Tuesday, December 25, 2007

Emilio

“If you give what can be taken, you are not really giving. Take what you are given, not what you want to be given. Give what cannot be taken.”

~Idries Shah

Nung mas bata pa ako kaysa ngayon, siguro mga prep pa lang o kinder, naalala ko nung nakita ko yung mga kasama ng nanay ko sa opisina na kumakain sa canteen. Ninang ng mga magulang ko sa kasal si Mrs. Amyan. Kasama nya kumakain ang ninang ko at iba pa.

Magpapasko na rin noon. Syempre medyo nagpapansin ako ng konti. Kunyari bibili ako sa canteen. Pero tumatambay lang ako dun. Palakad-lakad. Patingin-tingin. Inaantay ko lang tawagin nila ako. Para bigyan ng aginaldo, syempre.

Hindi naman ako nabigo (buti na lang). Maya-maya tinawag ako ni lola amyan. Tinanong ako kung gusto ko raw ba ng regalo. Ngumiti lang ako. Sabi ko, “ah e, wag na po”, pero sa loob-loob ko naisip ko, “wag kayo maniwala sa akin, bigyan nyo ako ng laruan!”

Sabi ni lola, “Ok lang ba sa’yo na pera na lang?”

Hmm… napaisip ako. Kung pera nga naman, ayos lang, makakabili ako ng gusto kong laruan. Kaya sinabi ko, “Umm, ok lang po!”

“Magkano ang gusto mo?”

Hmmm… napaisip ulit ako. Magkano nga kaya. Gusto ko sana sabihin na, “one hundred pesos po!” Tamang-tama na pambili yun ng laruan. Kaya lang…

“O, magkano ang gusto mong ibigay ko sa’yo?”

“Ah…P20 na lang po.”

Nagulat sila. Nagtaka. Sabi ni lola amyan, “O, bakit P20? Ayaw mo ba ng P100?”

Sabi ko, “Gusto po. Kaya lang po kapag P100 ang binigay nyo, kinukuha ni mama. Kapag P20, sa akin po yun mapupunta.”


Lahat ng nakarinig sa sinabi ko ay nagtawanan. Sa lakas ng tawa nila, kinabahan ako na baka may nasabi akong mali. Pero kumuha si lola ng P20 sa wallet nya, tapos inabot sa akin.

“O, eto ang P20 mo. Iyo yan ha? Wag mo bigay sa nanay mo. Haha.” Tawanan sila ulit.

Tuwang-tuwa naman ako. Totoo naman kasi. Noon, kapag binigyan ako ng P100, kinukuha ni nanay. Hindi ko na nakikita ulit. Hehe.

Siguro bata pa lang, alam ko na ang ibig sabihin ng “it’s the thought that counts.” Haha. >_<>

Yun lang. Hehe.

Maligayang Pasko sa lahat!

5 comments:

  1. Emilio. Aginaldo? Hehe.

    Mukhang mahiyain ka simula pa bata. Baguhin mo na yan, alang-alang sa diwa ng pagbabago. Maging mapusok ka na, sa susunod na taon, isang milyon na agad ang hilingin mo.

    ReplyDelete
  2. nice xmas story.
    ang cute...
    i can relate.
    haha.

    ngayun ko lng din pala nabasa yung yupie post mo...

    naku baka pagmayaman ka na e kalimutan mo na ang gintong mop ko.

    haha...

    nawa'y matuluyan ka nang maging ninong para ikaw na ang magbibigay ng tig-iisang daan sa mga batang gullible...hehe!

    MERI XMAS and HAPPY NEW YEAR!

    ReplyDelete
  3. Hahaha. Buti na lang hindi ko na-experience 'yun. Hehe. Hindi naman ako kinukupitan ng ermats ko nung bata ako. Lahat ng mga bigay ng mga ninong/ninang at tito/tita ko eh nasa akin. :)

    Pwera na lang siguro nung kinuha niya 'yung pera ko para ilagay sa banko. :)

    Kapag nagkita tayo, bibigyan kita ng P20. :)

    ReplyDelete
  4. P20... ang laking amount na nun sa panahon mo, diba? hahaha!

    Happy 2008 po! =)

    ReplyDelete