Friday, October 26, 2007

QA sa OJT

"Programming today is a race between software engineers striving to build bigger and better idiot-proof programs, and the Universe trying to produce bigger and better idiots. So far, the Universe is winning."
~Rich Cook


Abala ako nitong mga nakaraang araw. At magiging abala pa sa mga susunod.

Hindi ko na naasikaso ang blog na ito. Lalo na yung isa pang bago.

Sinasanay ko ulit ang katawan kong gumising ng maaga para pumasok. Hindi sa eskwela, o sa isang classroom lecture kung saan may prof, kundi sa trabaho na may grade din kapag lumaon.

Nag-o-OJT na si ninong.


Gigising ako ng alas siyete y medya. Gagawin ang ritwal sa umaga na almusal-noodtv-ligo-bihis pagkatapos ay aalis ng bahay ng alas otso y medya. Sasakay sa "shuttle" na nagkakahalaga ng halos kalahati ng aking arawang stipend. Kinse minutos at Makati na. Tapos halos kalahating oras para makarating lang ng Ayala Avenue mula sa DaangLangit dahil sa mabagal na daloy ng mga sasakyan at mga stopover.

Bababa ako sa "second bus stop" na labinglimang hakbang lang ang layo mula sa "first bus stop". Hindi pwede magbaba ng mga tao sa "third bus stop".

Titingala ako at tatanawin ang matatayog na gusaling parang mga punong gustong abutin ang langit. Makikita ko ang mga taong tila butong pinapatubo ang mga gusali. Lalakad ako ng konti. Masasalubong at makakasabay ang mga taong nakapolo, nakapolo-shirt, naka-slacks, nakaformal, nakacorporate attire.

Bihira ang naka-tshirt sa Ayala Avenue. Hindi mukhang ninong si ninong sa Makati. Para siyang naka-camouflage. Halos lahat ay mga ninong at ninang, senador, kongresista at mga pangulo.

Depende sa oras ang bilis ng lakad ng mga tao. Kapag alas nuwebe pa lang medyo mabagal pero habang umaakyat si Haring Araw e bumibilis rin ang kanilang mga hakbang.

Dahil nasa kabilang kalsada ang Plaza ng Langit sa Makati, bababa ako sa isa sa kanilang ubod ng linis na tulay sa ilalim ng lupa. Maraming patalastas ang paligid nito at umaakyat mag-isa ang hagdan nito kapag pataas ka na. Dahil maraming labasan ang tulay may mga simbolo ng gusto mong puntahan para hindi mabiro ng mga engkanto.

Pag-akyat ay sasalubong sa akin ang Pasipikong Tore ni Rufino. Dito sana ako mag-o-OJT kaya lang pinaghintay ako ng isa sa mga kumpanya dito ng ilang araw. Sa pangambang magipit ako sa oras, hindi ko na sila kinulit. Nagsimula na ako sa ibang kumpanya nung tumawag sila at nag-aalok ng mas malaking pampalubag-loob.

Sayang.

Di bale, ipapabili ko na lang ang kumpanya nila kay sir Kokok kapag naging ubod ng yaman na niya. Tapos saka ako mag-oOJT dun para mas malaki na ang allowance ko.

Konting lakad pa at mararating ko na ang aking destinasyon. Papatingnan ko sa gwardiya ang aking mga dalahin, baka sakaling nadala ko ang aking C4. Lagi ko namang naiiwan.

Kahapon ko lang nakuha ang aking pansamantalang ID, bago yun ay ilang araw rin akong nagtyaga na iwan sa kanilang tagatanggap ang aking School ID kapalit ng isang Visitor ID.

May apat na mahiwagang pinto malapit sa lugar ng tagatanggap at papasok ako sa unang bubukas. Papasok ako sa isang maliit na silid na bumubukas ang pinto sa iba’t ibang dimensyon. Pipindutin ko ang simbolong "4" at maghihintay.

Bubukas ang pinto. Makikita ko ang salaming pintong may batobalani. Nakapinid ng mabuti ang pintuan. Mabuti na lang at binigyan ako ng agimat para lampasan ang balakid na ito. Isang maliit na parihabang kulay puti. Itatapat ko ito sa pindutang umiilaw ng kulay pula. Magiging luntian ang ilaw at bubukas ang mahiwagang pinto.

