Do you ever get the feeling that the only reason we have elections is to find out if the polls were right?
~Robert Orben
Hindi talaga ako mahilig mangampanya.
Kaya naman hindi na kita pipilitin na iboto ako bilang Blog of the Week # 73 sa site na ito. Kahit na nangungulelat ako sa polls, hinding-hindi na kita pipilitin. Kahit na gusto ko lang naman e kahit hindi na ako manalo dun e huwag naman ako masyadong mapahiya. (insert smiley here)
Wala namang premyo ang botohan na yun. Mas sisikat lang ako ng konti. Konti lang naman. Mas makilala rin kahit pano. Mga additional 2.834% na magiging household name ang blog ko. Bukod dyan, magkakaroon pa ako ng handy-dandy badge na mailalagay ko dito sa blog ko bilang patunay na marami akong nakonsensya.
Paano ba bumoto? Hmmm... di ko pa sigurado kung gumagana yung nilagay ko dun sa sidebar. Pero try nyo na lang. Check yung box tapos click vote. Pag di gumana, dun sa site na lang. Alam mo bang mas matagal pa ang pagbasa mo sa pangungusap na ito kaysa sa pagboto mo? Haha.
Isang araw na lang ata ang nalalabi para iangat nyo ang estado ko. Pero ok lang kung tinatamad ka. Ok lang kahit ayaw mong bumawi sa hindi mo pagboto sa wika2007 entry ko. Ok lang talaga. Pero matutuwa lang naman ako pag binoto mo ako.
Di pa ba sapat yun?
Wala nga palang kinalaman ang intro at ang quote sa main entry.
Patapos na naman ang isang term sa Mapúa. Patapos na rin ang tinaguriang Hell Week ng mga estudyante. Sa isang Quarterm, yun ay kadalasang natatapat sa 10th week, yung linggo bago magFinals week. Sa linggong ito lahat ng mga instructor ay nagkakaroon ng kontsabahan para sabay-sabay na magcheck ng mga projects, magpagawa ng mga portfolios at higit sa lahat, magpahabol sa kani-kanilang mga estudyante.
Mahahalata mo na hell week na sa amin kahit hindi ka Mapúan. Ilan sa mga palatandaan ay ang mga sumusunod na nilalang:
- Ninong clones. Kung dati yung mga GC (Graduating Cunyari) students at mga professors lang ang nakapolo o kaya nakacorporate attire, makikita mong pati ang mga nene at totoy ay nakabihis na parang pupunta ng kasal o binyag. Minsan makakjackpot ka at makakatyempo pa ng nakabarong. Under kay Ma’m Fairy Tale yun madalas. Nagbarong din ako dati e.
Attack: 15 Defense: 25
Weak against: Prototypists
- Rush mode. Maraming tumatakbo sa loob ng school o kaya mga mabilis maglakad. Kung lalaki, dalawang baitang ang bawat hakbang nila sa hagdan. Mga pawisan, humahangos at hinihingal. Basa ng pawis ang mga damit.
Kumakain ng sorbetes habang naglalakad.Ito ang mga taong nagmamadali para sa defense, sa exam o kaya mga tulad ko na na-late sa klase dahil “trapik”.
Attack: 25 Defense: 5
Strong against: Abangis
- Abangis. Malalaman mong hell week na kung makikita mo ang mga ito. Mga taong nakatambay sa labas ng mga faculty room, sa labas ng dean’s office, sa labas ng mga classroom o kahit sa labas ng C.R para lang masilayan ang kanilang mga professor na biglang
nagteteleportnaglalaho kapag hinahanap.
Attack: 5 Defense: 5
Weak against: All types
- Prototypists. Mga taong gumagawa ng prototype o machine problem mula sa school of EE-ECE-COE. Nahahati sa apat na kategorya.
1. Solderers –Nagtutunaw ng solder lead para sa mga PCB nila gamit ang soldering iron. Kadalasang malalamlam ang mga mata dahil nakakalanghap ng tingga. Mainitin ang ulo, matatalim ang ngipin. naangangain ng usisero.
