Sunday, August 26, 2007

Plant Visit Part 1

Tapos na ang botohan. At di mo ako binoto. Oo, ikaw.

Tamad ka. Tsk tsk.

Ayoko na. Tampo na ako sa’yo. Kapag ako ay hindi nanalo, sisisihin kita. Lahat ng hindi bumoto sa akin ay magsisisi… magdurusa… mag-iisip na sana nagclick sya sa aking entry at bumoto.

Pero wala nang pagkakataon pa.

Magkalimutan na tayo.

Hahaha.

Biro lang. Pero pag nanalo ako, hindi ko kayo kilala.

Hahaha ulit.

Pero di biro yun. Hahaha pa rin.

Hmmm… Kahit na hindi ako binoto ng karamihan sa inyo… umabot ako siguro sa mga top 11 o mas mababa dun. Ok na rin. Kaya pa.

Oo, ok na. Bati na tayo ulit.
______________________________

Nagkaroon ng plant visit ang aming graduating class nung nakaraang biyernes.

At gaya ng nakagawian, lahat ng plant visits e may “sidetrip” na tinatawag.

Nagsimula ang araw na gaya ng ibang nagdaan. At si ninong, sa sobrang aga ng gising e parang hindi na natulog. Puyat na naman.

Pero 6:00 am daw kasi ang call time. 6:30 raw aalis ang bus.

At si ninong, na hindi na natuto at ayaw paiwan sa bus ay umalis na ng bahay ala-singko pa lang. Tamang-tama 6 :00 impunto nasa skul na sya.

PERO ang bus ay umalis ng 8:15 am. Hinintay pa nila ang kaklaseng 6 am na nang nagising.

Ang Mapuan time, lagi talagang delayed.

Nakarating kami sa APC mga bandang 10 am na siguro. Sa Canlubang, Laguna daw yun pero ang dinaanan namin ay yung Silangan exit. Bale yung lugar ay isa sa mga bagong Industrial zone sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon). At may mga bago nang pabrikang nakatayo dun.

Isang testing facility ang APC at bahagi ng Atmel Corporation na gumagawa ng mga semiconductors at Integrated Circuits. Bale ang tinetesting nila dun ay yung mga wafers o kumbaga yung “mapa” ng mga circuit. Temperature testing, stress testing, mga ganun.

First time raw ng APC tumanggap ng plant visit request. Kaya naman kahit sa seminar nila sa amin parang medyo nangangapa sila. Kahit anong pilit ko, hindi ko matagalan ang atensyon ko sa mga sinasabi nila. Pero nakuha ko naman yung gist, kaya ok lang.

tulog na...

Tapos, syempre may line tour. Tiningnan namin yung ibang ginagawa nila sa pabrika. Baka kasi hindi totoo. Hahaha.

Napansin kong ang mga machine operator nila puro mga bata pa… mga nasa 20’s lang. Mga graduate kasi ng technical courses ang kinukuha nila at binibigyan ng training. May mga cute, sabi nga nung kasama ko. Mas marami sa kanila ay babae. Sabi nga nung kaklase namin e dun na raw sya magtratrabaho. Hehe. Parang nakita ko na rin ang ginagawa ni Jocelyn sa trabaho nya.
Maayos ang assembly line nila. Metikuloso. Interesante. Talagang mahigpit at maingat. Sensitive kasi ang mga wafers sa static at dirt. Sabi nga nung guide, hanggang .5 microns lang ang diameter ng alikabok na tolerable sa ilang rooms nila. I-imagine mo na lang.

Sa unang tour, pinakita yung probe testing na ginagawa nila sa mga wafers. Dun sa pangalawang tour, pinakita naman yung “assembly line” nilang matatawag. Mahal raw ang mga makinang ginagamit… nasa six figures at dollars ang halaga bawat isa.

Ang nakakatuwa, pagkatapos ng tour ay meron pang pagkain. Oo. Nagulat ako. May meryenda na, may lunch pa.

Yun nga lang parang minaliit nila ang kakayahan ng mga Mapuan mag-imbak ng pagkain sa mga bituka nila. Kasi naubusan yung iba ng ulam para sa tanghalian. Buti na lang ibinalik nung iba yung sobrang kinuha nila. At naging maayos ang lahat nang walang foodfight, batuhan ng plato o kaya sasaksakan ng mga tinidor.

2 pm na kami nakaalis na pabrika…para mag-“sidetrip”.

(ITUTULOY...)

9 comments:

  1. hala!!


    anung wafers? nakakain ba un?


    nyahahaha..

    ReplyDelete
  2. pag nakain mo yun...bilib na ako sayo... hehe.

    yum yum.

    ReplyDelete
  3. parang alam ko na ang sidetrip na yan... may kakilala akong mga mapuan at after ng isang plant visit ay isang swimming galore ang kasunod. maski sa sintang paaralan namin, ganyan din ang engineering students na nagkakaroon ng plant visit.

    kami kaya? kelan ang "newspaper publication visit" namin? imagine, after naming pumunta sa intramuros, swimming galore dapat pero saan? sa manila bay? hahaha!

    ReplyDelete
  4. Ganyan din yung pinuntahan namen dating planta. May libre pang anti-static shoes at jacket. Pati hairnet. Para kameng mga trabahador ng kantin. Mga cook ang itsura nameng lahat. Pwera sa shoe cover syempre.

    Tapos ganun din ang pagkamitikuloso. Sobrang bawal kahit anong alikabok. Siguro may nakakalusot din.

    Masaya magpunta sa ganyan, kahit medyo boring.

    Ang swerte ninyo, may pagkain kayo. Kame tinapay lang.

    ReplyDelete
  5. ninong bless po! sorry po busy eh kaya bihira mag bloghop...

    anyway sorry di kita naiboto..

    yung sa 1 vs. 100, yes. kapag nag-decide na tumigil yung player, talo ang mob, wala silang prize./

    ReplyDelete
  6. ninong! iba pa ba itong blog mo?

    sorry di ko nabalitaan yung voting.

    ReplyDelete
  7. Oo nga pala, yung Mapua Time, tradisyon na ata yan.

    Simula pa sa panahon nila Mamsir, ganyan na yan. Ewan ko ba kung talagang malalambot din ang puso ng mga propesor.

    May panahon pa nga na sila Mamsir naman ang late! Nakakatakot pa ang batas nila dahil talagang iiwanan daw ang mahuhuli. Sa bagay, di mo naman pwedeng iwanan ang batas.

    Dapat siguro magblog na din ako sa dalawang field trip na napuntahan ko.

    ReplyDelete
  8. naku ayoko talaga ang pinaghihintay ako... dapat alam nila paano mag handle ng time.. tsk tsk...

    daming chika babes? hehehe. :P

    ReplyDelete
  9. Nice! I like plant related things as such; or maybe I have a fondness for mother nature itself. :P

    But, too sad that most people don't really care about their importance anymore.

    Uhhh, I might've missed it, but what are wafers that you kept mentioning?

    ReplyDelete