(*sigh...another long one -_-)
Midnight
Not a sound from the pavement
Has the moon lost her memory
She is smiling alone
In the lamplight
The withered leaves collect at my feet
And the wind begins to moan
Memory
All alone in the moonlight
I can smile happy your days ( i can dream of the old days)
Life was beautiful then
I remember the time i knew what happiness was
Let the memory live again
Every street lamp seems to beat
A fatalistic warning
Someone mutters and the street lamp gutters
And soon it will be morning
Daylight
I must wait for the sunrise
I must think of a new life
And i mustn't give in
When the dawn comes
Tonight will be a memory too
And a new day will begin
Burnt out ends of smoky days
The still cold smell of morning
A street lamp dies ,another night is over
Another day is dawning
Touch me,
It is so easy to leave me
All alone with the memory
Of my days in the sun
If you touch me,
You'll understand what happiness is
Look, a new day has begun... - Memory, Barbara Streisand
one of my favorite songs, parang pang-fairy tale no?
_________________________________
you cannot have everything.
yan ang mga motto ng mga taong S.A.W.I. (single at walang iniintindi)…motto ng S.T.M.P.B.T (samahan ng mga taong malalamig ang pasko at bagong taon) kung saan isa akong active member kahit ayaw ko… n_n
kaya kahit papano, motto ko na rin yan… Motto rin yan ng aming eic nitong mga nakaraang linggo. in short, motto ng mga…umm…well, alam nyo na yun.
may mga bagay na gusto mong kalimutan kahit hindi naman talaga...at may mga bagay na inaalala mo pa rin kahit masakit…but I’m in no mood to dwell on that today, thank you very much.
hindi naman talaga binibigay lahat sayo…parang pusoy dos lang yan e, hindi mo makukuha lahat ng dos…(pwera lang kay mang greggy este kay ramon pala. hehe. napakaswerte mo tsong…).
may isa pang motto dyan e, “it doesn’t matter what cards you hold but how you play them”…kaya nga kahit may apat na dos ka pa, kung hindi ka rin marunong maglaro, matatalo ka pa rin…
ngapala, obviously marunong na akong mag-pusoy dos…tsk tsk… I’m innocence…di ko naman kayang turuan ang sarili ko ‘no…
kuya ray, kuya ace umamin na kayo…hehe. pero masaya naman laruin ang pusoy, kahit walang taya, nakakatuwa pa rin…hehe.
________________________________
Sayang naman ang mahabang bakasyon na ito kung hindi ako makakagawa ng entry sa blog…(para sa mga fans ko abroad, june 12 kasi nung Monday kaya holiday dito, ets da indipindins day of da perl of da orient, ya know? e vacant ako ng Saturday, Sunday at Tuesday kaya para na akong nagbakasyon!!! yehey!) alam kong may test pa ako sa Wednesday, at may lab report pa ako sa Thursday, pero mas mahalaga ang blog di ba? n_n
wala naman akong ginawa kahit bakasyon, ika nga ni hicaro, naka-bartolina ako sa bahay. nagtry ako mag-install ng games dito sa aking napakagandang pc, kaya lang either may problema ung cd ko o talagang luma na ang pc ko…ayaw gumana e…tsk tsk…e nagsawa na rin ako sa gba emulator…
gusto ko magdota, try lang sana, kaya lang kelangan pala ng internet nun. tpos karamihan sa mga bagong games ngayon napakademanding sa video card saka memory… e napakaliit lang ng kayang ibigay ng aking pinakamamahal na pc…
simula nung 2001, processor pa lang ang pinapalitan dito (last year lang un) saka windows version (dating ME ngayon XP na)… naiimagine nyo na ba kung gaano ka-advance ang pc ko…
gusto ko sana i-upgrade…napag-iipunan naman yun di ba…kaya lang dyahe…di ako marunong e. 3rd year computer engineering student pa naman akong naturingan, pero napakamangmang ko pagdating sa computer hardware. di ko nga totally alam ang specs ng pc ko…
pag tinanong ako, “Ano bang specs ng pc mo?”
