Monday, June 26, 2006

Hell Week

Bagaman, katatapos lang ng aming lampoon issue nitong nakaraang May, kinailangang gumawa ng isa pang issue bago matapos ang June…na tinaguriang “quickie builder” (kasi almost three weeks lang ata ginawa)…because of newsletter budget reasons…

at malamang sa hindi, may lalabas uling bagong issue ang tnb sa first week of august…

kaya medyo tuloy-tuloy pa rin ang trabaho sa “bodega” hanggang lumabas ang August issue na un.
______________________________

finals week na ngaung linggo at mukhang lahat ng subjects ko ngayon, hindi departmental ang exams…ibig sabihin may 80% possibility na hindi multiple choice ang exam…at ibig sabihin lang nun, hindi sapat ang “stock knowledge” para pumasa.

ibig sabihin din nun na mahirap kumopya sa katabi, dahil hindi na lang shade ng letter ang tinitingnan mo kundi solution…tsk tsk tsk…not good. hehe.

kahit na medyo sure-pass ang mga prof ko ngayon…medyo lang…hindi rin sigurado, kailangan mag-aral. sinabi ko na ito dati, at sasabihin ko ulit, “Ayoko na po bumagsak, maraming salamat po.”

pero dahil sabado pa lang naman ngayon, at sa Tuesday pa naman ang exam ko sa numericals…blog muna ako siyempre…
____________________________


Hell week ang tawag sa huling linggo ng term bago mag-Finals exams. ito ang linggo ng pasahan ng mga projects, prototypes, machine problems, theses, defense, portfolio at kung anu-ano pa mang requirements…hell week kasi malamang sa hindi, cramming ka.

at base sa personal na karanasan, mas mabagal ang oras kung gusto mo itong mabilis, at mas mabilis kung gusto mo itong mabagal…

pero dahil medyo masipag ako nung simula ng term (refer to other posts -_-), at nahilig sa pag-aaral (kahit sandaling panahon lamang), nagawa ko na ng maaga lahat ng kinailangan kong gawin. at hindi hell week ang hell week na iyon para sa term na ito.
n_n


find the missing link....

No comments:

Post a Comment