“When your heart is broken you plant seeds in the cracks and you pray for rain.”
— Andrea Gibson
Hmm. Nagkaroon ng outing yung kabilang team nung nakaraang Sabado. Di ko sila ka-team. Pero sumama ako. Bakit hindi. Wala naman mawawala. Una sa lahat, di naman talaga ako umaasa. Tingnan natin kung may mangyari. Kung wala, ok lang naman din siguro. Live a little, ika nga. Kaysa gawin ko yung usual routine ko pag sabado, ibahin ko naman paminsan minsan. Minsan lang din naman yung mga ganyang outing, hayaan mo na yung Collecticon sa Megamall, wala na rin naman akong pambili dun.
Badtrip nung biyernes ng gabi. Andaming ginawa. Andaming issue. Andaming wala. Gustong gusto ko na matapos yung araw na yun. Wala rin naman ako sa mood magtrabaho matagal na. Kung may malilipatan ako siguro, matagal na ako umalis. Yun nga lang, di talaga ako naghahanap...
Umalis kami ng maaga, wala pa akong timesheet. Di bale sa weekend na lang. Antok na ako. May dinaanan kami sa BGC, yung gf ng kasama ko at yung nirereto nila. Mukhang mas ok naman sa personal kaysa sa picture. Di ko lang talaga "template" kumbaga. Ewan ko. Basta sa ngayon, hindi talaga. Pumunta kami sa bahay nung kasama ko at nag-agahan. Umalis. Sinundo yung major nya. Saka yung isa pa naming kasama. Blah blah.
Food committee daw mga kasama ko. Kaya mamimili pa ng mga pagkain. Dumaan sa palengke, nagbuhat ng mga karne at gulay. Pumunta ng puregold at namili pa ng kung ano ano. Sumama ako sa pamimili. Pero distansya. Wala rin naman tyempo. Maganda pa din. Mahirap tingnan ng matagal. Nakakasilaw. Pero siguro di na gaya ng dati. Ako siguro nanlamig na rin sa kanya. Kung makaramdam ako ng siga, inaapula ko agad ang apoy.
Dumating ang gabi. Konting idlip lang ang baon ko. Syempre pag teambuilding, may games. Akala ko honorary guest ako. Dapat di ako kasali. Pero syempre, isinali ako. Ka-team ko sya, sinadya nila, oo. Tapos may card game pang nalalaman. Ipapasa yung card sa katabi. Dapat sa labi yung card e papunta sa kabila, kaso ang ginawa nilang rule, basta gamit ang bibig. Syempre nagbigay ako ng clue, pwede naman gamitin ang bibig e di ipitin na lang yung card sa labi. Baka nga sinabotahe ko ang sarili ko. Pero di mo rin masabi baka lalong mapahamak e. Nung una di kami magkasunod. Di rin naman ako lumapit sa kanya. Gaya ng sinabi ko, wala naman akong balak ipilit. Tinigil nila bago magsimula, pinaglapit kami. Hmm. Napapangiti ako oo, haha, gusto ko rin naman. Sa lahat naman ng kateam ko sya ang pwede.
Malapit ang mukha ko sa kanya nung kinuha ko yung card na kagat nya. Kung hinawakan ko ang balikat nya, magagalit kaya sya? Ilang card din yun, ilang beses magkalapit. Di ko alam kung ano dapat maramdaman ko. Di ko naman alam ang pakiramdam nya. Gusto ko isipin na sana isang buong deck un, pero nung panahon na yun akala ko mananalo pa kami kaya binilisan ko lang din. Ayun, talo rin naman pala. Dapat dinahan dahan ko na.
Talo rin naman kami sa games. Kumain tapos nagsimula na ang gabi. Nag-abot abot ako ng inumin. Inabutan ko din sya. Pumili sya ng kanta habang inaalok ko sya, tapos lumabas yung iasng kanta, buttercup. sabi ko akin na lang yung kanta. Pumayag siya. Di ko akalain naging malaking bagay pala yun sa mga nandun. Kala nila kanta ko yung buttercup para sa kanya. At alam mo naman pag lasing ako, gusto ko silang masaya. Kaya habang nagchecheer sila naisipan ko naman tumingin sa kanya. Ayun naghiyawan lalo. Nung matapos yung kanta bumalik na ako sa may pool. Yun pala, kanta na nya yung kasunod. E Taralets yung title ayun hiyawan sila lalo. Nagkataon lang naman, yun naman mga kinakanta nya lagi. Natawa ako, sabi nila kailangan daw sagutin ko rin yung kanta. Ayun e nag-iisip ako ng kanta nung naisip ko yung Ewan. Yung kanta na yun sinadya ko talaga. Dahil wala naman talaga syang sagot sa akin e. Sana sumagot man lang sya.
Pero ano nga ba ang balak ko... Nitong nakaraang linggo, nagsimula akong kausapin ng isa kong katrabaho. Pangalanan nating Julie. At naramdaman ko habang nag-uusap kami, na parang nasa kanya yung klase ng usapan na hinahanap ko sana kay Meadow. Hmm. Mas tuloy tuloy ang usapan, mas masaya kausap. Yun nga lang di ko pa naaaya kahit saan. Di ko pa alam ang gagawin. Pero malaki ang potensyal para sa akin na ipursue tuloy.
Alam naman natin yung problema kay Meadow. Masyadong sarado. Siguro kung nagkaroon na ako ng girlfriend baka alam ko na kung pano. Pero dahil hindi pa, di ko kaya ang laro na gusto nya. May nagsabi sa akin, sumuko daw ako agad. Di ako naniniwala na kailangan mong pahirapan ang isang tao para malaman mo kung tunay sya. Walang taong di ka masasaktan sa buhay mo. At di lahat ng pinaghirapan ay gusto mo habambuhay. Sana man lang kung gusto mo din naman, iparamdam mo ng konti. Hindi yung parang wala lang. Kung nagpakita sya ng konti, di naman ako susuko agad e. Kaso wala akong nakuha.
Kaya naman kung papipiliin ako, malamang etong isa na lang. Iniisip ko kung tatanungin ko pa yung Meadow... kung aayain ko pa. Parang wala na ring sense kung parang mas gusto ko na si Julie...

No comments:
Post a Comment