sagot ko: “Ah e… hmmm… umm…maganda naman xa, windows xp na, 20 gig ang hard disk (this year ko lang nalaman to), maganda rin ang video card at sound card (way back in 2001)…huh? hertz? anong hertz? sa waves ba yun? 3d graphics accelerator? ah, kasi nakalimutan ko na e…processor? ah, bagong bili ito kaya alam ko, AMD Sempron…hehe galing ko no? ano ang dating processor? ah, pentium something…basta yung bagong pentium na mura lang nung year 2001…ang kulit mo naman…basta mabagal sya kapag games at minsan blackscreen lang ang lumalabas sa games…haay, huh?! naku, dumudugo ata ilong ko, teka lang ha… kuha akong panyo…”
haay…pangako matututo rin ako nyan… one of these days. balak kong dagdagan ko ang memory nitong pc namin sa bahay… dun sa mga may tips, pwede nyo akong turuan, ayos lang. pero charity work po yan ha …salamat. =)
________________________________
kaya ayun, medyo naubos ang oras ko sa panonood na lang ng mga episodes ng naruto… ok naman…natuwa naman ako…maganda naman ang naruto…ang isa lang sa mga napansin ko sa buong series ay ung karamihan sa mga bigtime na kalaban nila, hindi naman inherently masama… kinawawa lang talaga sila nung bata pa sila… mga taong nakadanas ng matinding kalungktan at nawalan ng pag-asa sa buhay nila…mabubuti silang tao na napariwara dahil sa baluktot na pananaw ng mga taong “tumutulong” sa kanila. haay.
bukod diyan, napansin ko na napakadaling gumawa ng mga kanta ng mga hapon…at yung mga ginagawa nilang kanta para sa anime mas nkaka-LSS (last song syndrome) pa kaysa sa mga lovesongs…di ba? minsan kahit di mo maintindihan yung mga lyrics, mapapakanta ka ng hapon kahit mali-mali ang syllables mo…
“nani wa shima kasewo huma gate mita ina, hashima kasade iwo itdaake mike tero” ang kakantahin mo kahit na ang tunay nyang lyrics ay:
“namida shita kaze wo atsumeteitaina nami no sagitsukatte kanata e kaketeku”
pero ano bang pake nila, e magkatunog naman, di ba?
sa totoo lang na-memorize ko ang lyrics ng voltes five opening at closing song (na may 15% error lang) at yung opening song ng 3rd OVA ng hunter x hunter (8% error)…yung sa full metal alchemist at ah my goddess…hum na lang, pwede?
nakalimutan ko na nga yung talagang meaning ng kanta nila…pero kahit papano alam ko pa rin yung mga anime lyrics… bukod pa yan sa iba pang lyrics na alam ng utak ko…saan kaya nilalagay ng utak ko yun? samantalang yung mga formulas ng calculus, numericals, nodal analysis, controls, atbp…ang hirap i-recall…parang may password pa, bago maaccess…
E nakalimutan ko na rin yung password…?_?
kaya nga natuwa ako sa depiction ni stephen king ng memory dun sa dreamcatcher story nya (na ginawang movie)…dun kasi lahat ng alaala mo nakalagay lahat sa isang basement ng utak mo na ang tawag ay memory warehouse…nandun lahat ng mga alaala mo…
e dun sa movie gustong gusto ng isang bida yung lyrics ng blue bayou, kaya nung napuno na utak nya ng mga computer know-how, kinailangan nya magbawas…dapat susunugin na nya ung mga songlyrics sa utak nya, pero nung makita nya ung blue bayou lyrics, nanghinayang sya… kaya imbis na sunugin nya yung file, itinago nya ung blue bayou lyrics sa isang special cabinet na ang laman ay yung mga importanteng memories na di dapat burahin…di ba ang kulit? =)
“…I’m going back someday, come what may, to blue bayou…where the…ho-humm…lalala…lalalalala” *beep*
Error at Sector L22A0E (blue_bayou.lyr): Memory Access Denied. Message Truncated.
Enter Password:???????
No comments:
Post a Comment