Special ability: Nanununog ng kilay. Solder Gun.
2. FeClers – Mga taong umiihi sa lababo, sa sahig ng CR, sa corridors, sa maliliit na planggana o sa mga tupperware gamit ang kanilang mga Ferric Chloride solutions. Kulubot at naninilaw ang balat sa mga palad. Galit kay Sir Angas o kaya kay Sir Zzexe.
Special ability: Nangangalmot. Chemical spray.
3. Programmers – Mga gumagawa ng machine problem. Armado ng kanilang mabibilis na daliri at makabagong teknolohiya, sinusubukan nilang gumawa ng mga virus para atakihin ang firewall ng Mapúa upang ihack at ipasa ang kanilang C++1, C++2, Assembly, Compiler o Software Engineering laboratories kahit hindi gumana ang kanilang mga ginawang project.
Special ability: Nambabato ng mouse. Syntax error.
4. Moral Supporters – Mga nagpapanggap na tumutulong. Nag-aalok ng malaespiritwal na suporta. Madalas wala sa mga overnight. Madalas di mautusan. Madalas wala. Pwede rin laging nandun, mga usiserong nakatingin sa kanilang mga kagrupong abala sa paggawa. Minsan tagagawa ng documentation, tagapakain, nagpapahiram ng bahay, financer, kontratista, girlfriend, boyfriend o kaya naman e none of the above.
Special ability: Parasitism.
At yan ay ilan lamang sa mga nilalang na naglilipana kapag hell week
aba, pwede nang article yan sa tnb! pramis! haha XD
ReplyDeletesi ean ay isa sa mga FeClers! haha!
ayos ang special ability ng programmers, nambabato ng mouse...
ReplyDeleteiboboto ba kita o hindi? bigyan mo ako ng matinding rason para iboto ka... bwahahaha!
Nakakapagpabalik ng recent memories ang mga naisulat mo ninong.
ReplyDeleteLahat ata ng uri ng pagkaprototypist nadaanan ko na pwera sa PROGRAMMER.
Meron din kaming tinatawag na blue collar boys. Ito yung taga-lagari, taga-kinis, tagabuo ng mga bagay na may kinalaman sa kahoy, frames. bakal, at pintura.
Minsan meron ding messenger. Sila yung tagapunta kila Mr. Wong at kung kanino pang nangongontrata ng PP (Pagawang Prototype).
Talaga nga namang napakasarap balikan ng mga memoryang ito.
Salamat sa pagpaalala ninong.
sa ating dalawa
ReplyDeletesino panalo?
wahaha.
:)
wala.
behave ako.
hihi.
Hindi ko alam kung pwede pang bumoto. Kung pwede pa, eh iboboto kita kasi naaawa ako sa'yo. Hehe. Joke lang.
ReplyDeleteTry ko bumoto.
Ninong, kapag dadating ka na sa puntong kakamayan mo na yung presidente ng paaralan natin at ibibigay na sa iyo yung souvenir, masasabi kong MAMIMISS mo ang Hell Week.
ReplyDeleteKasi naman, at least, pag nararanasan mo ang Hell Week, isa lang ibig sabihin noon, may pension ka pa na nanggagaling sa magulang mo. Pag hindi ka na nakakaranas ng Hell Week, malamang, patapos na yung pension mo sa magulang mo at maaari ka nang sipain palabas ng bahay nyo...
nakakaiyak ang hell week. lagi na lang pagod at parang ang sarap pagsipasipain lahat ng prof. akla mo mga diyos na kelangan mong magmakaawa para imove ang deadlines. :( hehe.
ReplyDeletewahahaha!! anak ng pating o!
ReplyDeleteninong clones amf!! hehe mapapaninong clones na din ako next term kasi may c++ na ako!! hehe
isa din ako sa mga abangis ng math dept! :D