Friday, December 21, 2007

Yuppie?

“Once in a while it really hits people that they don’t have to experience the world in the way they have been told to…”
– Anonymous

Ano ang ibig sabihin ng dalawang larawan na ito?

Exhibit A:

Exhibit B:

Ang galing mo!

Tama ka, ibig sabihin lang nyan, natapos na ninong ang kanyang B.S. in Computer Engineering. Pagkatapos ng apat na taon at may limang buwan, natapos ko na ang humigit-kumulang 213 units, kung saan umulit ako ng 20.

Tapos na.

Mamartsa na ako sa Pebrero. Siguro.

Sana.

Sana hindi ako nag-iisa. Balita ko kasi marami sa mga umaasang magmamartsa ng Pebrero ay nagkaroon ng siete sa kanilang design 2. Walang umabot. Ako pa lang ang siguradong lalakad sa pulang carpet. Medyo nakabitin pa rin sila.

Siguro minsan nangarap akong grumaduate na top1 sa buong batch, pero kung mag-isa lang ako e napaka-RIDDIKULUS naman nun. Hehe.

Hindi na ako nag-enroll para sa darating na term. Ano ako martyr? No more available units na nga e. Pinapalayas na ako ng skul. Magpapapigil pa ba ako?

Di na rin ako nagpasyete gaya ng binulong nung iba para daw may kasabay ako magmartsa. Naisip ko, bakit ko pa patatagalin, e ang tagal kong pinilit matapos ang kurso na ito di ba?

So, ano na ba ang pinagkakaabalahan ni ninong ngayon? Kung tapos na ang kanyang ojt, bakit inabot pa rin ng isang lingo bago sya nagpost ulit?


Yuppie na si ninong. Young puppy –err professional.

Para maisagawa ko na ang aking planong sakupin ang mundo, nakasaad sa aking 1,000,000,000-step plan na makahanap agad ng trabaho para masimulan ko na ang pagpapayaman ko.

Sabi nung iba, pagkagraduate nila e magpapahinga muna sila. Mga 3 months. 6 months. 1 year. Pagkatapos daw ng apat na taon ng pag-aaral, e dapat lang na entitled sila mag-“indefinite leave” kumbaga.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayaw ko mag-“petiks” ng mga ilang buwan. Syempre. Gusto ko magpahinga. Gusto kong gumawa ng wala.

Pero hindi lahat ng tao ay may ganung kalayaan. Di naman kasi ako eredero o prinsipe para mag-antay na lang sa mana ko at nagtratrabaho lang para lumipas ang oras. Kailangan ko nang magkaroon ng pera kung gusto kong makabili ng gusto ko –tulad na lang ng Intramuros. Haha.

Atsaka kung magpapahinga ako, wala rin naman akong gagawin. Walang pera e. Magsasawa rin ako agad sa bartolina. Mabubugnot sa kabalintunaan.

Kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon e ayun sumabay na akong mag-apply sa mga nakasabay ko sa OJT. Tyempo namang naghahanap agad yung kumpanya ng aalipinin, kaya naman ayun, natanggap. Sa totoo lang, sila ang nagmamadali, kaya naman hindi ko na sila tinanggihan.

Gusto ko sana magpatuloy dun sa pinag-oojthan ko. Kasi kahit konti lang ang mga empleyado e OK ang atmosphere. Saka nagsisimula na kaming makipag-usap sa mga empleyado. Nakakabiruan na namin sila. Saka may libreng juice. Saka may pingpong table. Kaya lang hindi sila naghahanap ng empleyado, estudyanteng alipin lang ang kailangan nila.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Kung meron mang downside ang pagtanggap ko agad sa trabahong ito, iyon ay hindi na ako masyadong nakapaghanap at nakapamili. Parang take it now or leave it forever and ever amen kasi ang dating. Parang portal na unti-unting sumasara. Kung di ko papasukin, mawawala agad ang pinto. Medyo nakakatukso pa ang job offer. Tapos hindi ganun ka-binding ang kontrata. Anong magagawa ko, tao lang naman ako?

