ding hindi. Iniisip ko na lang, at least yung ibang ayaw ko di rin pasok sa magic 12. haay... marami pa rin talagang hindi informed na Pilipino, ang masakit, mas marami sila sa mga informed. Hindi magandang pangitain para sa susunod na halalan.

Pero teka, araw ko ngayon kaya tama na ang tungkol sa kanila...

Salamat sa Facebook at maraming nakaalala at bumati. Hehe. Nasa 30+ na ata sila. Salamat.

Lahat ng na-wish ko nung 2007, nakuha ko naman na at lampas pa kaya masaya ako pag naalala ko. Akalain mo. Kung magka-time machine lang ako, sasabihan ko yung 21 year old na ako at sasabihin kong makukuha mo din yang mga yan. Magkakatrabaho ka rin kahit akala mo sa mga panahon na yan e bagsakin ka at wala nang kukuha sayo. Magiging ok rin ang lahat kahit paano.

Kung magkatimemachine sana yung 28 year old na ako at balikan ako ngayon. Sana sabihin naman nya, "di mo aakalain pero magkaka-girlfriend ka na bago ka magbirthday ulit". Hehe. Yun na lang siguro ang wish ko ngayon lol. Di naman ako nagmamadali. Pero wth, antagal naman...