Friday, December 14, 2007

Immortality

I pray thee send me back my heart,
Since I cannot have thine;
For if from yours you will not part,
Why, then, shouldst thou have mine?
~John Suckling
Sabi nga ni sir namre, no updates = dead blog.
Buti na lang at immortal ang blog na ito. -_- Hehe.
Lampas isang buwan na rin nung huli akong nag-update. Na naman. Hmm… kataka-takang hindi ako makapagpost samantalang marami akong gusto sabihin at maraming gustong ikwento. Maraming gustong i-barbero.
Hindi ko rin maipaliwanag e… bigla na lang. parang lang, na tila walang sapat na oras para magtype. Marami lang sigurong gustong sabihin na hindi masabi. Mahirap rin minsan na kilala ka ng nagbabasa ng sinasabi mo. Lalo na kapag tungkol sa mga taong yun ang ikwekwento mo. Baka isang araw e mawala na lang ako sa mundo. Assasinated – Special Order.
Marami rin naman kasing pinagkaabalahan. Kumbaga, e nagkabuhay ako sa labas ng Internet kahit paano. Hmm… hindi rin pala. O sige, kahit konti. Ah, basta ganun. At blah blah blah blah. Tapos ang kwento.
Lahat kasi ng magandang palabas, nagkakaroon ng season break. Syempre, kailangan i-build up ang suspense. Hintaying magmakaawa ang mga presidente ng mga bansa, mga diplomat, politiko, artista, doktor, manunulat, bago ituloy ang next season.
Para mapanatili ang world peace at mabigyang katahimikan ang aking libu-libong tagasubaybay, ay itutuloy ko na ang next season.

Sabi nila, ang mga napapailalim raw sa zodiac sign na Taurus ay hindi lang nagtataglay ng di mapantayang kagwapuhan at kagandahan, sila rin ay biniyayaan ng walang katapusang tigas ng ulo. Stubbornness, kumbaga.
At oo, may pagka-applicable ang kantang Your Song ng Parokya ni Edgar sa aking love story. One step forward, one step forward. two steps back lang ang nangyayari sa aking mala-telenobelang buhay pag-ibig. Tanging ina talaga.
Tuwing dumadating ang kaarawan nya ako ay tinotopak. Pero ok lang e, di ko naman sya nakikita. Matagal na rin hindi kami nagkaka-kamustahan. Ayos lang. Konting topak. Lilipas din. Wag ka lang babalik. Magpaparamdam. Mabubuhay nang bigla. Dahil ako naman ang mamamatay. Ulit.
Sinabi ko sa sariling wag na siyang batiin. Ayun, binati ko pa rin. Wag pupunta sa birthday ng dating kaklase dahil pupunta sya dun. Syempre, pupunta pa rin. Wag itetext. Wag itetext. Wag itetext. Ay naku, nagsawa na rin akong kakakontra. Bahala ka sa buhay mo. Itext mo, anak ka ng nanay mo.
Wag mong itetext dahil hindi rin magrereply. At pag minalas ka, baka magreply. Dahil kapag nagreply, magtetext ka ulit. Paano kapag hindi na nagreply…
Lahat ng pagkikita namin laging may time limit. Akala ko ba titigil ang oras. Hindi rin. Sandali lang daw sya dun. Bilisan ko raw sabi nila. Baka di ko raw maabutan.
Hindi ba mas mabuti na lang kung ganun?
___________________________________
Nakita ko sa kanto ang dati naming MVP. Pinsan ng may birthday. May asawa na sya.
“O, nandyan si ano ah.”
“Ah talaga?” Kunyari di ko alam. Ano ka ba, kaya nga ako pumunta e.
Parang ayoko nang tumuloy. Dapat pala tinapos ko na lang ang test matrices ko sa OJT. Dapat nagpakaburo na lang ako sa harap ng PC. Pano ba ako napunta dito? May project pa pala ako. Teka, wag na lang.
Teka, pare, may pupuntahan pa pala ako. Uy, di mo ba ako naririnig, ayoko na tumuloy!
“O ayan na si ninong!” sabi nung nag-imbita sa akin. Nakita na nila ako.
“Ninong!”
Taking fire. Need backup!
Fire in the hole!
Team, fall back!
Man down! Man down!
Ayun sya nakaupo. Kumakain. Ano ba itong pinasok ko. Eto namang si birthday inviter, nanggatong pa. Dun pa ako pinaupo sa tabi. Anong sasabihin ko? Ano bang dapat gawin? Tanging ina.
Virtual Memory Low. Increase page file size.
“Asan na ang regalo ko?”
Ngingiti ako. “Next time na lang,” narinig kong sinabi ko.
“O, ninong kain muna,” sabi ni birthday inviter. “Saan ka galing?” sabay abot ng pinggang puno ng pancit malabon. Sino ang kakain nun, ako? Nasusuka ako. Ayoko ko kumain.
“OJT sa Makati. Asan na yung iba? Si teacher’s daughter at registered nurse?” Umalis na raw. Nag-uusap siya at si assumptionista. OP ako. Ala pala akong tropa na darating. Isa itong set-up! Set-up! Nakatalikod sya. Lulunukin ko na lang itong pansit.
Nung lumaon nakausap ko rin sya ng konti. Konti lang. Hindi talaga ako ipinanganak para sa mga ganitong pagkakataon. Maya-maya naghanda na syang umalis. Binigay ko ang regalo ko.
“Hala. Joke lang yun, ano ka ba? Akin to?”
Hindi. Akin yan. O_o Akin na nga. Pinakita ko lang sa’yo e. Akala mo naman…
“Thank you.”
Thank you lang? oh, c’mon. tatlong bundok ang tinawid ko para dyan. Haha.
May pasok pa raw sya ng alas-siyete. Kailangan nya na umuwi. Nightshift sya. Hinatid namin sya sa sakayan. Konting usap. Konti lang. Hindi talaga ako ipinanganak para sa mga ganoong pagkakataon.
“Salamat sa gift ah. Nag-abala ka pa. Binibiro lang kita.”
“Minsan lang naman e.” Thank you lang? Thank you lang?
“Sabi mo yan ah.” Ngingiti sya. Ngingiti ako. All is well in the world.
_______________________________
Happy ending?
Asa.
Pagkatapos ng araw na yun. Naglaho na naman sya. Gone with the wind. Ok lang, ok lang. Wag ka magreply, ok lang. Wag ka magtext, ok pa rin. Mahal na ang piso ngayon, alam ko. E ano kung nilamon kang muli nang lupa. E ano? Mali, mali, mali. Ayoko na talaga. Oo, ayoko na sabi e. Nakakamanhid na.
Immortal na ako.
Pero hihimlay lang ako sandali.

