Tuesday, May 28, 2013

Drunken Revelations pt.1

I can honestly say that I was never affected by the question of the success of an undertaking. If I felt it was the right thing to do, I was for it regardless of the possible outcome” – Golda Meir

Dahil nitong mga huling buwan ay sobrang toxic sa trabaho at dahil na rin siguro napag-alaman na ng mga empleyado wala nang company outing this year dahil “maliit” lang daw kinita ng company (mga 100+ million dollars lang kasi), napagplanuhan mag-outing ng mga team lead sa amin. At dahil pangkat pinuno na rin ako, kasama na ako dun. Sa totoo lang nagkalimutan na kung kelan talaga ito, kaya nagulat na lang ako nung nakaraang Miyerkules nung nalaman ko na sa Sabado na pala. Tinamad na ako sumama nung una dahil balak ko din pumunta ng SM North nung sabado para tingnan yung mga sumali sa gunpla competition… pero dahil meron din akong, hmm, ulterior motive(?), e yung outing na lang ang pinili ko.

Masaya naman ang naging outing. May napuntahan kaming kainan na sa subic lang ata meron – yung Chowking este Xtremely Xpresso Café. Parang gastro dahil kain lang kami ng kain. Tapos marami napagkwentuhan at puro tawanan. Yun nga lang di na ako nakalusong sa dagat dahil pagkadating namin sa kwarto tulog agad ako (wala pang tulog dahil diretso ako galling night shift) pero sa pagkakaalala ko naman di rin naman ganun ka-espesyal ng beach sa part na yun. Kaya ok lang kahit di nakalublob

Nung gabi ng sabado, pagkatapos kumain sinimulan na naming ubusin ang naturingan tubig ng buhay. Akala ko nung una, kukulangin ang nabili dahil marami kami pero nung huli, mahina pala ang mga kalaban. Hehe. Walo lang kasi sa amin ang uminom, at madami ang maagang nalasing. Isang baso ang umiikot at isang baso para sa matatalo sa larong "jackass". Bale yung jackass ay isang drinking game kung saan may mga katumbas na gagawin ang bawat card sa isang deck. Kunyari, Ace ang nabunot, magbibigay ng category yung nakabunot tapos lahat magbibigay ng example. Ang walang maisip o magkamali o magsabi ng nasabi na, iinom. Tapos bubunot ng panibagong card yung susunod.

Nung naisipan ko na magkwento ng lovelife kong masalimuot, tatlo na lang kaming natira sa mesa. At habang nagkwkwento ako, nakatulog na rin yung isa. Habang kinukwento ko, napansin nung kausap ko na may pattern yung mga nangyari. Hmm. Di ko rin naisip yun, bukod sa karamihan ng pakikisalamuha ko ay hanggang mutual understanding lang umabot at tila nag-seself sabotage ako... sabi nya, hindi pa raw kami ng prospect ko e nagpapakita na raw ako ng bad side ko. Sabi ko naman hindi ko naman basta basta pinapakita yun. Pag napuno lang ang salop. Ganun lang talaga akong tao, hindi mo dapat pinupuno ang salop ko dahil mag-lalash out ako. Pakiramdam ko naman pasensyoso akong tao pero meron lang mga time na pag sunod sunod na yung ginawa mo at nagcountdown na ako sa sarili ko tapos tinuloy mo pa din gumawa ng di maganda sa akin, nagdidilim na ang mundo...

No comments:

Post a Comment