Saturday, January 6, 2007

Happy New Year: Prologue

"Music is the language of the soul"
- anonymous

Una sa lahat nais kong bumati ng isang maligayang bagong taon sa lahat ng mga naliligaw sa aking blog at dun sa mga parating nadalaw...medyo konti na lang kayo dahil siguro nag-lielow na naman ang blogging sa TNB...yung mga dating bloggers ay nakahanap na ng ibang outlet...

tulad ko sa Mapuaownage na ako madalas...hinahabol ko ang top 10...wehehe... wala lang... ayos naman ang mga tao dun e... at nadidistract naman ako...

Matagal ko nang gusto gumawa ng entry pero medyo maraming ginagawa... bukod sa ownage may inaasikaso akong surprise para sa February... Ooops... bago ka mag-isip ng iba pa...hindi po yun date... sana lang... ahahaha.. pero para yun sa aking kamag-anak... wala munang details dahil baka sya ay maligaw dito ako pa ang mapagalitan dahil tsismoso ako...hehe...

Ang aga ko dumating sa skul ngayon dahil may software design ako... kay sir legaspi daw... (oh noes...) e 730 dapat ang time pero ayun nine pa raw darating si sir... haay... medyo inaantok pa ako ah... di pa ako nakakabawi...baka mamaya makatulog na naman ako nito sa ofis...

Dahil sandali na lang at nine na...di na ako natulog... mabibitin lang ako e... kaya eto...nagblog na lang ako...
___________________________

Ginugol ko ang bagong taon sa aming probinsya sa batangas. sa lugar kung saan mas marami pa rin ang puno kaysa sa tao... pero mayroon nang bagong tayong SM Lipa... haha.

Umalis kami nung Rizal Day. alas sais pa lang ng umaga.

Matagal na kaming nagbabagong taon sa Lipa...siguro sa tanang buhay ko, iisang beses pa lang kami nagdiwang sa aming bahay... kung san watusi lang ang paputok namin naputukan pa ako sa mata...sa takot kong mapagalitan...di ko sinabi na naputukan ako... pero mild lang naman...parang namula lang mata ko ng matagal... at luha ng luha...natakot din ako nun...pero dahil bata pa ako nun (8 o 9 yrs old) mas takot pa akong mapagalitan kaysa mabulag...

Malungkot kasi sa bahay pag walang operation. Nasanay na kami na sa buong taon, lagi na lang maingay sa labas... condenser...mga makina... kung ano ano pa... kung di mo pa alam...nakatira kami sa may factory... pinapatira kami nung may-ari dun for more than 20 years na ata... libre ang kuryente... laging may tubig at libre din... walng bayad ang upa...

pero malungkot dun pag bagong taon... kami lang kasi ang pamilyang naiiwan dun...kahit yung mga "kapitbahay" na katulong sa canteen ay umuuwi ng probinsya... at dahil inggit kami umuuwi rin kami. hahaha.
________________________
dahil napuyat ako sa conference at MO nung madaling-araw, syempre ginawa ko ulit ang favorite habit ko tuwing byahe... ang matulog... di ko alam kung bakit pero ang lakas mag-"hele" ng makina ng sasakyan... minsan parang di ko na lang napapansin nakatulog pala ako...para akong bigla na lang nawawalan ng ulirat... kahit sa byahe papunta at pauwi ng skul nakakatulog ako...

medyo malapit lang naman ang probinsya namin... kapag sinuwerte...mahaba na ang dalawang oras na byahe. yun nga lang at di kami swerte...kasi inabot kami ng 3 hours!

(oops...nine na pala...itutuloy...)

No comments:

Post a Comment