Saturday, August 18, 2007

MacArthur


"Nanggaling na tayo dito ah?!"


I intend to live forever... or die trying.

~anonymous



Walang habambuhay nawawala.

Dahil ang isang tao, kung hindi pa napupunta sa ibang mundo, e babalik at babalik sa kung saan man sya masaya.

At ako... e babalik at babalik din dito.


Hahaha. Ang o.a. >_<

Dala lang siguro ng malakas at pabugsu-bugsong mga pag-ulan. Alam nyo na, kapag umiiyak ang langit at humahalik sa tigang na lupa... blah blah blah and so on and so forth. Ayun, ang sarap magdrama.

Eto na ang ikatlong pagkabuhay ng ninong.blogspot.com. Woohoo. Magdiwang. Ang kulit-kulit ng blogero. Hindi makuntento. Aalis. Pero babalik rin naman. O_o. Re-layout na naman po ang lagay.

Naisip ko kasing ngayon na ang oras upang bumangon at muling sakupin at less than 30% ng pinoy blogosphere. Bwahahaha. Gayundin ang .0353% ng foreign blogospheres na di maintindihan ang salitang Filipino pero dumadaan pa din dito sa blog ko ang nag-iiwan ng tag.

Nanumbalik sa aking gunita ang aking masidhing pangako sa sarili.... na paluluhurin ang mga taga- Google Adsense na tumanggi sa blog ko dahil hindi nila ako kinayang intindihin! Paluluhain ko pa nga pala sila ng dugo...

...at limpak limpak na salapi.

P.S.

Kanina lang ata ang first time ko na nakarinig ng suspension ng klase para sa araw ng Sabado. Hmm... clap clap. Sa wakas, naisip rin nila na may mga estudyante pang pumapasok pag sabado.

At ito ang aking centennial post.

2 comments:

  1. naks nmn ninong...ang puti...
    parang labang mr. clean, tide, ariel at champion...
    turning a new leaf maybe...
    wahahahaha!!!
    ang kulit kasi ni mcarthur eh...
    cnabi nang wag babalik...
    ayun naligaw tuloy...
    ser...bago na layout mo yung dati pa ring pic ng old layout ko ung nakalagay sa blog-link ko...
    la lang...napansin lng...np...
    nakatext ko nga pala c kumareng jk...
    gusto daw niya ng makabagbag-damdaming post from "ninonwng"...
    anu i-rereply ko?

    ReplyDelete
  2. ganyan ba talaga ang epekto ni dodong at chedeng, biglang pagbabagu-bagu ng lay-out?! tsk tsk...

    teka, teka, yun cbox mo ayaw yata sa akin at laging failed ang message ko. hehe

    ReplyDelete