14 comments:

  1. Nabuhay na si ninong. Iba talaga ang imortal. Ang tagal niyang nawala, tapos love life pa din ang kanyang matinding iniisip.

    Pagbigyan mo naman yung ibang chicks ninong. Hayaan mong makatikim sila ng matindacious na charisma mo, at yung itsura mong kamukha ko sa umaga. Ahaha!

    Mabuhay ka. Pati na din ang blog mo.

    ReplyDelete
  2. Mamarcha ka na sa Pebrero Ninong? Pareho pala tayo bwahahaha!!!

    Amfness, akala ko ba ako na lang ang may giyerang nilalaban,ikaw pala meron!!! Nang-iiwan ka... bad... tsk tsk tsk...

    @Tannix, kung pwede lang talaga magMuslim si Ninong, matagal na niyang ginawa yun bwahahahha!!!

    ReplyDelete
  3. tamang tama ninong ang balik mo magpapasko na hehehe...

    yan nag enjoy na naman ako sa nobela mo.

    mousey

    ReplyDelete
  4. @tannix - hmmm... oo nga e. give chance to others. tumatanggap na ako ng mga resume for internship. hahaha.

    @drei - idol ko kayo sir e. nauna akong magtaas ng bandila. ngunit sawi pa rin sa labanan. haha.

    @mousey - salamat sa pagka-enjoy. ginaganahan tuloy ako magpost ulit. :D

    ReplyDelete
  5. tsong welkam bak! ^_^

    dapat hinatid mo na hanggan sa trabaho nya, para nakapagusap pa kayo ng matagal. :D

    alam ko na kung san ka busy kaya di ka makapagupdate.. ^_^ hehehe.. gudlak sa lablyp mo ha!!

    nga pala, advance Merry Christmas po...

    -- karmi http://idlip.net

    ReplyDelete
  6. ninong!
    you're alayb!
    after years of slumber...
    ako e inaamag pa rin ang smiley...hehe

    parang mejo late na yung post mo ah...
    hmmm...
    mukang iniisip mo pa rin...

    ahh basta pag mayaman ka na e marami nang magpapasa ng resume sayu...

    basta akin yung batik-batik...
    hehe...

    ReplyDelete
  7. Asus, kung mga may asawa nga nalalagari yung nakakadena sa kanila, yun pa kayang si... (insert name here, PM me for info bwahahahah)

    Oo nga pala, di rin ako pwede sa 18, lalayas pamilya namin sa 17, before New Year ata balik...

    ReplyDelete
  8. Hahaha. Kelan mo kaya ipapakilala sa amin si Ninang? We're waiting... :)

    ReplyDelete
  9. @karmi - oo nga. maraming dapat sa buhay. but still..

    @beshan - hindi naman sa iniisip pa... dahil nga late na ang update... nagsisimula lang ulit ako mula dun sa pinag-iwanang post...

    @meryl - wag batiin. wala pa nga e... mahihiya yun magpakita sa akin. hahaha.

    ReplyDelete
  10. Immortal din sana ang blog ko...

    http://www.cultureshiok.com

    (di na sana kailangan ng ads)

    ReplyDelete
  11. hui.. maligayang pagbabalik hehe. :P

    ReplyDelete
  12. minsan, kahit anong pigil mo, mangyayari ang mga dapat mangyari. Tama ka nung sinabi mo na makakarelate ako sa post mo. Lagi kong sinasabi na kakalimutan ko na siya, pero di ko pa rin magawa. Grabe, pareho tayo ng estado ng Lablap.

    Hindi ko masabi na wag mo nang isipin, na wag mo nang pansinin. Pero kung ganyan siya kahalaga sa iyo, ang tanong ay kung kasama ka pa rin ba sa mga importanteng tao sa buhay niya.

    Ah, kumunsulta ka na ba kay "Joe d Mango" gaya ng sabi ko? hehehe...

    ReplyDelete
  13. @culture shiok - mas malakas pa ang blog mo sa akin... :D

    @lalon - salamat po!

    @siomai - hmmm... yung nga e... malamang hindi ako kasama. kasi kung kasama ako e di solb solb na ang pasko... hahaha. di pa ako kumukunsulta e. parang alam ko na rin ang sasabihin nya. hehe

    ReplyDelete
  14. Ah well, sir Feddie, I can sympathize. I leave you with a quote:

    "Giving up doesn't always mean you are weak; sometimes it means that you are strong enough to let go." - Author unknown

    Then again Ninong, you may be losing the battles, but who's to say you can't win the war? Many a tide of war has been turned by moments and events totally unexpected.

    Just think long and hard and stay strong, no matter what your choice may be. We'll always be rooting for you.

    P.S. Kelan ka dadaan ulit office? Generals! Ha ha ha.

    ReplyDelete