To be or not to be, that is the question. - William Shakespeare, Hamlet
I’m terribly, terribly confused. Sometimes I like her, sometimes not that much…damn. Why should everything always need to be difficult for me? Why do I make things terribly complicated for myself?
Tagalog na nga… medyo nahihirapan na ako mag- straight english sa blog e…parang masyadong constricting…masyado ring madrama…alam ko medyo mininimize ko na ang problema na yun…dahil ayaw nung iba diyan.
Ganito kasi yun e. May problema ako… lately, di ko naman sya pinoproblema…kasi nga, di ko na iniisip yung mga ganyang bagay ngayon…lagi ko ngang sinasabi bakasyon ako pagdating sa mga kwentuhang pula…kasi madugo yun…
Pero parang may conspiracy lang talaga sa buhay ko…feeling ko talaga isa itong malaking Truman show…kasi parang palabas sa tv ang plot at mga subplot sa buhay ko…parang di mo akalaing mangyayari pero nangyayari…
Kung titingnan nyo yung profile ko, may nilagay ako doon na thrice…kilala ni sir ean yung isa…halos kilala ng lahat ng tao sa mundo ko yung isa…at yung isa… well, yung isa, malamang sa hindi, hindi nyo sya kilala… kumbaga sa file, hidden sya…kumbaga sa eroplano, naka-stealth ang kwento nya…
hindi ko rin alam kung bakit di ko siya masyadong kinukwento…pero ngayon naman gusto kong ikwento, ngunit nag-iisip pa rin ako kung may mangyayari bang masama kung maikwekwento ko sya dito?
kasi nagugulo na naman ang aking tahimik na pamumuhay dahil sa kanya…nag-iisip na naman ako…at ayoko na rin sana na masyadong nag-iisip, nakaka-diabetes daw yun…(?o?) at nakikita ko sa EIC namin na hirap na siya sa pag-iisip kung pano makakapasa sa “prof” nya sa luvlab017…
Dati, napapaisip ako na magpapaka-celibate na lang ako (hoy! joke lang yun ha, di ako seryoso pag sinabi ko yun -_-), kasi nga medyo mahirap para sa akin ang mga ganyang bagay…at hindi rin ako madaling nagbabago….hindi rin ako mahilig sumunod sa payo at medyo nagpapanting ang tenga ko sa mga hirit tungkol sa porma ko at pamamaraan ko…Someone made me this way at wala nang bawian yun…ok?
Ngunit, subalit, datapwat. Sa palagay ko, yung inatend-an kung debut nung linggo ang catalyst ng lahat ng ito… medyo bumilis na naman ang pag-iisip ng utak ko e…
I am hoping na yung post ko na ito ay sobrang haba na at walang aabot sa part na ito na may kinalaman sa istoryang ito… kasi tinamad na sila magbasa (“Shet, ninong…ADIK ka ba, ang haba na naman ng post mo, walanghiya ka. Sinong magbabasa nyan? Historian?”)…
kung meron mang aabot sa part na ito, malamang un ay ang aking local and foreign fan base (ehem…ehem…ehem…dahak!) at kahit anong gawin nila, hindi naman sila masyadong makakaapekto…pero kung may kinalaman ka dito sa aking kwento at hanggang ngayon nagbabasa ka pa rin…walangjo, may conspiracy talaga sa buhay ko…nanadya na talaga ang tadhana…
_________________________________
OK. the real stuff begins.
kapatid sya ng kaibigan ko, which makes the story more complicated…ka-iskulmate ko din sya at oo, sya rin ang unang nakasayaw ko nung JS...pero wala namang malisya un…masyado…hmm…
imposing presence talaga ang kuya nya, at talagang medyo nakakatakot bumangga sa pader…nasabi ko bang napakalaking pader nun? nasabi ko na rin bang dalawa yung pader kasi may isa pa siyang kuya…at imposing presence din yun?
hindi naman kami gaanong malapit nung highschool…pero nagpupunta ako sa bahay nila, kasama nga yung kaklase ko…tumatambay lang dun…ganun.
e di college na…yung kuya nya nagpunta sa school ng mga coño… Syempre ako, punta dun sa school ng mga henyo…WAHAHA…at dahil may pagka-close kami ng kuya nya (nagbabasa ka ba?)…alam ng kuya nya yung kwento tungkol dun sa babaeng kilala ni sir ean na taga-Mapua…at syempre alam din yun nung kapatid nya…
e di ba nga sumemplang ang inyong lingkod (e di sana may gf na ako noon) sa tagpong yun… mga bandang 1st year 4th term yun e…at kumbaga sa basketball, game-turning shot yun….
kumbaga sa mountain climbing, nung malapit na ako sa tuktok, naramdaman ko na magkakaroon ng avalanche (kasi salbahe yung kalaban ko na nauna na pala sa tuktok), kaya pinilit kong bumaba ASAP, kaya lang inabot pa rin ako e (walanghiyang yun), wala pa ako sa baba, kaya yun, dumausdos ako pababa at medyo nabaon sa malalim na snow…lahat sira…lahat magulo. lahat madilim…
E medyo may tumulong sa akin makaalis sa snow…at medyo sya rin yun…well, nag-rescue effort din yung mga kaibigan ko, kaya lang mas malaki yung nahukay nya… e syempre…malungkot ka, may magpapasaya sa’yo…lagi mong nakakatext, ano pa nga ba ang mangyayari…?
