Tuesday, August 21, 2007

Attempts

What would you attempt to do if you knew you could not fail?
~Dr. Robert Schuller

Hindi na ako umaasang manalo sa pakontes ng wika2007 sa pamamagitan ng mga votes. Una sa lahat, popularity-wise, hindi naman ganun kasikat ang blog ko. Siguro dati. Wahaha. Nung huling tingin ko, may mga entry dun na lampas na sa 50 votes. Hindi kita kinukonsensya. Alam kong wala kang pake sa akin. Wahaha.

Nakonsensya ka na?

Alam ko rin na ang mga ka-link ko rito ay halos kapareho ko, walang hilig bumoto. Kaya kahit paano, ayos lang. Oo, ayos lang. Ayos lang sabi e… kulit mo. >_<

Kung gusto mong makatama sa dartboard, kahit di ka marunong sa darts, e bato lang ng bato ng dart. Mayroon ding tatama dun. Kaya gumawa ako ng entry para sa paligsahan na yun…at binato ko sa kanila… este sa dartboard.

Tumama kaya?

Umaasa akong magandahan ang mga nagbasa sa nilalaman nung ginawa ko. Kahit yun na lang.

Hmmm… gumaan ang pakiramdam ko at nakapagblog ako ulit. Medyo cramped na rin ang utak ko kakaisip ng kung ano-anong bagay. Natuklasan ko na hanggang wala akong sinisimulan e wala naman talaga mangyayari. Walang silbi ang mga plano kung di ka naman talaga magsisimula.

Subukan mo. <--kausap ko ang sarili ko?

Anyway.

Pinasadahan ko ang aking inaagiw nang link list at nagparamdam sa mga nakasalamuha ko nung ako ay nagsimulang magbloghop mga bandang March. Marami sa kanila ay nandyan pa ang blog, pero may mangilan-ngilang mga burado ang buong blog… hindi ko na alam kung saan na sila naroroon. At hindi ko alam kong bakit binura nila ang blog nila.

Sentimental lang siguro akong tao, pero di ko magawang burahin ang mga blog ko. Ginawan ko pa nga ng back-up yung mga posts ko. Just in case.

Habang nagblobloghop, napansin ko rin may mga naka-link sa akin na di ko naramdaman ang presensiya sa sarili kong blog. Kahit tag o comment, wala silang iniwang bakas. Para silang mga apparition…now you see them, now you don’t.

Syempre may mga “faithful” pa rin. Dumadaan at nagpaparamdam dito. Yehey. Clap clap. Ako’y bumalik, bumabalik at babalik dahil sa inyo...

May mga lumipat na ng blogsite, may nagkaroon ng sariling domain, may mga kapareho ko na nandun pa rin ang blog pero kasabay ko rin halos nung nawala… hiatus daw ang tawag nila dun.

Bumalik na ako. Babalik pa ba sila?

5 comments:

  1. hey!tnx for dropping by. :)

    sori for not dropping by here as often like i used too. :P gonna be back again sa routine in time. ;)

    dont worry ill visit ur blog as often as i can. oh and i noticed u changed ur layout. nice and simple. take care and have a good week ahead of u.=)

    ReplyDelete
  2. ako din di na masyado nakakapag drop by. lalo na sa tagboard.. medyo busy eh...

    nakapag vote na pala ako for you. hihi. buti naman nadagdagan ng isa ang entry mo di ba?

    im here.. but not always like before... :) hehe take care..

    ReplyDelete
  3. waaaa!! nag-update na ako... hahayaan na lang kitang maging lamang this month... bawi ako sa september! bwahahaha!!!

    naligaw ako... akala ko, nagkamali ako ng pinunatahan... I know, you're not asking for my opinion, pero mas gusto ko yung dati! hahaha!

    ReplyDelete
  4. akoy nagbalik lapit na kasi pasko nonong heheh...

    musta na ninong?

    may tag ako sa iyo

    ReplyDelete
  5. kuya!! hehe yehey! naguupdate kna ulit ahihihi lam mu kuya wag ka mwalan ng pagasa malay mo sa di inaasahang pangyayari eh marami pala bumoto syo dba?? at maraming nagbasa sa ginawa mo hehe kaw tlaga think positive!! ayun hehe mishu ingta plagi!

    ReplyDelete