Bilang patunay sa aking presensya, ililista ko sa isang papel ang oras ng aking pagdating katapat ng aking pangalan. May sumumpa ata sa kanilang mahiwagang tagalista ng presensya kaya ang mga tao’y nagtitiyaga sa mano-manong paglilista.

Whew. O_O.
____________________________

Walong araw na ako sa kumpanyang ito. Teloworks Inc. Philippines. Ang dating pangalan nila ay Enterworks pero nagkaroon ata ng merge kaya nabago ang pangalan.

Total hours logged : more or less 70 hours kasama na ang lunch break.

Trabaho : QA

Ano ba ang QA? Qute at appealing? Question and Answer? Quezon Ave.?

Ang QA ay tumutukoy sa Quality Assurance. Tawagin mo na akong mangmang pero nung isang taon, kapag sinabi mong QA, ang naiisip ko ay yung taong nasa conveyor line na tumitingin sa mga piyesa kung pasado ba ito sa quality tapos tatatakan ang produkto ng stamp na may nakalagay na Quality Checked.

Pero hindi lang pala panghardware ang QA. Dahil kahit ang Software Development ay mayroon ding Quality Assurance. Dahil wala namang taong perpekto at lahat ay nagkakamali, hindi imposible na ang isang program ay magkaroon ng maraming errors o bugs.

Minsan sa paggawa ng program mahirap i-anticipate lahat ng magiging mali lalo na kung ikaw ang gumawa ng program code. May mga bagay kasi na madaling ma-overlooked. Kung maliit lang ang program madali lang itrace kung saan at ano ang mali. Pero habang lumalaki ang program, mas humihirap rin ang pagdebug dito.

Kaya naman may separate group ng mga taong magchecheck ng nagawang program para makita ang mga bugs at maisaayos ang mga ito. Ang tawag sa kanila ay mga Qute at Appealing este Quality Assurance.

In short, ang trabaho nila ay siraan ang software... este ang maghanap ng butas at ng mga mali.

At dahil Qute nga ako (bawal umangal) at hmmm...sige na nga, umaamin na ako, Appealing na rin, sa QA ako napunta.

10 comments:

  1. kami din ni sherma, busy-busyhan dahil thesis at ojt na!

    ReplyDelete
  2. Ninong, ikaw ba iyan? Wag mong kalimutan na malapit na magPasko bwahahahaha!!! >:)

    Sige, konting tyaga pa at sasali ka na sa 1M+ na graduates na walang trabaho hehehe. Kung suswertehin ka, ipagdasal mo na sana, maabsorb ka rin sa pinag-OOJThan mo.

    ReplyDelete
  3. with regards sa programming or software eng... gusto ko nga rin sana magaral uli ng comsci for a second degree, pero rrrr ang mahal ah.. short courses nlang siguro. pero saan naman ako magaaral? Cisco lang naman ata ang meron sa Mapua Makati ngayon

    btw, masaya rin maging busy. hehe

    ReplyDelete
  4. wow! OJT na...

    sana, hindi floral ang suot mo habang nasa office ka... hehehe...

    namiss ko blog mo!!! cenxa na kung di kita napi-PM pag nagkakasabay tayo sa YM... syet... busy ako... hehehe...

    ReplyDelete
  5. kaya pala walang update si ninong, bc kasi.. :)

    gudluck sa pagiging QA!! :D

    ReplyDelete
  6. gudlak sa ojt mo ninong. sana masagot mo ung misteryo ng salaming pintuan sa opis - kung bakit mas madaling tumunog kapag dinikit ung id sa pwitan nung umiilaw kesa itapat mismo sa ilaw. wala lang. wala lang kasi akong matanungan. hehe, gudlak ulit.

    ReplyDelete
  7. Hi, I can't find any contacts on your blog. Can I ask you to send a note for me? My email is in profile.
    Thanks, Chris

    ReplyDelete
  8. Salamat sa pagbisita sa aking blog :)

    ReplyDelete