Friday, August 31, 2007

Plant Visit Part 2



may tama na...

Bago ang lahat, nais kong sabihin na hindi pala ako umiinom. Masyado. Bihira lang. Di rin ako nalalasing. Masyado.

Nung gastro (excursion sa skulpaper) dapat malalasing ako ng sobra. Baka, napa-"pare" na rin ako gaya nung iba. Haha. Kaya lang hindi natuloy e. Nagkatrangkaso ako bago ang inuman. Haha. Galing no? Convenient.

Kaya naman, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pag may tama na ako.

Pero nasagot na rin ang misteryo na yun kahit pano. Dahil sa plant visit nung nakaraang biyernes, ngayon ay alam ko na. Kapag lasing pala ako…


Ako ang hari ng videoke.


At gaya nga ng nakagawian ng mga naunang graduating class, ang side trip ng plant visit ay…*drumroll*

Swimming.

Dahil nasa laguna na kami at galing ng APC dahil sa plant visit, sa calamba na rin kami dumiretso. Naglipana na ang mga private swimming pool at resorts sa Laguna. Palagay ko, sa sobrang dami ng mga resorts dito, mauubos mo ang isang taon kung dadalawin mo ang isa kada araw.

Pumunta kami sa isa sa mga resort dun. Dun sa… hmm… sa… Sa totoo lang, di ko matandaan ang pangalan nung resort. Basta Villa-something-something. Kadalasan yun naman mga pangalan ng resort dun e.

Maganda naman yung lugar. Malaki ang pool kahit mababaw lang. Ayos lang dahil lublob lang ang alam ko. Di ako marunong lumangoy e. Lulublob lang ako para mabasa naman ang buhok ko. Hehe. May dalawang cr sa baba. Tapos may dalawang kwarto daw sa taas. May mga table. Mayroon ding pool table sa tabi…

At may videoke.

Libre daw ang maglaro ng bilyar. Kaya habang nagpapalit ang mga nangangati nang lumublob lumangoy, e nagpalitan na sa 2 tako ang mga adik sa bilyar. Tulad ko. Apat na beses ako naglaro. Apat na beses nanalo. Doubles naman kasi. At matagal na ring hindi naglalaro ang mga tao.

Nagsimula na ang presidente namin na magdistribute ng inumin. Granma ang tawag nila sa inumin. Softdrinks na coke o royal ang chaser. Hmmm…

Para saan nga ba ang chaser? Di ko kasi alam e.

Ginamit nila yung takip ng bote. Ikinabit sa tinidor para maging sukat ng shot. Wala akong alam kung ilang ganun kada shot. E inom lang ako ng inom.

Sabik malasheng.

Mainit sa sikmura. At masarap ang coke. Haha. Naglalaro pa ako ng bilyar nung una. Walang kumakanta sa videoke. Isang tao lang, yung kaklase naming babae. Naisip ko, kakanta ako mamaya siguro. Hiya ako e.

Mamaya-maya, lumangoy lumublob na ako sa pool. Tama ang rinig ko, patraydor daw ang lola. Nahilo-hilo na ako. Naka-ilan na ba ako? Hmmm… Umahon ako sa pool, uminom ulit. Nag-antay makalaro ng bilyar. Antagal nila maglaro. Mga lasheng na rin ata e.

Dumampot ako ng limang piso. Hinanap ang listahan ng kanta. Pinakamadaling kantahin pag videoke e kanta ng mga banda. Kasi alam ng mga tao. Hindi ka magtutunog alien. Gusto ko sana kumanta ng mga oldies kaya lang baka magpatiwakal silang lahat o kaya patayin nila ako. Haha.

Kaya kinanta ko ay kanta ng mga banda. Partikular ang eraserheads. Nung una medyo mahina pa ang boses ko… pero nung walang pumigil sa akin at walang bumasag sa screen e nagtuloy tuloy na ako. Pare Ko, Tag-ulan, Kaliwete at kung ano-ano pa. Wala pa ring pumipigil sa akin. Wala pang nagbabato ng bote. Wala ring nagbabantang burahin ako sa ibabaw ng lupa.

Hindi ko tinitingnan yung mga score. Random generator lang ang dating e. Rigged kumbaga.

Para naman mamiss nila ang boses ko, lumublob ako sandali sa pool. Pero tinatawag ako nung videoke e. Haha. Ayun. Napaghalata na nilang lasing ako. Kasi tuloy-tuloy na ang kanta ko tapos sumusuray daw ako. Pero wala namang nagbato ng kung ano. Inaagawan lang ako ng mikropono ng mga taong lasing na rin. Pero ako pa rin ang hari.

Pinapalakpakan na nila ako nung bandang huli. Kinakawayan ko na kasi sila. Haha. Pinapatigil na ata ako.

Mga bandang alas-syete na nung umalis kami nung resort. Nakapagligpit pa ako bago umalis kaya hindi naman talaga ako lasing. Tipsy lang. Parang antok. Nung nakatulog ako, paggising ko, wala na masyadong tama. Nakauwi naman ako ng maayos pagkatapos.

Sabi nila, ngayon lang daw nila ako nakitang nalasing.

Haha, ako man.

5 comments:

  1. Aba ninong, ganun ka pala malasing. Mukhang magkakasundo tayo sa kalasingan. Kahit ako eh medyo may hilig sa pagkanta kapag nalalasing.

    Medyo gibberish na lang ang lumalabas sa bibig ko kapag nagkakaganun, hehe.

    Sana sa ownage moments eh malasing tayo at magpaligsahan, hehe.

    ReplyDelete
  2. oi totoo ba yun lasing ka? mukhang ok naman ang tama mo, kesa sa nmangyari kay badz na nadilaan ng _____ sa ulo.

    mas malala ka pala sa akin. at least ako humahagis lang ang mga silya kapag shenglot ako.

    ReplyDelete
  3. makikicomento na din ako... haha gnun din ako pag lasing... isang beses pa nga sa taas p ng billiard table ako kumanta. after ng isang kanta na yun lublub sa pool nagswiming!! haha!!

    ReplyDelete
  4. tama ang hula ko kung ano yung side trip! nyahahaha!

    bakit halos lahat ng nalalasing, napapakanta? nung 1st time kong malasign (at last time na rin sya), kinanta ko yung kanta ni sheryn regis na maraming conjunctions yung title... e ayaw ko nung song na yun pero kinanta ko pa rin... hahaha!

    granma? bakit ganun ang tawag? sa mga kabarkada ko, monee (not sure of the spelling) ang tawag...

    ReplyDelete