“kailangan pa bang i-memorize yan?”
at hindi naman ako manhid…kasi feeling ko talagang meron syang nararamdaman para sa akin…o baka naman oversensitive lang ako kaya nakakaramdam ako ng mga bagay na wala naman dun…baka naman wala palang malisya yung mga sinasabi nya…binibigyan ko lang ng ibang meaning… pero sa pag-consult ko sa maraming tao ukol sa mga sinabi nya…pareho lang ang iniisip nila sa iniisip ko…
E dahil sa mabilis din ang mga pangayayari, isang araw, medyo nadulas ako…intentionally… kasama dapat sa plano…e medyo nag-backire yung plano…biglang parang hindi sya naniniwala sa akin…na baka daw gusto ko lang gumanti dahil nga di ko naakyat yung isang bundok…
pero sa totoo lang mga kababayan, hindi ko naman naisin yun… sinabi ko lang yung gusto ko sabihin, pero medyo di ko pa pala kayang i-back-up ng matino, nung mga panahon na yun, yung mga sinabi ko…
kaya kahit medyo nagsisimula pa lang ako…itinigil ko na…
bakit? NO EXCUSES. basta magulo talaga nung mga panahon na yun…may bumabagsak pa ring mga snow, galing naman sa isa pang bundok na di naman makita dahil sa hamog…di naman makita pero namemerwisyo pa rin sa akin.
but you don’t have to know all the reasons. at least not yet.
kaya yun…medyo lumabo ang eksena… at ok lang naman daw sa kanya na tumigil ako sa panliligaw (pero may bumubulong sa akin na hindi yun ok, mabait lang talaga siguro sya kaya ayaw nya sabihin)…pero meron talaga mga pare ko…napakatanga ko na talaga kung di ko mararamdaman yun…ewan ko lang…
E hayun, medyo nagkalabuan din kami ng kuya nya dahil nag-iba na yung mga trip ng kuya nya…puro pang-coño na, medyo hindi na ako makasabay…medyo madami na din syang vice…at ayaw ko namang mahilig sa mga ganun…kaya nagkaroon kami ng rift…
sabi ng kuya nya, “sayang…sayang” daw...di ko nga alam kung bakit nya sinabing sayang…sayang ba dahil di ko tinuloy yung panliligaw sa kapatid nya? o sayang dahil medyo nagkalabuan kami…
nung birthday ko last year, tinext nya ako (nung babae) at pinapunta sa bahay nila…(nagtetext-an pa rin kami noon pero medyo iba na yung topics at di na ganun kadalas)…binigyan nya ako ng regalo…
Simple lang ung regalo… Pero gaya nga ng sinabi ni anonymous pa rin, “it’s the thought that counts”…Sa totoo lang, sya nga lang nagregalo sa akin e…yung iba dyan, wala man lang gift…tsk tsk…
Nagpunta rin ako nung birthday ng kuya nya last year, at dahil ako lang ang highschool friend nila na imbitado, wala akong nakausap nun kundi sya lang (masyadong busy ang kuya nya sa ibang mga bisita)…at ok lang, ok lang…at iniisip ko, “bakit di ko ituloy…mukhang pwede pa naman ah…”
Jeesh. Hindi ko rin naman tinuloy…bakit? dahil nakita ko na yung isang bundok na nawawala…kung saan may nauna na rin pala sa tuktok…humahabol pa ako, hindi naman din pala ako makaka-aakyat…hinanap-hanap ko pa, nasayang din lang naman ang panahon…
at nung ayoko na akyatin yung bundok na yun (by the way, nawala pala ulit…nilamon ng lupa), hindi naman ako makakatuloy agad dun sa dati kong rescuer…dahil lalabas na gusto ko na namang sigurong gumanti kaya ayan, nandun na naman ako… parang lalabas ng panakip-butas lang siya… di ba? kaya di ko na talaga itinuloy…
logical naman yung ginawa ko, tama naman di ba? kaya yun…hanggang sa naisip ko na magbakasyon na nga lang sa pag-akyat ng mga bundok…dahil wala namang nangyayari e, nasasaktan lang ako at nababaon sa snow…kaya nagsi-sightseeing na lang ako mga kalahating taon na ata…
pero dahil umattend ako ng debut nya nung linggo n_n…naguluhan na naman ako…hindi ko alam kung magbabakasyon pa ba ako, kasi baka malaglag na naman ako kung aakyat ako ulit e… o baka dapat subukan kong umakyat ulit, baka makarating na ako sa tuktok…
baka lang…
pero yun nga…di ko pa napagtatanto ng maigi…nakikiramdam pa ako e…hindi ko talaga alam…hmmm…teka, baka gusto nyo magbigay ng payo…tutal, magaling tayong magbigay ng mga payo ukol sa mga bagay na hindi naman natin problema…
pero mas maganda po sana…mas nanaisin ko po, na nababasa ang inyong payo (comment na lang kayo dito) kaysa sa naririnig mula sa inyo…atsaka sana walang mananabon (kaliligo ko lang)…wala rin sanang mang-aasar at magbibigay ng masasakit na reaction kung ayaw nyong masaktan…namomoblema na nga ako, dadagdagan nyo pa…ha? sige.
No comments:
Post a Comment