Sunday, September 23, 2007

Ad Lib

Ang post na ito ay diretso kong tinatype sa blogger. Karamihan, kung di man lahat, ng mga post ko ay nakatype muna sa MS Word bago kina-copypaste sa blogger. Nakakatrauma kasi pag napakahaba na ng post mo tapos biglang hindi mapu-publish. Tapos di mo pa nasave sa kung saan. Uulitin mo na naman ang post mo.

E bakit nga dito ako nagtatype ngayon?

Ngapala, natanggap ko na ang aking bagong bago at makinis pang bloghost at domain. Naaalala ko nung bago ako sumali sa kontes, tiningnan ko yung prize, waw, webhosting at domain... kewl! kapag nanalo ako astig, may domain na ako.

pinalad manalo ng domain at hosting. 1 taon. kakakuha ko lang last week.

ano na pagkatapos?

buhay na yung domain pero wala pa ako talagang nailalagay na laman. isa sa mga dahilan siguro ay dahil medyo abala ako sa academics. ayaw ko na bumagsak e. so medyo backseat muna ang blogging.

natapos na ang Finals week. Di ko pa nakikita ang grades ko. Natapos naman nang malumanay ang mga defense ko. Sana ok na. Kung magiging ok ang lahat, OJT na lang ang subject ko next term. 240 hours at isang docu at defense, tapos na ang B.S. Computer Engineering.

lagi akong may pakiramdam na hindi ako handa. gaya na lang nung napanalunan ko yung webhosting at domain, di ko alam ang gagawin pagkatapos. yung OJT, ang paggraduate.

ano na pagkatapos?

naisip kong hindi pala planado ang buhay ko. may mga nakakausap ako at ang dami nilang naiisip na gagawin pagkatapos nito, pagkatapos nun. ako, naglalakad sa buhay nang nakapiring.

meron bang fear of planning? meron ata ako nun e. parang kapag nagplano ako, hindi mangyayari yung pinaghandaan ko at sayang lang ang paghahanda. alam kong mali ang ganung paniniwala pero di ko mabago yun.
that by procrastinating, the things I dread will come to pass.
bakit nga ba nagpapaka-oa ako sa mga ganitong bagay. ?_?

8 comments:

  1. Hmm. Talaga? Ganun ka pala. Sa MS Word ka muna magta-type. Ako kasi diretso na sa BLogger. Hehe. Ayos ah. Pero minsan kapag may naiisip akong isulat, sa phone ko sinusulat muna. Hehe. Yun kasi ang laging ready. Minsan walang papel, o walang ballpen. Kaya dun na lang.

    Ayos din ang "Fear of Planning" Theory mo. Siguro may mga taong ganun talaga. They cross the bridge when they get there. Normal ka pa din naman. Although mas maganda ang nagpaplano. Bakit ko ba nasabi yun eh kahit ako hindi nagpaplano. Hehe. Sige.

    ReplyDelete
  2. si ninong o, parang nag-i-emo, joke! okey lang yan...

    ReplyDelete
  3. hmmm...
    pessimism ba yan?
    alam mo kung anung magandang planu?
    break teh walls...wahahaha...
    nandun nanaman tayu...be adventurous...
    tutal nakapag-bilyar na tayo...
    kumpleto na ang college life mo...wahaha...
    try to get out of the box...
    that's what i think...
    (i think i should follow my own advice...tama ba mga spelling ko?)

    ReplyDelete
  4. Hay nako Ninong. Normal lang yang nararamdaman mo, kasi, gragraduate ka na. Eto na lang preview, mga ilang araw/linggo/buwan na walang ginagawa, hanap trabaho... Ganyan lang buhay pagkatapos ng kolehiyo.

    Kaya, ano mas masaya, ang pagiging estudyante, na walang ginagawa kundi mag-aral lang, pero pensyonado naman ng magulang, o isang taong may bachelor's degree, pero walang trabaho? Bwahahahaha!!!

    God Bless at good luck sa career! >:)

    P.S. Paano yung word verification sa mga comments? Di ko alam eh...

    ReplyDelete
  5. isipin mo na lang ninong nakapaggradweyt ka na magagawa mo na ang mga bagay na puwede mong gawin tulad ng pang-iistalk.

    bakit nga ba laging nauuwi sa ganito ang usapan? :D

    anyway, congrats uli. gawa ka ng website na 'Hinahanap-hanap kita... tuwing Pasko'

    ReplyDelete
  6. Ninong, mukhang nasa emote mode ka nung sinulat mo ito? Okay lang yan, lahat naman tayo ay dumadaan din sa stage na binanggit mo. Hayaan mo, lilipas din iyan at sa tamang panahon ay ma-o-overcome mo rin yan.

    ReplyDelete
  7. naka-relate ako! hindi ko rin alam kung anong mangyayari after my graduation sa May... haay... walang plano. baka mag-asawa na ako pagkagraduate ko... hahaha! sana makakuha ako ng trabaho agad...

    ReplyDelete
  8. haha.
    eee.
    pareho tayo.
    Ms Word muna
    copypaste
    blogger.
    ganun.

    apir.

    tama sila
    nagpapakaEmo ka.
    ako lang yun dapat ah?

    ReplyDelete