Ayoko, hanggang maaari, na pabayaan na naman ang mga ganung pagkakataon. Malas na nga sa lablayp e pababayaan pa ang “career”. Gusto kong subukan.

Medyo nagdalawang isip din ako, kasi bagaman developer ang job position na nakuha ko e hindi programming language tulad ng JAVA o VB.net o C# o Perl ang gagamitin namin. EDI o Electronic Data Interchange ang ide-“develop” naming.

In short, EDI Developer ako.

Anong kumpanya? GXS (Global Exchange Services). Sa Makati pa rin, at hindi nalalayo sa Teloworks kung saan ako nag-OJT.

Yun lang muna. Mahaba na ito.

16 comments:

  1. Aba aba aba, isang mabilis na mabilis na hakbang mula kay ninong. Sadyang minarapat ng mundo na alipinin ka ng mga tanong nakabarong at naka-long sleeves.

    Mahusay yan ninong, habang bata, trabaho lang nang trabaho para pagtanda mo, pwede ka nang maggagawa ng wala. Ako nga eh inisip ko ding magpakasasa sa bakasyon pero naudyukan akong maghanap. Ayos na nga din naman, masarap na mahirap ang may sariling pera.

    Pagbutihan mo ninong, ikaw ang pag-asa ng mga mahilig magpalibre na gaya ko.

    ReplyDelete
  2. huwaw! sa unang sweldo maghihintay kami sa opisina..hehehe

    ReplyDelete
  3. Maligayang bati at pagkatapos namin ni Ray na grumaduate, sumunod ka rin sa yapak namin. Bwahahaha!!!

    Ngayon, kasama ka na sa milyong milyong graduates na walang trabaho ayon sa isang istatistiks!

    Hehehe, wag mawalan ng pag-asa. Sa katulad mong gwapong umuusbong ang sex-appeal. Aba'y makakatrabaho ka agad.

    Gud Lak at Gad Bles sa iyo...

    ReplyDelete
  4. ninong! congrats :D

    ang saya ng buhay na gagraduate. jitters. haha.

    good luck :D

    ReplyDelete
  5. @tannix - rush attack. hehe. pano yan mahilig din ako magpalibre...

    @siomai - matagal kayong maghihintay...wahahaha.

    @duroy - meron na sir... :D dahil nga siguro sa sex appeal. wala na silang nagawa.

    $yunisee - salamat po! :D

    ReplyDelete
  6. Congrats, sir Feddie! Text mo ko pag nabili mo na Intramuros ha? Patayo tayo ng theme park. Ha ha ha. Magkatapat lang OJT ko at trabaho mo, kaya keep in touch ha. Daan tayo Makati campus minsan, marami nursing dun. LOL. Congrats ulit! ^_^

    ReplyDelete
  7. :< nakakainggiiiiiiiiiiiiiit

    ReplyDelete
  8. @virginia - yehey! congrats din sayo

    @sir a - hehe. pwede. sabihan mo lang ako sir, para mataymingan ko ang pagkakasakit ko at nang may makapag-alaga sa akin >_< toink! :D

    @budz - lahat tayo aabot dyan. yan din motif ko last term. >.<

    ReplyDelete
  9. congrats ninong!

    merry christmas!

    ReplyDelete
  10. ano nga bang pinagkakaabalahan mo? :D hehehe..

    Merry Christmas ninong..

    gip ko nga pala por you..

    http://i31.photobucket.com/albums/c368/carmefrancia/krismasblog.jpg

    tc!

    ReplyDelete
  11. wow! amoy-graduation na! binabati kita... February na?! Aba! Two months na lang pala, valentine's day na... hahaha!

    Merry Christmas! Gawin mo ang trabaho mo bilang ninong... regalo ko, ah! hahaha!

    ReplyDelete
  12. Wow. Malapit na 'yun ah. February na!! Wow, congrats Ninong!

    Siguro kapag nakapagpayaman ka na, at nabili mo na ang Intramuros, eh pwede ka na maging ninong sa totoong buhay. Haha! :)

    ReplyDelete
  13. congrats ninong! maganda benefits sa GXS. ;)

    ReplyDelete