Birthday ko na naman. Nahuli lang ng konti si PNOY kaya di nya na-declare na holiday ngayon. Pero di bale, holiday naman kahapon para sa inyo. Walang anuman, Pilipinas.
3 hours ata kami sa presinto kahapon, parang hinuli na rin kami imbis na bumoto sa tagal ng proseso ng botohan. Buti na lang at gumagana yung PCOS sa cluster namin. Yung sa kabila kasi nag-iinarte. Ang init, para na rin akong nag-exercise sa tinagaktak kong pawis. Dapat may priority lane din kapag malapit na ang birthday. O kaya express lane kung konti lang iboboto mo, parang sa supermarket. 8 senators or less.
May mga binoto akong pasok sa pagka-senador sa huling bilang, meron ding hindi. Iniisip ko na lang, at least yung ibang ayaw ko di rin pasok sa magic 12. haay... marami pa rin talagang hindi informed na Pilipino, ang masakit, mas marami sila sa mga informed. Hindi magandang pangitain para sa susunod na halalan.
Pero teka, araw ko ngayon kaya tama na ang tungkol sa kanila...
Salamat sa Facebook at maraming nakaalala at bumati. Hehe. Nasa 30+ na ata sila. Salamat.
Lahat ng na-wish ko nung 2007, nakuha ko naman na at lampas pa kaya masaya ako pag naalala ko. Akalain mo. Kung magka-time machine lang ako, sasabihan ko yung 21 year old na ako at sasabihin kong makukuha mo din yang mga yan. Magkakatrabaho ka rin kahit akala mo sa mga panahon na yan e bagsakin ka at wala nang kukuha sayo. Magiging ok rin ang lahat kahit paano.
Kung magkatimemachine sana yung 28 year old na ako at balikan ako ngayon. Sana sabihin naman nya, "di mo aakalain pero magkaka-girlfriend ka na bago ka magbirthday ulit". Hehe. Yun na lang siguro ang wish ko ngayon lol.Di naman ako nagmamadali. Pero wth, antagal naman...
3 hours ata kami sa presinto kahapon, parang hinuli na rin kami imbis na bumoto sa tagal ng proseso ng botohan. Buti na lang at gumagana yung PCOS sa cluster namin. Yung sa kabila kasi nag-iinarte. Ang init, para na rin akong nag-exercise sa tinagaktak kong pawis. Dapat may priority lane din kapag malapit na ang birthday. O kaya express lane kung konti lang iboboto mo, parang sa supermarket. 8 senators or less.
May mga binoto akong pasok sa pagka-senador sa huling bilang, meron ding hindi. Iniisip ko na lang, at least yung ibang ayaw ko di rin pasok sa magic 12. haay... marami pa rin talagang hindi informed na Pilipino, ang masakit, mas marami sila sa mga informed. Hindi magandang pangitain para sa susunod na halalan.
Pero teka, araw ko ngayon kaya tama na ang tungkol sa kanila...
Salamat sa Facebook at maraming nakaalala at bumati. Hehe. Nasa 30+ na ata sila. Salamat.
Lahat ng na-wish ko nung 2007, nakuha ko naman na at lampas pa kaya masaya ako pag naalala ko. Akalain mo. Kung magka-time machine lang ako, sasabihan ko yung 21 year old na ako at sasabihin kong makukuha mo din yang mga yan. Magkakatrabaho ka rin kahit akala mo sa mga panahon na yan e bagsakin ka at wala nang kukuha sayo. Magiging ok rin ang lahat kahit paano.
Kung magkatimemachine sana yung 28 year old na ako at balikan ako ngayon. Sana sabihin naman nya, "di mo aakalain pero magkaka-girlfriend ka na bago ka magbirthday ulit". Hehe. Yun na lang siguro ang wish ko ngayon lol.
No comments:
Post a Comment