“If at first you do succeed, try not to look astonished.”
~Anonymous
(insert picture here some other time)
Dahil lahat ng nananalo ay kailangan may speech.
Kung hindi mo pa alam, nanalo po ako ng 3rd prize sa wika2007 blog writing contest para sa akdang “Ang Obra”.
Yehey! Clap clap.
Noon, akala ko magaling ako. Ngayon, alam ko nang magaling talaga ako.
Hahaha. Toink!
Nagpapasalamat ako sa mga bumoto sa entry ko.
Mga 37 sila maliban sa akin at sa kapatid kong ipinagplantsa ko pa ng uniporme para lang mapilit na iboto ako. Salamat sa mga taong bumoto matapos kong pagbantaan ang mga buhay nila at dun sa mga natakot maisumpa sa kawalan. Salamat sa mga napilitan at nakonsensya sa mga pasaring ko. Di ako mananalo kung hindi ko kayo napilit. Hehe.
Hindi ko kilala yung iba sa mga bumoto sa akin dahil hindi naman sila nagparamdam sa blog ko. Pero maraming salamat sa inyo. Salamat din kina paolo, tannix, tina, sir armand, sherma, timlight at mga taga-bodega. At yung iba pa para sa moral support.
Sa mga taong hindi bumoto sa akin, salamat na rin. Huhu. Alam nyo kung binoto nyo lang ako, baka nakabingwit pa tayo ng grand prize. (bitter) Malapit lang ang labanan e. Halos magkakalapit lang ang scores. Sayang. Tsk tsk. Haha. Pero ok lang. Bati ko pa rin kayo. Hmmph!
Nagpapasalamat ako sa mga judges.
Nagpapasalamat dahil pangalawa ako sa ratings nila. Sa 57 na sumali, pangalawa ako para sa mga huradong ito. Isang karangalan para sa akin na na-appreciate nila ang ginawa ko. At nagustuhan nila ang aking halo-halo.
Salamat din sa mga organizers at sponsors sa pinoyblogosphere.com na bumuo sa paligsahan na ito. Sana magkaroon ng marami pa.
Congrats rin ngapala sa iba pang mga nanalo tulad ni Ynon (na bumoto rin sa entry ko) na second prize para sa "Naykupu" at kay Ding Fuellos na grand prize para sa "Tungo sa Pagbabanyuhay".
Salamat sa Sinangag Express para sa Tapsi na naging hapunan ko habang ginagawa ang blogpost ko. Salamat sa Smartbro na hindi nagloko kaya umabot pa rin ang entry ko. Salamat sa Sukob na palabas sa t.v. at naririnig ko sa likod ko habang ginagawa ang entry na yun. Baka nakatulong ang mga sigaw ni kris aquino at claudine baretto para makapag-isip ako.
Salamat sa Lycee D' Regis Marie kung saan ako nag-aral ng elementary at sa direktor na si jenalyn aboga. Sa mga kras ko nun salamat din. Pati dun sa gumanap na Sergio Osmena. Kung nasaan man kayo, nandun kayo.
Salamat sa lahat ng taong kilala at di ko kilala. Lahat tayo ay magkakaugnay. At higit sa lahat, World Peace!!!
_________________________
Bukod sa prize money ay may kasamang 1yr domain registration at 100mb hosting na premyo ang mga nagwagi sa patimpalak. Ibig sabihin, pagkatapos ng matagal na pangangarap at pagkainggit sa mga taong may sariling domain mula ng makita ang site ni Ronibats, o kaya ni Namre, magkakaroon na rin ako ng akin.
Problema ko ngayon e kung ano ang gagamiting domain name. Weakness ko kasi ang magpangalan ng mga bagay-bagay, unless professor ko sya. Yun madali yun. May nakauna sa ninong.com e. Malamang. Hmmm… Any suggestions?
Galing! Congratz sau ninong. Hehe. Ang tagal ko nang d nakapasok sa site mo. Hehe. Take care.
ReplyDeleteWow naman! Hindi ko na pinansin yung Wika2007 dahil alam kong matatalo ako. hahaha. Tapos bigla ko nalang nakita na nanalo pala si sir ninong! Hahaha. Astig! Congrats! Blowout!
ReplyDeleteO diba kahit walang boto ko nanalo ka parin? haha!
Maganda kung catchy ang blog name mo. ^_^ Nin Ong ang kapatid ni Bob Ong.
Oi! Congrats! Hindi ko alam na nanalo ka. Masaya ako para sa'yo kasi isa ako sa mga nakatanggap ng death threat mo... hehehe...
ReplyDeleteVote lang ang kaya kong maibigay at hindi ang name ng iyong magiging domain. Professor at teacher lang din ang kaya kong bigyan ng pangalan... hehehe...
comment ko sa comment mo sa aking post
Naruto Shippuden? Ang huling napanood ko dun, nakalimutan ko na yung episode... basta, deds na si Gaara... =( Matagal ko na syang di pinapanood kasi nag-marathon ako ng akazukin chacha sa crunchyroll... hahaha!
congrats ninong :D
ReplyDeletemanlibre ka naman pag punta ko ulit sa bodega XD
hindi rin ako magaling sa mga pangalan kaya pasensya sa aspetong iyon haha
more power :D
@ mika: antagal mo nga bago naligaw ulit. ok lang. kaka-ressurect ko lang naman e. hehe.
ReplyDelete@karlo: hehe. pag nakita kita sir ililibre kita. san ba ako pwede magtago? haha.
@sherma: ah. buti pinahalagahan mo ang buhay mo. hahaha. deds na si sakura sa napanood ko... oooops! *spoiler. haha.
@yunisee: salamat po. kelan ka ba pupuntang bodega? aabsent ako.
wow.. congrats.. deserving naman eh.. :-)
ReplyDelete*cheers!
..aehheeehhehe
Ninong, you won! Congrats on winning Wika2007's 3rd spot :)
ReplyDeletedomain name suggestion:
ninongFM.com
aba si ninong ay nagwagi! ika'y aking binabati!
ReplyDeleteNinooooong!
ReplyDeleteCongrats sa pagkapanalo. G'leng-g'leng talaga ng ninong namin.
O ano, inuman naaaaaaaaaaaaaaaa~!
Sige, habang nag-iinuman kayo, magbi-busy-busy-han muna ako dito. May bwisita kasi kami e :D
@ richard: salamat. :D kampai!
ReplyDelete@ timlight: salamat sa suggestion at sa pagbati...at sa boto.
@ virginia: ako'y natutuwa, sa iyong munting tugma. salamat.
@ zj: hehe. salamat. toast?!
@ tannix: salamat sa suggestion kaya lang obvious agad na alipin mo ako. haha. salamat sa boto.
ninong congrats! galing mo.
ReplyDeleteninong pakiss...
ReplyDeletealam ko na pangalan ng domain name mo, kareranininoong.com :D
Belated congrats.
ReplyDeleteCongrats Nin Ong. Hehehe. Ang dami nag-comment. Iko-congratulate pa din kita kasi for some reason eh hindi ko matandaan kung nabati na ba kita sa tagboard mo. Hehe. So, congrats! Cheers!
ReplyDelete